“KUNG ganoon ay inakala mong kay Adriana ang panyong iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Aifa. Marahang tumango si Luke. Hawak niya ang isang kamay ng dalaga habang nakaupo sila sa living room. Nalaman na niya ang ikinagagalit sa kaniya ni Aifa at kahit panyo lamang iyon ay malaking bagay na iyon para sa kaniya. “Yes. Iyon ang pinaniwala sa akin ni Adriana. She claimed it to be hers. Ayon sa kaniya’y pag-aari iyon ng namatay nitong lola.” Aifa chuckled while shaking her head. Hindi makapaniwala sa kasinungalingang itinanim ni Adriana kay Luke. “Nakita ako ni Calvin. Bakit hindi niya itinama ang maling akala mo?” Luke kissed the back of her palm and looked at her. “My fault. Hindi ko itinanong sa kaniya. Naniwala kaagad ako sa mga sinabi ni Adriana. I treasure that handkerchief dah

