BUTI nalang at magkasing-katawan sila ng Ate Jena nya. Tila sukat na sukat ang wedding gown sa kanya.
“Napakaganda mong Bride!” tili ng bading na makeup artist.
Nginitian nya ito at pinasalamatan. Nasa isang sikat na Hotel sila sa Tagaytay at dun gaganapin ang garden wedding nila ni Lithe.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal at tinawag na sya ng coordinator para mag-umpisang maglakad papunta sa altar.
Nang tumapat sya sa nakapinid na pinto ay sari-saring emosyon ang nararamdaman nya. Kinakabahan sya na masaya na malungkot.. Parang roller coaster ang emosyon na lumulukob sa kanya.
Nang bumukas ang pinto ay dahan dahan nyang inangat ang kanyang ulo at nakita ang mga nakangiting mukha ng kanilang mga pamilya. Puno din ng paghanga ang mga mata ng mga ito habang dahan-dahan syang naglalakad palapit ng altar. Sa kalagitnaan ay nandun ang mommy at daddy nya. Ayaw man nya pero parents daw kasi ang naghahatid sa altar sa anak kaya andun din ang ama nya kahit sobrang labag sa kalooban nya.
Nagbeso at nagyakap sila ng kanyang ina at plastic na tango lang ang binigay nya sa kanyang ama. Kita ko ang lungkot na bumalatay sa mukha nito ngunit agad din na pinilit iwaksi at naglakad kasabay nya. Ni hindi nya magawang hawakan ito at sa mommy nya lamang sya kumapit.
Dumako ang mata nya kay Lithe. Napakagwapo nito sa suot na tuxedo. Napakurap sya para kumpirmahin kung totoo ba ang nakikita nya. May luha na kumikislap sa mga mata nito? Pero bigla nyang naisip na baka nalulungkotlamang ito dahil matatali na ito sa kanya. Katapusan na ng pagkabinata nito.. Hmp! Akala mo naman sya lang ang mapuputulan ng kalayaan! Ako din naman ah? Inis na depensa ng isip nya. Pero sa sulok ng puso nya ay may mumunting kirot sa isipin na iyon. Humigit sya ng isang malalim na buntong-hininga bago muling naglakad.
Nang marating ang kinaroroonan ni Lithe ay nagmano ito sa magulang nya at kinuha ang kamay nya. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang lamig ng kamay nito.. Patay na ba to?? Ang korni ng naisip ko. Sabay mahinang pilig sa ulo nya.
Tinitigan nya ang mukha nito at napairap nalang sya ng kindatan sya nito ng magtama ang paningin nila. May misteryosong ngiti din ako na nababanaag sa mapanghalinang labi nito. Maingat sya nitong inalalayan paupo sa harap ng altar at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
Nang mapadako sa wedding vow ay nag-umpisa ng manlamig ang kamay ko. Shocks! Maitawid ko sana ang eme-emeng wedding vow na ito. Pumikit muna sya ng mariin bago nagsimulang ilitanya ang kanyang wedding vow.
“I-I will never promise you anything because I believe that promises are meant to be broken. But one thing I can assure you, I will do everything I can to be the best wife for you.” Muntik na syang magkandautal. Nakita nya ang ningning sa mata ni Lithe na labis nyang pinagtataka. Hindi ito ang inaasahan nyang makita sa mukha nito. Mukhang magaling itong umarte.
Napabalik sya sa ulirat ng hawakan nito ang kamay nya at simulan ang wedding vow nito
“From this day, I vow to take good care of you all the days of our lives. I vow to listen to you and learn from you. I vow to protect you and comfort you.
I promise to be your partner in all things, not possessing you, but working with you as part of the whole. Forgetting the “I” and work as a “WE”. Ang higpit ng hawak nito sa kamay nya. Kung titignan ito ay kala mo totoo ang lahat ng sinasabi. Napakasinsero ng pagkakabigkas nito sa vow nya at hindi nito nilulubayan ang titig sa mata nya habang binibigkas ito. Kung hindi ko lang alam na arrange marriage ito baka naiyak na ko sa wedding vow nya dahil sa nakakadalang emosyon nito.
“I now pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the Bride” napalunok ako ng marinig iyon mula sa pari. Tinitigan ko si Lithe at nakita ko ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito. Napasingkit ang kanyang mata at in-obserbahan ito ng may pagtataka. Ano yung nakikita nya sa mata nito? Excitement?
Dahan dahan nitong inangat ang belo nya at marahang hinapit sya nito sa beywang. Kumabog nanaman ang dibdib ko. T*ngina! Bakit kinikilig ang pakiramdam ko?! Mabilis akong napalunok ng laway habang tila may nagkakarerahan na kung ano sa dibdib ko.
Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. He’s smiling na kala mo ang saya saya nyang kinasal. Konti nalang bibigyan ko na to ng award eh.
Awtomatikong napapikit ako ng hawakan nito ang baba ko. Naamoy ko ang mabangong hininga nito. Para akong dinuyan sa ulap ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Dampi lang ito pero parang nanginig na ang tuhod ko sa sensasyong lumukob sakin. Putek! Bakit ang sarap ng halik na yun?!
“There’s more of it later, Munchkin. Magsawa ka mamaya 'pag wala ng tao” napamulat sya ng marinig ang bulong nito sa tainga nya. Lintek! Hindi nya napansin na matagal na pala syang nakapikit. Ano ba Jent! Umayos ka! Nakakahiya ka!
Kita nya ang ngisi nito sa kanya. Nakakaasar!
“Inaantok na kasi ako. Feeling mo naman dyan!” depensa nya sa sarili ng nakairap dito. Pero lalo lang lumapad ang ngiti nito na umabot hanggang mata. Napakaloko!
Napaigtad ako ng muli nyang hinapit ang beywang ko at muli akong kinintalan ng mabilis na halik sa labi
"Hoy! Sumusobra ka na ah.." nanggigigil nyang bulong dito. Pero nagsihiyawan ang mga panauhin sa kanila na tila naman kinikilig sa eksena na nakikita. Hindi mo aakalain na walang pagmamahal sa pagpapakasal na ito. Isang pekeng ngiti ang pilit nyang pinasilay sa kanyang mga labi.
"Nakakaadik kasi eh" nakangisi nitong sagot.
"subukan mong ulitin yan magkakablack eye ka na!" bulong na banta nya dito habang tila nakangiti pero nanggigigil sa inis ang mukha.
"ohhh fierce!" nangaasar nitong wika "I like that, my munchkin"
"Grrrr!" Inis na irap nya dito
"Rawrrr!" gatong pa nito sa Inis nya at tinaas ang kamay na tila kumakalmot na leon
Inirapan nalang nya ito at nanahimik nalang. Hindi sya mananalo sa asaran dito.