"'Wag mo na ngang babanggitin 'yan, Grecian! Tigilan mo na ako sa pangungulit mo!" Paris shrilled in irritation. He could not even imagine seeing himself trying hard to do things for Grecian.
"I just want you to do me a favor, and that's it! nothing more, nothing less!" Grecian shrieked. Ramdam ni Paris ang pagnanais nito.
Hindi na niya maibabalik at maitatanggi na may nangyari sa kanila. Pero sa pabor nitong tulungan ito sa isang bagay na alam niyang makakapahamak sa kanila ay hindi na niya lubos na maisip.
Kasalukuyang silang nasa salas at nag-uusap. Hindi makapaniwala si Paris na pagkatapos nang nangyari sa kanilang dalawa ay ganoon na lang ang pagiging matapang nito na kausapin siya.
Parang balewala lang dito na may nangyari sa kanila.
Sinundan siya nito, nang matapos itong makapagbihis ay agad itong bumaba para ipilit sa kaniya ang isang bagay na magpapagulat sa kaniya.
"Grecian stop this nonsense conversation! If you're not only popular in this country, I might think that you're imbecile! Ang aga aga oh. Natutulog pa ang mga bata sa taas." kinontrol niya ang kaniyang inis dahil anumang oras ay pwede niya ulit itong sigawan.
"No. Paris look, I just want you to help me," paliwanag nito.
"And making me as your toy for satisfaction?!" biglang singhal niya dito. Napaawang naman ang bibig nito.
"That's not what I mean to say, Paris. I know it's crazy but I just have to do this. I think this is the only way." Parang hindi na nito alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang gusto nitong sabihin.
"The only way? What??" Agad na tanong niya dito.
"Just agree with it," matigas na sabi nito.
Pagkatapos nitong makita ang litrato niya na nasa dagat siya at nakaupo sa dalampasigan at mabasa ang nakasulat sa likod niyon ay hindi na ito tumigil para kulitin siya sa isang bagay na kailanman hindi naisip sa tanang buhay niya. Pero nagawa mo? Kontra naman ng isang parte sa kaniyang utak.
Huminga ng malalim si Paris bago magsalita ulit. Alam niyang may nangyari na sa kanila. Pero si Grecian Lopez Grey pa rin ito at isa itong sikat na modelo sa industriya. Hindi niya kaya na sirain ang reputasyon nito.
"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?! Grecian listen, you're famous and your good enough to hire somebody to be your slave!" he screeched.
Mabilis ang naging angal nito sa sinabi niya.
"Hey! that's not the right term that I want you think of!" he exclaimed. Hindi niya lubos maisip na sobrang tigas ng ulo nito ay aabot sila sa ganoong punto.
"Whatever you're trying to point out, it's the same thing, Mr. Grey!" he seethed.
"Don't compel me to make you agree, Paris–" Grecian suddenly scowled at him.
"Are you trying to threaten me?" Naningkit ang mga mata ni Paris dahil sa sinabi nito sa kaniya.
Pareho na silang nagtatagisan ng matatalim na titig sa isa't isa.
"Kuya Paris? Kuya Grecian? Nag-aaway po ba kayong dalawa?" Their emotions fizzled. Para silang naistatwa sa pagkakatayo at pagkakatitig sa isa't isa nang marinig ang isang boses ng bata.
Napatingin sila sa hagdanan at nakita nila si Henry. Nauna na itong magising kaysa kay Sarah. At pumupungas pa sa mata.
"H-Hindi," agad na tugon ni Paris kay Henry.
"That's right, we're just practicing our voices. Singer kasi 'tong kuya Paris mo, 'di ba, Paris?" dagdag naman ni Grecian. He scowled at Grecian.
Tumango naman si Henry sa tinuran ng dalawa.
"Sige po, balik na po ako sa kwarto. Mamaya na lang po ako mag-aagahan, sabay na lang kami ni Sarah." Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis naman itong pumunta sa kwarto.
Tumingin siya sa katabi at masamang tinitigan ulit ito.
"Kahit na anong sabihin mo, hindi mangyayari 'yang sinasabi mo," pagmamatigas ni Paris.
Parang nawalan na ng sasabihin si Grecian dahil sa sinabi ni Paris. Mabilis namang umalis si Paris sa kinatatayuan.
****
Alam ni Helen na hindi matutuwa si Grecian kapag malaman nitong sinusundan parin niya ito. Pero dala niya ang isa sa lakas niya.
"Malayo pa ba tayo Iha?" untag ng isang matandang lalaki kay Helen habang nakasakay sila sa SUV nito.
Nasa backseat sila habang minamaneho naman ng personal driver nito ang sasakyan.
Binalingan naman niya ito ng tingin.
"Mga fifteen minutes nalang po tito," magalang na sagot niya dito. Napatango naman ito sa kanya.
A sixty seven years old man but still firm and determined to do his job. Isa itong purong banyaga at nanggaling pa sa Australia.
Hindi niya maitatanggi na dito nakuha ni Grecian ang tikas at pagiging magandang lalaki nito. Ang balita niya ay hindi na ito bumalik sa Australia. Wala na rin naman itong kamag-anak doon dahil nag-iisa lang din itong anak kaya nang mamatay ang mga magulang nito ay mas pinili nitong manirahan sa Pilipinas at gumawa ng sariling negosyo.
Bilang isang business man, napaunlad nito ang negosyo sa pamamagitan ng pagpapalahi ng mga hayop lalong-lalo na ang mga kabayo at kambing sa dalawang rancho na pag-aari nito. Dahil sa tagal ng paninirahan nito sa Pilipinas ay ganoon na lamang ito ka-galing gumamit ng wikang Filipino at hindi nagtagal, nakahanap na rin ito ng kasintahan na siyang napangasawa– si Athena. At nagkaroon ng anak, iyon ay si Grecian.
Pero naging madalang na lang ang dalaw ni Helen sa mansyon ng mga Gray kaya hindi na niya ganoon nababalitaan ang magkasintahan. Ang huling balita niya sa mga ito ay hindi naging maganda.
Kasalukuyan itong nagbabasa ng isang artikulo sa diyaryo. Suot nito ang salamin at bahagyang nakakunot ang noo. Halatang nagsusumigaw ang pagkatao nito sa hitsura pa lang.
Napangiti sa isip si Helen. Alam niyang hindi makakatanggi si Grecian kapag makita nito ang ama.
Kung hindi niya ito makukuha sa pakiusap, mas mabuti na sigurong humingi siya ng tulong sa ama nito.
"Iha, you're a family. Just call me Dad." Nabigla siya nang magsalita ito.
Pagka-tapos nitong magsalita ay agad namang itinuon ang atensyon sa pagbabasa. Napangiti siya sa tinuran ng matanda.
"Yes Dad..."
Itinuon ni Helen ang atensyon sa daan. Ilang minuto nalang at mararating na nila ang bahay ng kaibigan niyang si Paris.
****
Hindi sigurado si Fredo kung kakausapin pa siya ni Paris pagkatapos ng ginawa niya dito. Pero mas gusto niyang humingi ng tawad dito. Alam niyang kasalanan niya at nadala siya sa tukso.
"Nandiyan ba si Paris?" Mabilis na nagtanong si Fredo nang makitang lumabas ang batang lalaki mula sa pintuan ng bahay.
Napatigil naman si Henry nang makita siya.
"Sino po sila?" tanong nito habang palapit ito sa kaniya.
"Ako si Fredo, kaibigan ako ni Paris... 'Andiyan ba siya?" nakangiting tanong niya dito. Napangiti naman ang bata nang marinig nito ang pangalan niya.
"Aah... kuya Fredo?" Lumapad ang ngiti niya nang banggitin nito ang pangalan niya. At nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.
"Kanina naabutan ko sila ni kuya Grecian na nag-uusap sa salas. Pero nang bumababa ako, wala na si kuya Paris sa bahay. Baka 'andiyan lang sa labas, namamasyal," paliwanag nito. Naka-pajama pa rin ito at medyo magulo ang buhok. Halatang kagagaling lang sa pagkakatulog.
Tumango naman siya sa sinabi nito.
Palaging lumilitaw sa utak ni Fredo ang imahe ni Paris pagkatapos nang ginawa niya dito. Gusto niyang humingi ng dispensa sa nangyari. Alam niyang hindi nito inaasahan ang gagawin niya.
Napatingin naman si Paris kay Henry.
"Ano pa lang pangalan mo?" Itinukod ni Fredo ang isang tuhod sa buhangin at ipinantay ang taas niya sa bata. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito. Ngumiti ito bago magsalita.
"Ako po si Henry. Nabanggit po ni nanay Celia ang pangalan mo noong dumalaw si kuya Paris sa inyo. Buti na lang naalala ko po ang pangalan niyo..."
"Ang cute mong bata..." Patuloy niya paring ginugulo ang buhok nito habang malapad ang ngiti nito sa mukha.
"Fredo?" Napalingon si Fredo sa nagsalita.
Napatayo siya nang makita niya si Paris.
"Aah Paris, nandito ako para humingi sana ng tawad dahil sa ginawa ko." Dahil sa sinabi ay napaiwas siya ng tingin kay Paris.
"Sa loob na tayo mag-usap," Tugon nito.
Lumapit ito sa kaniya at marahang tinapik ang balikat niya. Ngumiti ito sa kaniya bago siya nito lampasan.
Naunang pumasok sa loob si Henry at saka naman sumunod si Paris. Napansin niyang napalingon si Paris sa kaniya nang huminto ito sa harap ng pintuan.
"Tara?" Ngumiti na naman ito. Dahil sa sinabi nito ay agad siyang kumilos para makalapit dito.
****
"Paris pasensiya ka na sa ginawa ko ah? Alam ko na nagalit ka sa ginawa ko pero sana mapatawad mo ako," paliwanag ni Fredo nang makaupo na sila sa salas.
Matalik silang magkaibigan ni Fredo pero dahil sa ginawa nito ay parang nag-iba ang relasyon nila bilang kaibigan kumpara noong mga bata pa sila. Pero hindi rin naman niya maitatanggi na marami na ang nagbago sa kanila.
The only way that he could do for him is to forgive his friend and to fortify their relationship as friends.
Napa-buntonghininga si Paris bago magsalita.
"Kalimutan na lang natin ang nangyari, basta ang importante, alam ko at alam mo na kahit na anong mangyari, 'andiyan tayo para sa isa't isa. Lalo pa ngayon na alam kong bisexual ka." Isang matamis na ngiti ang nakita nito sa mukha ni Paris.
Napatango naman ito sa sinabi niya.
"Talaga? Bale, magkaibigan na ulit tayo?" masiglang tanong nito sa kaniya. Isa iyon sa mga ugali ni Fredo na talagang nagugustuhan niya.
"Hindi naman tayo nag-away ah! Sadyang... Alam mo na... Nadala ka siguro," tugon niya dito.
Napaiwas ito ng tingin dahil sa sinabi niya pero agad din namang napatawa.
"Pasensiya ka na," Nahihiya nitong sabi habang napapakamot pa sa batok nito.
"Ayos lang 'yon." Masaya si Paris at maayos na ulit ang pagkakaibigan nila ni Fredo.
Aminado siya na nabigla siya sa ginawa nito. Walong taon na ang nakakalipas at hindi niya akalain na ito ang unang beses na magtatapat ito sa kaniya na kagaya sa kaniya ay ganoon na rin ang totoong pagkatao nito.
It causes him to contemplate everything that Fredo have said.
Everything has change and he knew that they could not do the same thing as what they have used to do when they were younger.
Napatigil si Paris nang may marinig siyang pumaradang sasakyan sa kabas ng bahay.
"Bakit?" takang tanong ni Fredo.
"Sandali lang, tingnan ko lang sa labas." Napatango naman ito sa sinabi niya.
