CHAPTER 2

1672 Words
Nakatakdang ikasal ang Ate Jena nya sa panganay na anak ng mga Del Fuego. Kasunduan iyon sa pagitan ng pamilya nila at ng mga Del Fuego. At para na din sa merging ng mga kumpanya nila. Matalik na magkaibigan ang lola nya at si Madam Milagros Del Fuego. "So cancelled na ang wedding ni Ate?" wika ko "No, Apo. That can't be. Mapapahiya ang pamilya natin at ang pamilya nila Milagros." sagot ng lola nya "Ha? Eh pano po yun Lola eh nagtanan na po si Ate? And the wedding is tomorrow na" "You will be the one to marry Lithe Del Fuego tomorrow, apo" pinal na sagot ng Lola nya. Hindi ito nagtatanong. Iniimporma lang sya. "What???? No Lola! Ayoko po! Ano yun Proxy Bride???" tutol nya. Juice colored! Kung sa binyag ay pwede ka magpa-proxy meron din palang ganito sa kasal? Seryoso?? "Anak, please do this for your Lola and for our company." pangungumbinsi ng ina nya "Jent anak, tama ang Mommy mo. Para ito sa ikabubuti ng kumpanya tsaka para hindi din mapahiya ang pamilya natin sa mga Del Fuego" sabat ng ama nya Tinaasan nya ito ng kilay "Who are you to talk about HIYA? Ni hindi mo nga yan naramdaman nung nambabae ka!" pagtuya nya dito Hindi nakahuma ang ama nito sa tinuran nya. Kaya pumagitna na ang lola nya "Jent Apo, pinal na ang desisyon ko. Tulungan mo akong mas mapabuti ang kumpanya na pinagtulungan nating itaguyod. Magpapakasal ka kay Lithe bukas. Gawin mo ito para sakin Apo ko at para sa kumpanya natin " wika ng lola nya at ginagap ang mga kamay nya. Alam nito na hindi nya matatanggihan ito dahil mahal na mahal nya ang lola nya. Kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pagsuko ng  kalayaan nya sa taong hindi naman nya lubos na kilala at minamahal. Tangina! Di nga ko naniniwala sa mahal mahal na yan eh! Kilala naman nya si Lithe pero huling kita nya dito nung sampung taong gulang lang sya at kinse anyos naman ito magkaedad sila ng ate Jena nya. Crush nya ito dati dahil napakagwapo nito. Napakaganda ng mga matang kulay tsokolate na pinaresan ng malalantik na pilik mata at makapal na kilay na bumagay sa matangos nitong ilong at manipis na mamula mulang labi. Pero na-badtrip sya dito dahil walang ibang ginawa ang lalaking iyon dati nung bata sila kundi ang asarin at i-bully sya. Hanggang sa lumipad na ito papuntang UK para dun mag-aral. After fifteen years magkikita sila ulit at ikakasal pa. Hays life! "Darating ang mga Del Fuego mamaya, anak. Kaya you need to prepare. May dinner party tayo at para magkaharap na din kayo ni Lithe bago ang kasal. Nung namanhikan sila dito nung nakaraan hindi ka nakarating dahil sa business conference mo." wika ng ina Hindi nya alam ang mararamdaman nya. Parang gusto nyang maiyak, magwala at magdabog. Pero hindi nya magawa. Basta ang Nanay at Lola nya ang nasa usapan hinding-hindi nya kayang masaktan ang mga ito o ma-disappoint. Kaya kong gawin lahat para sa kanila. They've had enough heartaches, pain and sacrifices. Kaya kong isugal ang sarili ko para sa kanila. Binalingan ko ang Lola ko at niyakap ito. "O-okay . I'll marry Lithe Del Fuego. Para po sa inyo Lola at Mommy." sagot ko at nilingon ko ang Mommy ko na naiiyak na dahil sa tinuran ko. Hinalikan ako ni Lola sa pisngi at hinaplos iyon. Lumapit na din ang Mommy ko at nagyakapan kaming tatlo. Deadma sakin ang magaling kong ama. Para sakin para lang syang hangin. Isang masamang hangin! Kinahapunan ay naging abala ang tahanan nila sa paghahanda para sa pamamanhikan ng mga Del Fuego sa pangalawang pagkakataon. Bongga diba? Tinatamad sya mag-ayos. Parang gusto nga sana nya humarap sa mga ito ng nakatshirt at jeans lang. Eeffort -effort pa eh ikakasal na din naman.. Papaimpress pa ba?? Nagpunta sya sa closet nya at namili ng damit. Sa huli isang old rose na sunday dress ang napili nya na hanggang itaas ng tuhod nya ang haba na pinaresan nya ng light brown na doll shoes. Naisip nya kailangan nya maging presentable para sa Lola at Mommy nya. Lalong lumutang ang ganda ng kutis nya sa suot nya. Lalo at mamula mula ang pagkaputi ng kulay ng balat nya. Hindi na din sya nag-abala mag makeup. Nagpulbo at liptint lang sya.. Nang dumating ang mga Del Fuego ay agad inestima ng Mommy at Lola nya ang mga ito. Kita ko ang excitement sa mata ng Lola ko lalo na ng makita nito ang kaibigan na si Madam Milagros. Nagyakapan at nagbeso ang mga ito. Lumabas na din si Mrs. Megan Del Fuego ang ina ni Lithe. Napaka-glamorosa ng anyo nito ngunit merong napakasinserong ngiti at malumanay na personalidad. Naalala nya kung pano sya ituring na parang anak din nito dati nung mga bata pa sila. Palibhasa ay wala itong anak na babae. Tatlong barako ang mga anak nito at ang bunso ng mga Del Fuego ang mas kasundo nya noon. Si Lindt. Sinalubong ng Mommy nya si Mrs. Megan