CHAPTER FIFTEEN *BHL: Dodgy*

2167 Words
"Paris." Napalingon si Paris sa nagsalita. Nakita niya si Fredo na nakaupo pa rin. Lumapit siya dito. "Pasensiya na... May inasikaso lang ako sa labas," paliwanag niya. "Ayos lang. Mauuna na rin ako niyan may gagawin din ako eh... Usap na lang tayo sa mga susunod na araw." The guy genuinely smiled. "Sure. I-kumusta mo na lang ako kay nanay Celia ha." Sabay tapik niya dito sa balikat. Hindi nagtagal ang pag-uusap nila at nagpaalam naman ito agad. Nang makalabas ito nang bahay ay agad na napalingon sa hagdanan si Paris kung saan mabilis na dumaan si Grecian. Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya. Ayos lang kaya siya? Akmang tutunguhin na niya ang kwarto nang biglang tumunog ang aparato sa loob ng bahay. Sinilip niya sa bintana ang tao sa labas at nakita niya si Gilbert. May dala itong paper bag. Agad naman niyang pinihit ang seradura at saka lumabas ng bahay. "Bert? Ikaw pala, tara sa loob." "Thank you." The man splendidly smiled at Paris. "Ngayon ka lang ulit pumunta dito ah?" biglang tanong niya dito habang sabay silang naglalakad papasok ng bahay. "Hindi ah! Pumunta ako dito kahapon kaso ang sabi ng mga bata wala ka raw dito." Bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Nagtaka naman siya. "Ha? nandito ako kahapon. May lagnat ako kaya nasa kwarto lang ako," paliwanag naman niya dito. "But Henry and Sarah told me that you were busy? Were they just bluffing yesterday?" Napansin ni Paris ang pagka-dismaya sa mukha nito. Siguro ay hindi nito inakala na magsisinungaling ang dalawa. Hindi niya maisip kung bakit gagawin ng dalawa ang magsinungaling. Alam ng mga ito na hindi niya hinahayaan na gumawa ang mga ito ng isang bagay na hindi tama. "I think they only did that because they're trying keep me safe. Don't be upset bert. I know you'll understand them." Ngumiti siya sa binata. Napangiti na lang din ito sa sinabi niya. "Well, yeah." He drawled. Tuluyan na nga silang nakapasok sa loob. Napansin naman ni Paris na agad dumiretso si Gilbert sa dining room kaya sinundan niya ito. Napansin niya ulit ang dala nitong paper bag. "Ano ba 'yan?" takang tanong niya dito habang kinukuha ang laman niyon. "I bought four bottles of vodka. Let's drink?" Lumingon ito sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa tamang kondisyon na siya para uminom ng alak. Pero mas gusto niyang tikman ang lasa at ang tapang ng amoy ng alak. Nagulat siya nang bigla nitong itapat ang bibig ng bote sa bibig nito at agad na nilaklak ang alak iyon. Napatawa siya sa ginawa nito. "Mabigat 'ata ang dinadala mong problema ah," He snorted. Napalingon naman ito nang itigil nito ang pag-inom ng alak. "Wala naman. Namiss ko lang uminom. I've been busy for so long, working in my father's company. You know, he expect me to be good." He shrugged in drowsiness. Naaawa siya para sa kaibigan. Alam niyang pagod ito sa trabaho at sa pagpapalago sa kompanya ng ama nito. Gilbert is a firm man and has a dignified personality that would catch and divert people's attention to him. He cannot repudiate that this man is a future entrepreneur. And his willing to support his friend. "Pagod ka ba?" May halong pag-aalala ang boses niya nang magsalita. "I guess so... Well the truth is, yes. There are unrelenting paper works in my office and I am so bombarded and exhausted to work for it. Para akong nakikipag-usap sa mga papel." He could still see the drowsiness in Gilbert's eyes. Napatawa siya sa huling sinabi nito. Napalingon naman ito dahil sa tawa niya. "Akin na nga ang isa." Inabot niya ang isang bote ng vodka at mabilis na tinanggal ang takip niyon. Agad niyang nilagok ang laman ng bote. He is savoring the taste and the smell of it. It soothingly calm him down through his throat. "I could still sense the old Paris eight years ago," Pang-aasar nito. "Ughh..." Napa-ungol siya nang huminto siya sa paglagok ng alak. Ramdam niya ang kirot sa lalamunan pero masarap pa rin iyon sa pakiramdam niya. Napangiwi siya sa sinabi ng kaibigan. "Shut up." He scowled at Gilbert. The guy rolled his eyes and laugh. Nagpatuloy naman si Paris sa pag-lagok ng alak. "Pansensiya na, ang aga kong dumating dito hindi ka pa 'ata nag-uumagahan?" Dahil sa sinabi nito ay agad siyang napatigil. Napatingin ito sa kaniya. "What the... Hindi pa ako kumakain!" He screeched. Napatawa lang ang lalaki sa inasal niya. "Mamaya na lang!" Ngumiti ito sa kaniya. Napatango naman si Paris sa sinabi nito. Napaparami na rin ang inom niya. He is now moving sluggishly. The drink was intoxicating. Sa kalagitnaan ng pag-inom ng dalawa ay ang mabilis na pagsulpot ni Grecian. "I guess you're having fun?" The man grudgingly speak out. And he dubiously gaze to Paris. Natigilan naman ang dalawa sa ginagawa. Sabay na napalingon si Paris at Gilbert kay Grecian. Hindi alam ni Paris kung ano ang magiging reaksyon. "Wanna join us?" Gilbert simpered at Grecian. Napangisi naman si Grecian sa tinuran ni Gilbert. "I don't drink vodka." Walang emosyong sagot nito. Nakita ni Paris ang ekspresyon ng mukha ni Grecian. Hindi pa rin nawawala ang seryusong titig nito sa kaniya. Ano na naman ba ang ginawa ko? Kahit na hindi sabihin ni Paris alam niyang iyon ang makikita sa mukha niya habang nakatingin kay Grecian. "Poor baby..." Biglang tugon ni Gilbert. Napansin naman ni Paris na kakaiba na ang pananalita ni Gilbert. Alam niyang epekto iyon ng alak. Napatingin ulit siya kay Grecian na ngayon ay parang nagpupumilit na magsalubong ang dalawang kilay. "What the hell did you just call me??" Grecian gruffly said. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Gilbert agad na kwinelyuhan. "G-Grecian ano bang ginagawa mo? Sandali lang." Nabigla si Paris sa ginawa ni Grecian kaya mabilis siyang lumapit dito. He quickly clawed on Grecian's arm. Napatingin naman ito sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang inis sa mukha nito habang tinititigan siya. "Don't drink vodka with this f*cking asshole." Mariin ang pagkakasabi nito. Naramdaman niya ang init ng hininga nito. "You call someone an 'asshole'? with a decent job? Look who's talking?" Nanggagalaiti na rin ito. Doon lang napansin ni Paris na lasing na ito dahil mas marami itong nainom. Nakahawak pa rin si Grecian sa kwelyo ni Gilbert. Mas humigpit pa iyon nang magsalita ulit ito. "Paris?" Hinihintay ni Grecian ang sagot niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nakaawang pa rin ang bibig niya. "Oo na! Just stop that!" He shrieked. "Don't listen to him Paris." Tiningnan siya ni Gilbert at saka binalingan si Grecian. Ngumisi ito kay Grecian. "Shut up! You f*cking asshole!" Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Grecian. Hindi na napigil ang kamay nito. Marahas iyong tumama sa pisngi ni Gilbert. Nagulat si Paris sa ginawa nito. "Grecian! what the hell!" Natatarantang lumapit siya kay Gilbert na nakasalampak sa sahig. Nabigla siya nang dumugo ang bibig nito. "What the f*ck," usal niya. "I'm okay, Paris. Kaya ko pa naman." Marahan niyang hinawakan ang mukha nito at saka nagsalita. "No. Diyan ka lang kukuha lang ako ng ice bag." Mabilis ang naging kilos niya. Hindi niya pinansin si Grecian at agad na nilampasan ito. "You're just making it worst. Akala mo ba hindi ko napapansin? Gusto mong laging inaagaw ang atensyon ni Paris." Kahit na nagdurugo ang bibig nito ay nagawa pa rin ni Gilbert na magsalita. Grecian cholerically stared at Gilbert. "Bagay sa 'yo 'yang ganyan." Naniningkit ang mga mata ni Grecian dahil sa galit na nararamdaman. "Gilbert, 'eto oh." Biglang nakalapit si Paris at maagap na inilagay ang nakuhang ice-bag sa pisngi nito. "Salamat Paris." Biglang hinawakan nito ang kamay niya. Nakita iyon ni Grecian at tiimbagang itong napatitig sa dalawa. "Halika tulungan na kitang tumayo–" hinagip ni Paris ang kamay nito at marahang itinayo. Bigla siyang napatigil nang tumunog ang cell phone sa bulsa nito. Nang makatayo sila ay agad nitong kinuha iyon at mabilis na tiningnan ang screen. "I hate to say this, but I have to go. Nando'n na si Dad. I'll call you later" hawak nito ang ice-bag habang nagsasalita pero napatigil ito nang agad siyang magsalita. "Wait, what? Pupunta ka na ganiyan ang 'itsura mo?" He dubiously said. Tumango naman ito. Hindi na siya nakaangal nang bigla siya nitong yakapin. It is not the usual way but he knows that this man is making ways to give time for their frienship. And he owe Gilbert a lot. Parang kumukulo naman sa inis si Grecian dahil sa ginagawa ni Gilbert. "Ihahatid na kita." Grecian was shocked in disbelief when Paris uttered those words. "No need, I can handle myself." Ngumiti ito at marahan siyang pinakawalan mula sa pagkakayakap. Isang tapik sa balikat ang ginawa ni Paris bago ito nakaalis sa kinatatayuan. Inalalayan niya ito hanggang sa makaabot sila sa pintuan ng bahay. Niyakap siya nito ulit at saka ngumiti. Inihatid niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na ngang mawala sa kanyang paningin ang kotse ni Gilbert. Marahan niyang sinara ang pintuan at isang marahas na paghinga ang ginawa bago tuluyan na tunguhin ang dining room. "What was that?!" he screeched. Napalingon naman ito nang marinig ang boses ni Paris. Hindi pa rin siya makapaniwala na susuntukin nito si Gilbert. Naniningkit ang mga mata ni Paris habang nakatitig kay Grecian. "Gumagaling ka pa lang tapos umiinom ka kaagad?" Sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay tila nakikipag tagisan pa ito ng inis at titig. Hindi na makatiis si Paris sa nararamdaman. "Ang tanong ko ang sagutin mo!" he shrilled in irritation. Nagulat siya nang makitang hawak nito ang isang bote ng vodka. Napatingin naman ito sa hawak nitong bote nang mapansin siyang marahas na nakatitig doon. "Hindi ka pala umiinom ng vodka ha," sarkastikong sabi niya dito. Parang hindi na alam ni Paris kung paano pa kokontrolin ang inis niya sa lalaki. Baka masuntok niya ito bigla kahit na hindi siya sigurado kung maitutumba niya ito kagaya nang ginawa nito kay Gilbert. "Bagay lang sa kaniya 'yon. Hindi siya ang naghirap para mag alaga ng may sakit–" "Isinusumbat mo ba ang ginawa mong pag-alaga sa 'kin?" marahas niyang tanong dito. "No!" agad na sagot nito. "And why are you acting like so weird??" Pigil ang hininga ni Paris habang nagsasalita. "I just want you to help me–" napatigil ito sa pagsasalita nang biglang nagsalita si Paris. "Pag-uusapan na naman ba natin 'yang proposal mo na wala namang kwenta?!" "Patapusin mo muna kasi ako sa sasabihin ko. Tulungan mo ako. A-ayokong bumalik sa Alegria. Ayoko sa lugar na 'yon. I just do love my job more than what I have in that f*cking ranches! Just please... please Paris, help me?" Hindi alam ni Paris kung paano niya ito sasagutin. Napansin niyang pahina nang pahina ang boses nito habang nagpapaliwanag. Mas nagulat siya nang lumapit ito sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. Grecian's palm has the same heat as what they had shared last day. "Please?" anas nito. Mas ikinagulat niya ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Dahan-dahan nitong pinantay ang taas nito sa taas niya. The guy hovered his body to Paris. Ang akala niya ay may mararamdaman siya sa kaniyang mga labi pero natigilan siya nang unti-unti itong bumaba at tuluyan na ngang lumuhod ito sa harapan niya. "Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako tinutulungan... Hindi ako tatayo hangga't hindi ka 'um-oo'." Namilog ang mga mata niya sa ginawa ng lalaki. Naging marahas ang hawak niya sa braso nito. "Get up, Grecian! Ano ba!" Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginagawa nito. Hindi naman ito nagpatinag sa ginawa niya. Alam niyang mas malakas ito kumpara sa lakas niya. Nagmamatigas pa rin ito. Mahigpit ang hawak nito sa dalawang kamay niya. "No, I wont." Nakayuko na ito. "Grecian ano ba! Tingnan mo nga sarili mo oh!" "Ayoko." "Isa! Ano ba!" Pinipilit niyang hilain ang ang kamay nito pataas pero tila hindi ito natinag. "Sige na please." The guy suddenly hug his legs. He could feel his face blushing. He could sense Grecian's face on his thighs as what he felt when he let himself drowned in lustfulness last day. He could feel the masculine arm clutching at the back on his legs. Nakikilititi siya sa ginagawa nito. Pinigilan niya ang emosyon na lumalatay sa mukha niya. "Oo na." Naging malumanay ang sagot niya dito. Bigla naman itong napatayo dahil sa sinabi niya. "Talaga?!" Nabigla siya sa reaksyon nito. Nakita niya ang pagngiti nito. Mas maganda iyon dahil kita niya mismo sa malapitan. "Oo nga. Basta alam mo na, 'wag na tayong gumawa ng gulo." Napaiwas siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Wala siyang narinig na sagot mula dito pero nagulat siya nang mahigpit siya nitong niyakap. "Thank you Paris." Hindi sinasadyang napangiti si Paris nang muli siya nitong yakapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD