"Alam mo naman kasing g*go yang boyfriend mo nagpabuntis ka pang tanga ka!" Sermon niya sa kaibigan niya. Pang-ilan na nga ba na kaibigan niya itong nasermunan niya dahil sa pambababae ng mga boyfriend at asawa nila? Hays! That's why she don't believe in love. There's no such thing as love!
She used to believe in happy ever after when she was a kid. Those fairy tale that one day you will find a man who will love you and be with you forever. Ang sabi pa nga niya ang gusto niya na mapangasawa ay tulad ng Daddy niya. She used to have an almost perfect family, but that was then. That belief has been shattered when her father left for another woman. Sumakabilang-bahay ika nga nila. Mas pinili ang kabit niya over sa legal family niya. Literal na wasak na wasak siya during that time. Especially when she saw her Mom's world turned upside down and almost gave up. She hated her father to bits and pieces.
"Jent, what should I do?" wika ni Korin habang umaatungal na nagpabalik sa diwa niya.
"Tagal na kitang pinagsasabihan hindi ka nakikinig. Ngayon tinatanong mo ako ano gagawin mo? Sikmuraan kita riyan eh!" napipika nyang turan sa kaibigan.
"G*ga ka, buntis ako tapos sisikmuraan mo 'ko?" Irap nito sa kanya sabay hampas sa braso niya.
"Nanggigigil kasi ako sayo! Nagsabog ng katangahan gising na gising ka sinalo mo lahat, p*nyeta ka!" dagdag sermon niya. Sanay na ang mga kaibigan niya sa bunganga niya. Maasahan siyang kaibigan lalo na sa oras ng pangangailangan at problema pero may kasamang sermon at isang katerbang mura lalo na alam niyang hindi ito nakinig sa mga advice niya.
"Napapagod na 'kong manugod ng mga jowa at kabit, Korin. Tapos sa huli babalikan ninyo rin naman mga bwiset kayo!" Binatukan niya ng mahina ang kaibigan. Pito silang magkakaibigan tatlo sa mga ito ang may asawa at dalawa doon ang sinugod niya ang mga kabit ng nagloko ang mga ito. Ngayon naman itong Korin na ito na may boyfriend na makati pa sa higad pero sige pa rin dahil mahal daw niya tapos ngayon aatungal na parang baka dahil nahuling may babae. Tangna juice na 'yan!
"Tulungan mo 'ko kausapin si Kian, Jent. Ayokong lumabas na walang ama ang anak ko." Pagmamakaawa nito.
"Mas mabuti na nga na wala siyang makagisnan na ama kung wala rin naman na kwenta ang tatay niya. Hindi mamamatay ang anak mo kapag walang makagisnan na tatay, Korin."
"Mahirap maging single parent, Jent!"
"Mahirap din na may asawa ka nga harap-harapan ka naman ginagago. Hindi ka rin magiging masaya sa gano'n pati ang anak mo."
"Jent. . . Pleaaaseee. . . " Atungal nito. Pinagtitinginan na sila ng mga nasa cafe sa lakas ng ngawa nito na may kasama pang pagpadyak ng mga paa.
"Pwede ba? Hinaan mo iyang bunganga mo! Pinagtitinginan na tayo nakakahiya!" Sita niya sa kaibigan. Luminga siya sa paligid. Napakunot noo siya ng may pares ng mga mata na pamilyar sa kanya na nahagip ng kaniyang paningin. Mataman itong nakatingin sa gawi nila habang sumisimsim sa hawak na Caffè latte.
Binalik niya ang tingin sa table nila habang inaalala ang itsura nito. Pilit niya na sinisino at inaalala kung saan niya ito nakita pero hindi niya maalala. Nilingon niya ulit sa gawi nito ang lalaking iyon pero nawala na ito sa upuan kung nasaan ito kanina.
Pinilig niya ang ulo. "Guni-guni ko lang ba iyon? Imposible! Alam ko kilala ko ang lalaking iyon hindi ko lang maalala," turan niya sa sarili niya.
Nawala ang atensyon niya sa lalaking iyon ng magsidatingan ang dalawa pa nilang kaibigan na nabalitaan ang nangyari. Si Lian at Mariz.
"What happened to Korin, Jent?" Bungad ni Lian na bakas ang pag-aalala sa mukha. Sila ang dalawa sa kaibigan niya na sinugod niya ang mga kabit ng mga asawa. Matapos no'n ay nagbalikan ulit sila. T*ngina hindi ba?
"Bakit hindi ninyo tanungin iyang bruha na 'yan? Isa pa rin na shunga sa pag-ibig. Nahawa na sa inyo. kapag naubos pasensiya ko, ako na ang babaril sa inyo sa Luneta! Mga martir kayo ng taon!" Galaiti niya.
"Baks, kumalma ka. G na G eh!" Tudyo ni Mariz sa kanya.
"Hay naku! Ewan ko ba bakit kaibigan ko kayo! Ang sasakit ninyo sa bangs!" Maktol niya.
"Baks, wala kang bangs," nakangising pang-aasar na wika pa ni Mariz. Sinuklian naman niya ito ng nakamamatay na tingin. Tinaas naman ng kaibigan nito ang mga kamay habang natatawa.
"Alam mo ikaw kapag na-inlove ka lang talaga ewan ko nalang! Baka mas malala ka pa sa amin na tatlo." Nakangising pang-aasar ni Lian.
"Naku po! Magpamisa ka kapag nangyari iyon. Never!" pinal na wika niya habang nakalamukos ang mukha at winawasiwas sa hangin ang kamay.
"Huwag ka magsalita ng tapos, bakla ka! Twenty-five ka pa lang, batang-bata! Minsan pa naman mapaglaro ang tadhana," tudyo ni Mariz.
"Sige pagkaisahan n'yo ako.. Huwag na huwag kayo tatawag-tawag sa akin ng disoras ng gabi habang umaatungal dahil sa mga bwisit na asawa at jowa ninyo! Tapos imbes na nasa kumpanya ako ngayon at uma-attend ng meeting nandito ako nakikinig sa walang katapusan ninyong mga sentimyento de asukal na wala naman kapararakan dahil ang ending babalikan din naman!" mahaba niyang litanya habang nakanguso at nakairap.
Sabay-sabay siyang niyakap ng tatlong bruha. Ganiyan lang salitaan nila pero mahal na mahal nila ang isa't isa.. Hindi niya rin naman matitiis ang mga ito lalo at kapag may pinagdadaanan at may problema. Si Jent ang tipikal na sugudera ng taon sa kanilang pito. Ang maldita, maangas at dominante. Hindi siya pumapayag na maapi at magmukhang mahina. Pero napapagod na rin siya minsan.
KINABUKASAN maaga siyang gumising para pumasok na sa kumpanya na pag-aari niya. Mula ng magretiro ang Mommy niya ay siya na ang nagpapatakbo ng cargo shipping business nila. Isa pa rin sa Board of Director ang Daddy niya na isa sa may malaking shares sa kumpanya pero hinayaan na rin nito na siya ang magpatakbo at magpalago. Hindi rin naman maasahan ng Mommy niya ang Ate Jena niya, wala sa business ang interest nito kung hindi nasa fashion at tsaka nalalapit na ang kasal nito sa anak ng mga Del Fuego. Bumaba na siya ng kwarto para kumain ng almusal ng maabutan niya sa sala ang Mommy niya kausap ang kanyang Lola. At may panauhin na hindi niya gugustuhing makita, ang Daddy niya.
"Ano ang ginagawa niyan dito?" Tanong niya na nagpabaling ng atensyon ng mga ito sa kanya.
"Jent, anak," tawag ng Mommy niya sa kanya. Lumapit siya rito at nagmano sa Lola niya at hindi na tinapunan ng tingin ang ama niya at naupo sa sofa katabi ng lola niya.
"I'm asking you, Mom. Bakit nandito iyan?" wika niya habang naka-cross arms.
"May problema kasi tayo anak. Ang ate mo. . .," wika ng ina niya at lumingon sa lola niya na wari ay nanghihingi ng tulong para magpaliwanag sa kanya ng sitwasyon.
"What about Ate?" kunot noo niyang tanong.
"Nagtanan ang Ate mo Jent. At bukas na ang kasal niya kay Lithe. Iniwan niya ang note na ito."
Inabot sa kanya ang note ng ate niya. Binuklat niya ito at binasa.
Mom,
I'm sorry! I can't marry a man whom I don't love. Si Harry ang mahal ko at magpapakalayo na muna kami. I'm really sorry, Ma! I love you and Jent.
Jena