at lumingon sa kanya ang mga ito "Eto si Jent, Balae" wika ng mommy nya sabay turo sa kanya "Ito na ba si Jent? Aba'y napakalaki na at napakaganda!" wika ng ginang sa kanya na bakas ang paghanga Lumapit ito sa akin at yumakap at hinalikan sya sa pisngi Dagli silang napalingon lahat ng huminto ang itim na fortuner sa tapat ng bakuran nila. "Oh ayan na pala si Lithe" wika ni Mrs. Del Fuego Ano yan? May pa-grand entrance? Nakataas kilay nyang wika sa isip Umibis ang matangkad na bulto ng isang lalaki. Nakasuot ito ng navy blue na longsleeves at nakatupi hanggang siko. Mukhang galing ito ng opisina. Hmmm.. Hindi man lang nag-abala magpalit ng damit. Napakurap sya ng magtama ang mata nila. Parang may lumuksong kung ano sa dibdib nya at bumilis ang t***k ng puso nya. Teka! Eto ang lalaki sa coffee shop nung nakaraan! Kaya pala pamilyar ang pares ng mata na iyon sa kanya. Ang hudyo palang ito yun.. Parang gusto nya tumakbo ng magsimula itong maglakad palapit sa direksyon nila. Humalik muna ito sa dalawang matanda  bago humakbang papunta sa kinaroroonan nila. "Hi Ma and Tita Bern" bati nito sa sa dalawang ginang at bumeso Umiiwas sya ng tingin dito. My gulay! Bakit parang ganun padin ang epekto ng lalaking toh sakin.. Fifteen years ago na yun! Pero bakit hindi nagbago? Ang pagkabog ng dibdib ko pag malapit sya at panghihina ng tuhod ko sa pagtitig ng magagandang mata nito sa kanya... Hell, no! "Anak, look at Jent sobrang ganda nya!" bulalas ng ginang sa anak. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Naginit ang pisngi ko sa tinuran ni Mrs. Del Fuego. Lalo na ng binaling ni Lithe ang mga mata sa kanya. Hindi sya sigurado Pero nakita nya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Pinagtatawanan nanaman yata sya nito.. Pang-asar.. Nakahinga sya ng mag-aya na ang mga ito na pumasok sa loob. Pinauna na nya ang mga matanda na pumasok sunod ang mga ina nila ni Lithe. Napaigtad sya ng marinig ang boses nito na nagsalita sa likod nya "it's been a long time, little munchkin" Huminto sya at lumingon sa gawi nito. Nakapamulsa ito habang parang slow motion na naglalakad papalapit sa kanya. Ang laki na din ng pinagbago ng itsura nito. Ang dating parang kawayan na katawan nito ay naging matipuno at namumutok sa muscle. Baka may abs din ito base sa itsura nito na mukhang laman ng gym dahil fit na fit ang itsura ng katawan. "Like what you see, munchkin?" nanunudyo ang tingin nito sa kanya "Stop calling me munchkin. Hindi ako donut" pagtataray nya dito para pagtakpan ang hiya na na mahuli sya nitong nakatitig sa katawan nya. Shit! Nakakahiya ka Jent! Sita nya sa sarili Narinig nya ang mahina nitong pagtawa. Tinalikuran na nya ito at nagmartsa papasok sa loob ng bahay. Ramdam naman nya na nasa likod nya ito nakasunod. Hindi nya napansin ang kasambahay na kasalubong nya na may dalang tray ng pagkain dahil okupado ng engkwentro nila ni Lithe ang isip nya. Napapreno sya ng mabulaga sa harap nya ang kasambahay. Kung hindi sya hihinto ay mababangga nya ito at matatapon ang dala nito. Pero sa pagiwas nya ay natalisod sya sa may hakbangan at babagsak sya sa mga tanim na halaman. Pumikit sya at inantay ang sakit ng pagbagsak nya ng may maramdaman syang matipunong bisig na pumulupot sa beywang nya at ang isang bisig ay nakaalalay sa likod nya... "Ma'am Jent, sorry po. Hindi ko po kayo napansin" narinig nyang hinging paumanhin ng kasambahay nila na nagpamulat ng mata nya Ngunit mata ni Lithe na nakatitig sa kanya ang nabungaran nya. Dali dali syang kumalas dito ngunit hindi nito binitawan ang pagkakahawak ng isang kamay sa beywang nya "Ate sorry po ako po ang hindi nakapansin sa inyo. Sige po ipasok nyo na po ang pagkain" wika nya dito na yumuko at tumalima na papasok Binalingan nya si Lithe na nakangisi sa kanya. Pumiksi sya para maalis ang kamay nito sa beywang nya.. Hindi nya gusto ang nararamdaman nya.. Parang may kung anong kuryente na dumadaloy sa kaibuturan nya.. "Thank you. You may let go of me, Mr. Del Fuego" wika nya dito. Binitawan naman nito ang beywang nya pero nakangisi pa din "you are still as clumsy as ever" panunudyo nito. Sinamaan nya ito ng tingin "ewan ko sayo!" naiinis na talaga sya sa pagka-antipatiko nito "Don't worry. From now on may sasalo na sayo lagi" nakangiti ito hanggang mata Rumigodon ang puso ko sa winika nito. Pero May parte ng utak nya ang ayaw maniwala Nginitian nya ito ng mapait "so pang-ilan na ba ko sa mga babaeng nasabihan mo ng linya na yan?" Nang-aasar ang ngiti nito "selosa pala ng magiging asawa ko" he chuckled Inambahan nya ito ng suntok ngunit mabilis itong umiwas habang tumatawa. Lumakad nalang sya papasok sa loob. Ginugutom sya sa kaabnormalan ng lalaking to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD