KINAGABIHAN ay nahahalata ni Luke ang pananahimik at pag-iwas sa kaniya ng dalaga. Pagkatapos niyang kumain at uminom ng gamot ay agad itong lumabas ng silid niya. Kapag kinakausap naman niya ito’y isang tanong isang sagot lang. He didn’t know what he did wrong her for her to get mad at him. Wala naman itong kinalaman sa panyong iyon para sumama ang loob nito dahil gusto na niya iyong itapon. Wala siyang ibang ibig sabihin doon. She should know by now, that he wanted to forget Adriana. Bumalik si Aifa sa silid niya at inayos lamang ang kama niya. Tahimik uli itong ginagawa ang trabaho nito habang nanatili lamang siyang nakamasid dito. Hindi na siya nakatiis sa pambabalewala nito sa kaniya kung kaya minabuti niyang magsalita. “Aifa, let’s talk.” Hinarap siya ng dalaga. “Tungkol po saa