Nagsimula siyang maglakad palabas. Habang palapit siya ng palapit, unti-unti naman niyang naririnig ang mga boses na nanggagaling sa labas.
"Dad, please. I know what you want but my answer is no!" Grecian screeched.
Ikinagulat niya iyon nang makalabas na siya ng bahay.
Tila napansin ng ama ni Grecian ang presensiya niya kaya binalingan siya nito ng tingin. Napatingin din siya sa kasama ng matanda. Kasama nito si Helen. Nakatitig ito sa kaniya na para bang walang emosyong makikita sa mukha nito.
Hindi niya alam kung papasok siya ulit ng bahay o lalapit siya sa mga ito.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ng mga ito.
"If you don't allow Helen to control shitty things, then I will be the one to kick your ass back to Alegria! You have more and big responsibilities in our ranches!" The old man clenched his jaw and give the most sharp gaze to Grecian.
"How could you trust a woman like Helen?! I didn't imagine that my girlfriend would have s*x with another man. You're just giving me lame reasons to avoid her, Dad," tiim-bagang na sabi nito.
Dahil sa sinabi nito ay ganoon na lamang ang pagkabigla ni Helen. Parang hindi nito alam kung saan itututok ang paningin. Naging balisa ito.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. 'Yon ba ang dahilan ni Grecian? Hindi mapigilan ni Paris ang mapaisip.
Nakita niya ang reaksyon ng matanda. Nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ni Grecian. Dahan-dahan nitong ibinaling ang atensyon kay Helen.
"Helen???" Biglang sambit ng matanda sa pangalan nito. Isang salita lamang pero kahit si Paris ay alam na gusto nitong magpaliwanag si Helen.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Paris sa matanda at kay Helen. Nakita niyang nakatingin si Grecian sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin nang mapansin niya iyon.
"D-dad, Let me explain," natatarantang sabi nito habang nilalaro nito ang mga daliri sa isa't isa.
Naging mabilis ang kilos nito at agad na lumapit sa matanda.
Hindi pa nakakapagsimula na magpaliwanag si Helen ay agad namang nagsalita ang ama ni Grecian.
"I am so disappointed, Helen!" Mariin ang pagkakasabi ng matanda. Muli itong nagsalita.
"Grecian, we have to talk." Binalingan nito ng tingin si Grecian. Agad din naman itong kumilos at mabilis na sumakay sa SUV.
Akmang hahabulin naman ni Helen ang sinasakyan ng matanda pero mabilis itong pinaandar ng driver.
"Dad!" sigaw ni Helen.
"Anong pa ang ginagawa mo? Ngayon na alam na ng lahat 'yang sekreto mo, you're free to leave." Marahas ang mga salitang binitawan ni Grecian.
Wala namang imik si Paris sa nangyayari. Nakita niya kung gaano kaapektado ang dalawa. Alam niyang totoong minahal ni Helen si Grecian. Kung ganoon man ang nangyari, sigurado si Paris na nagsisisi na ito sa nagawa.
"Grecian..." Tuluyan na ngang umiyak si Helen sa harap ni Grecian.
"Talagang dinala mo pa dito si Dad? Anong gusto mo? Pati matanda gusto mong utuin at pasakayin sa kalokohan mo?" Nanggagalaiti sa galit si Grecian.
Pagkatapos nitong magsalita ay marahas itong kumilos at agad na naglakad papasok ng bahay. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Naramdaman niya ang galit ni Grecian.
Napatingin naman si Paris kay Helen. Umiiyak ito at nakalagay ang dalawang palad sa mukha.
"Helen..." Naaawa siya para sa kaibigan. Sobra na ang sakit na nararamdaman nito.
Marahan siyang kumilos palapit dito para yakapin pero nang mapansin siya nito ay agad naman itong tumakbo palayo.
Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ni Paris at saka tiningnan ang pintuan kung saan pumasok si Grecian. Ngayon pa lang na nagkaka-gulo na, idadagdag ko paba ang mga kalokohan na nagawa namin ni Grecian?