Chapter 52

1782 Words

PAGPASOK ni Aifa sa loob ng bathroom ay napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Gusto niyang magtatalon at magsisigaw dahil sa nararamdamang kilig ngunit pinigilan niya ang sarili. Naiintindihan niya ang mha sinabi at ikinikos ni Luke ngunit hindi niya sigurado kung totoo ba iyon o hindi. Ayaw niyang umasa ngunit ang pasaway niyang puso ay asang-asa naman na marahil ay may pagtingin sa kaniya ang binata. She was hopeful that this is not a one sided love. Bumuntong-hininga ang dalaga upang payapain ang kaniyang dibdib. Hindi niya dapat ipakita kay Luke na labis siyang naaapektuhan. Kailangan niyang maging matatag dahil baka sinusubukan lamang siya ng binata. Nang maihanda ang pampaligo nito’y binalikan niya ang binata sa kama nito. Ngunit naabutan niyang nakaupo na ito sa wheelchair.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD