Jolie pov
Isang araw na ang nag daan, hindi ko
parin pinapansin ang amo namin. Kasi naman
yung gabing pagdating nya noon, yung sinabi
kung magtutuos kami, ginawa ko naman noh!
Kaso ako yung talo, kasi naman ganito yun!
Flashback
"Magandang gabi sir, nakaahin na po ang hapag" magalang na sani ni lola
At ang lintik na lalaki, tinanguan lang.
Wala talagang modo ang lolo nyo.
Pero tinignan ko si lola, mukhang ok naman
sya, sanay na sanay na ata kung baga.
Tumingin saakin, pero kinunotan ko lang ng noo
Dahil nga bad mood ako, lubuslubusin ko na.
Hindi ko parin sya pinapansin. "Haiissttt ako
ata ang magkakaproblema eh, bat hindi nya din
Ako pinapansin" tanong ko sa sarili ko.
"Ano ba kasi inaarte mo"
sagot naman ng isa sa bahagi ng utak ko
"Diba nga hindi ako pinayagan na lalabas"
Kausap ko parin sarili ko.
Dahil wala nang katao tao sa bahay, maliban
sa mga bantay nya na akala mo preso ako
Eh wala na kaming kasama. Sila lola nauwi na
Dahil marami naman kwarto dito sa bahay nya
Matutulog ako sa iba, bahala sya maghanap
saakin, total hindi naman ako pinapansin.
Pagpasok ko sa isang kwarto, tumambad
saakin ang isang napakagandang painting
"Bakit parang ako sya" kausap ko sa sarili ko
Ang mga mata, ilong hugis ng mukha, ako eh.
"Sino ka bakit tayo magkamukha" tanong ko sa
kaharap kong painting, as if naman sasagot.
eh baka kung sasagot eto, baka tatakbo nalang
Ako, charott! Pero bigla akong nakarinig ng mga
Kaluskos, "may multo ba? " tanong ko ulit sa
kaharap kong paiting. Pero bigla nalang ako
nakarinig ng sigaw, parang galit na galit.
"Hanapin nyo sya, halughugin nyo lahat! Wag na
wag kayong magpapakita saakin haggat wala
sya mga inutil" sigaw nya!
Humarap ulit ako sa painting, ewan ko ba bakit
Kaya bigla nalang kumabog ang puso ko, tapos
ang lakas lakas pa, kulang nalang mabingi na
ako. Hindi naman sa takot sa lalaking may ari
nang bahay, kahit laging galit pakiramdam ko
hindi naman akong kayang saktan.
"Alam mo, siguro ikaw yung girlfriend nya no,
Bat mo kasi sya iniwan, ayun tuloy ang sama
Sama ng ugali nya, pero wag kang magagalit
saakin hah, kasi magkatabi kami matulog, pero
wag kang mag alala wala naman nangyari"
Hagikgik ko pa! As if naman sasagot.
Pero mukhang napalakas naman ata nang tawa ko
Kasi naman umilaw ang buong silid, tapos
Tumambad ang mukhang nyang alalang alala
Na akala mo naman naiwanan at hindi na
babalikan, alam ko yung mga ganun emosyon.
Ganun na ganun ako nung iniwan ako ng taong
Nag aruga saakin.
Nabigla nalang ako ng bigla nya akong niyakap.
"I though i lost you again, please, stay don't leave me again"
bulong nya pero sapat na para marinig ko.
"Ano bang pinagsasabi mo" tanong ko sa kanya.
Pero bigla nalang nag iba ang timpla ng mukha
nya, at yung alalang alala kanina, ngayon
parang tigre na naman,
"ano ba problema neto"
kausap ko sarili. Kinunutan ko lang ng noo.
"What are you dong here, ur not allowed to be here, "malamig nyang sabi,
Bigla tuloy bumigat ang luob ko, tapos hinila na
Ako.
Ends of flashback
Kaya naman ngayon ang lola nyo, eto hindi ko
Sya ulit pinapansin. Bahala sya sa buhay nya!
"Hello ate Jolie Goodmorning po"
Pukaw ng isang tinig saakin
At bigla nalang nag aliwalas ang mukha kong
kanina parang binagsakam ng langit, hindi
naman grabeee yung sakto lang, nakangisi
naman ako sa naisip ko.
"Hi goodmorning kathy, buti naman andito ka, wala kabang pasok" pAgbati ko
"Ah eh, ate sabado kaya ngayon" sagot naman nya na napakamot pa sya sa ulo.
"May kuto ba basya, lagi nalang sya napapakamot sa ulo, lahat ata sila tuwing
Magtatanong ko"kausap ko sarili ko.
"Ahh, ganun ba" nasabi ko nalang. Oo nga pala
Sabado pala ngayon pati araw nalimot ko na
Pero biglang naglinawag ang awra ko dahil
Sa naisip ko. Kaya namam buo na ang pasya ko.
"Ehm, kathy labas tayo ngayon" sabi ko
Pero eto na naman nagkamot na naman sa ulo
"Eh ate, nagpaalam kaba ky kuya" tanong nya
"Ah, o... Oo naman" nauutal ko naman sagot
Pero ang bata jaski, tinignan naman ako,
Duda ako kung bata ba ang kaharap ko
Kung umasta kasi parang lola lang ang peg
"Sige po sabi nyo eh" napipilitan naman nyang sagot.
"Pero ate magpapaalam lang ako jy lola hah"
Sabi pa.
"Naku wag na nagpaalam na ako, saka madami syang trabaho, wag mo nang isturbuhin"
Pang uuto ko.
Mukha naman effected kasi hind na nagtanong,
Buti naman! Ang problema nalang ngayon kung
paano namin tatakasan ang mga bodyguard ng
Mokong na yun! Pero bahala na!!
Pagdating namin sa labas ng bahay, hindi
Pa ako nakakaapak sa sa labas eh hinarang na
ako sa isa sa mga bodyguard nya, kung hindi
ako nagkakamali, eto si Oscar na lagi nyang
Nababanggit sa telepono.
Tinignan ko lang sya ng nakataas ang aking
Kilay.
"Ehh, miss hindi pi kayo pwede umalis, yun po ang kabilin bilinan ni boss" nahihiya nyang tugon
Pero bigla nalang tumunog ang selfon nya, at may kinausap.
Sigurado ako ang boss nya ang tumawag.
Aalis na sana ako sa harap nya ng bigla syang
Nagsalita kasi alam ko naman hindi ako papayagan.
"Ah, miss pwede na daw kayu lumabas, pero kasama daw po kami" sabi nya
Napatigil naman ako sa paghakbang.
Bigla naman sumaya ang mukha ko sa sinabi
Nya. "Talaga wow lalabas daw tayo kathy"
Sabi ko sa batang katabi ko, at eto na naman
Napakamot na naman ng ulo.
Ewan ko ba sa batang to.
"Alam mo kathy sa tingin ko madami kanang kuto, bukas na bukas punta ka dito hah, tanggalin natin lahat ng kuto sa ulo mo"
Sabi ko dito na napatawa naman ang mga
bodyguards. Tinignan ko sila ng masama
At mukha naman natakot, at tumigil na sila.
Lulan kami ng sasakyan papunta sa bayan
Dahil pinayagan ako na lumabas kaya tuwang
Tuwang ako, magmula kasi na napunta ako sa
Sa mokong na to, daig ko pa ang isang
prensesa kung alagaan. Pero kina carrier ko na
Syempre ngayon lang to no! Charot!
speaking of prensesa, kulang kulang sampo
Lanh naman ang mga bodyguards na ang
nakasunod saamin. Sabi pa nya nung kinausap
ako sa fon!
"Kung walang bodayguards walang lalabas, dats final" sabi nya
KAya naman ang kalabasan eto, papaano
naman ako mag eenjoy.! Napukaw lang ako
sa pag eemo ng nagsalit ang kasama ko.
"Ate andito na tayo sa plaza,"Sabi nya
"Oo nga andito na tayo" bulalas ko naman
Baba na sana kami kaso nagsibabaan naman
Ang mga nkasunod saamin kaya naman,
Kinausap ko na si oscar.
"Manang pogi, pakisabi sa mga kasamahan mo
Wag na wag silang didikit saakin hah, kung
hindi malilintikan sila"pagbabanta ko,
Pero ang loko umiling lang.
"Sinasabi ko sayo, magsusumbong ako sa boss
Nyo na hindi nyo nagawa ang trabaho nyo mabuti" pananakot ko pa!
At mukhang effected dahil bigla nalang nag iba
Ang awra nya. Tapos my pinindot sya sa tainga nya.
"Wag na wag kayo lalapit kay miss, ako na bahal
basta stanbay kayu sa malapit lang"bilin nito
OK na din atlist malayo sila.
Pagbaba namin ang daming palaruan
Mga fereswel, cutter pillar, at marami pang iba.
"Wow ang ganda dito, mahirap lang ako pero
bakit hindi ko napuntahan yung mga ganito"
Kausap ko sarili ko
"Ehh kasi naman puro la trabaho dati no"
Sagot naman ng utak ko
"Oo nga.... " bulong ko ulit
"Ate my sinasabi ka po" tanong saakin ng katabi ko
" ah oo, sabi ko maganda dito" sagot ko naman
"Opo ate, mas maganda po sa fiesta ang dami
Pong palaro, tapos my veuty kuntis pa ate, "
Sabi pa!
Baka beauty contest ang sinasabi nya. Batang
Talaga to parang matanda talaga.
"Halika dito, sakay tayo" yaya ko sa kanya sa fereswel
"Sige ate gusto ko yan" masigla naman nyang tugon.
Lumipas ang oras na hindi namin namamalayan
At bigla nalang dumating si mamang pogi.
"Miss uwi na daw po tayo, sabi ni boss. "
Magalang nyang sabi
"Sige uwi na tayo" sagot ko naman
Dahil nag enjoy naman kami, kahit papano.
Habang nasa luob kami ng sasakyan, bigla
Nalang nagpreno ang driver, at kung hindi kami
Naka seatbelt, malamang napasubsub kami sa harap.
"Mamang driver ano ba, dahan dahan naman"
Sigaw ko dito!
"s**t" sigaw naman ni oscar
"Hoyyy oscar nagmumura kaba saakin"
Pasigaw kong tanong
"Hindi kayu ang kinakausap ko miss"
Sagot nya
"Miss kahit anong mangyari wag kayu tatayo sa kinakaupuuan nyo, basta dapa lang kayo"
Sabi pa nito
Medyo nagpanik na ako, kasi my mga baril na
akong naririnig,
"Anong nagyayari" nanginginig kong tanong
Kay oscar
"Ate natatakot ako" sabi naman ni kathy
Pero inbis na sagutin ako ni oscar, ang lintik
Makuha pang tumawag!
"Boss may tumambang saamin, andito kami
Kami ngayon sa boundery ng Baldamorte, ok
naman po si miss, opo boss" sabi pa nya.
Maya maya sandali may humarurot nang
sasakyan na tumigil sa harapan namin, pero
bago yun may isang putok pa akong narinig,
pero bigla nalang nagdilim ang paningin ko.....!
Bago ako nawalan ng ulirat, nakita ko muna
Syang, hingal na hingal at nababalutan ng pag
Pag alala sa mukha nya! Kaya naman kung
Eto na ang katapusan ko, nginitian ko sya
Nang pagkatamis, tamis na sa buong buhay ko
Hindi ko pa nagawa, oo aaminin ko, masayahin
Akong tao, pero lahat ng ngiti ko pilit lang.
Dahil nga may kasabihan ako 'maikli lang ang
buhay. At tuluyunan nang nagdilim ang
Paligid ko......!