"Ang akala ko ba ayaw mong pumunta sa lugar niyo sa Alegria? Bakit parang nag-iba 'ata ang ihip ng hangin?" Hindi nakaligtas sa paningin ni Grecian ang inosenteng mukha ni Paris nang takang magtanong ito sa kaniya. Kasalukuyang nasa kwarto silang dalawa habang abala naman sa pag-aayos ng damit si Paris.
Hindi pa rin niya nasasabi ang plano niya pero nauna na niyang sabihin dito na pupunta siya sa Alegria. Kasama si Paris pati na ang dalawang bata.
Napa-buntonghininga siya bago muling magsalita.
"I really don't care about that f*cking ranches. I don't even want to give a suggestion how to develop that nonsense. So here's the plan, you'll pretend that you'll be one of my investors. Just do what I say. Pack all your things and we'll go to Alegria. We must have a meeting with my dad." Nakikinig lamang ito habang nagsasalita siya. Pero tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito sa huling sinabi niya.
"Ano?! Ibibigay mo sa 'kin ang mga responsibilad mo? Aba! Hindi tama 'yan. At isasama mo pa talaga ako? I took my vacation for freedom. Pero dahil lang sa pabor mo, sisirain mo naman 'yong bakasyon ko? Sinama ko dito ang mga bata, pa'no naman sila? Sige nga?" Ramdam niya ang inis sa boses nito.
Alam niyang mabibigla ito sa sasabihin niya kaya hinanda niya ang sarili para sa pag-uusap nila ni Paris.
"'Wag kang mag-alala, hindi ko naman sinabing iiwan natin sila Henry at Sarah. Isasama natin sila," paliwanag niya dito.
Napamaang ito at nakaawang ang bibig. Tila hindi nito alam kung anong salita ang dapat na sabihin. Pero nang makabawi ito ay agad din naman itong nagsalita.
"It is not just about them, Grecian. After I pass the examination, I took my job as an executive manager and I've been working for three years without comfortable break time, almost without special holidays. And then now, just because I agreed to your favor, you're taking my freedom away?" Nakita ni Grecian ang pagtatagpo ng dalawang kilay nito sa noo pero hindi dahilan iyon para mawala ang natural na ayos nito.
"Paris listen to me, Alegria is not a jail. Well, I guess you'll enjoy there even if I really don't see any enjoyable things in there. We have different perspectives and I respect your opinion. Just be with me. Siguro magugustuhan mo rin doon, pati na rin ang mga bata..." Naging malumanay ang paliwanag niya dito.
Nakatitig lang ito sa kaniya at parang malalim na binabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Kung sa opinyon mo na baka magustuhan ko 'yong lugar na 'yon, bakit ayaw mo sa lugar na 'yon?" Takang tanong nito.
Napaiwas naman siya ng tingin mula dito.
"I don't see myself managing–" hindi niya naituloy ang sasabihin nang magsalita ulit ito.
"Maliban diyan?" Tumaas ang isang kilay nito.
"'Yon lang Paris." Tinitigan niya ito.
He couldn't help himself gaze with a sultry look on Paris' innocent and glazing dark brown eyes.
Nang mapansin nitong nakatitig pa rin siya ay saka ito nagsalita.
"Sigurado ka?" Tumango siya dito.
Napansin niyang patapos na ito sa pag-aayos ng displays sa loob ng bahay pati na rin ang kama ay maayos na. Mas lalong natuon ang kaniyang titig sa kama kung saan naging saksi iyon sa mainit at uhaw nilang mga katawan noong nakaraang araw.
Ipinilig ni Grecian ang kaniyang ulo. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Paris.
"Bakit? May problema ba?" untag nito nang mapansin nitong nakatitig siya sa kama.
"Wala," Agad na sagot niya. Tumango naman ito sa sinabi niya.
Napansin niya ang hawak nitong litrato. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon din ang kaniyang nakita sa ilalim ng kama nito.
"May gusto sana akong itanong sa 'yo, Paris. Pero sana 'wag mong masamain. Let's be open minded." Pagkatapos niyang magsalita ay marahan siyang kumilos at naupo sa gilid ng kama.
Naka-tayo pa rin ito at halatang hinihintay nito ang itatanong niya.
"Sige," tugon nito. Nagsalita naman siya ulit.
"Matagal na ba 'yang picture sa 'yo?" tanong niya dito habang tinitingnan niya ang litrato. Dahil sa sinabi niya ay mabilis nitong itinago ang litrato sa likod nito.
"Hindi ko gustong pag-usapan." Napansin niyang nag-iba ang tingin nito sa kaniya.
"I just want to talk about it," biglang sagot niya dito.
"Well I don't want to talk about it," pagmamatigas nito at saka tumalikod sa kanya.
Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.
"Please?" pakiusap niya dito. Ilang segundo ang itinagal niyon at saka lang ito muling nagsalita.
Nakatalikod pa rin ito sa kaniya.
"Matagal na 'yon Grecian. I was just thirteen and you were eighteen. Inaamin ko na gusto na kita dati pero makalipas ang walong taon, hindi ko inaakala na magkikita tayo. Gusto kita noon... Eighteen ka pa lang pero isa ka nang modelo sa industriya. Palagi kitang nakikita sa TV. at palagi kong inaabangan lahat ng events na dinadaluhan mo. That was just a childish imagination I had. Pero hanggang doon lang 'yon. Nagbabago naman lahat kaya hindi na maibabalik ang dati. Kung anuman ang nakita mo sa litrato na 'to, kalimutan mo na lang." Nakikinig lamang siya habang nagsasalita ito. Nakatalikod pa rin ito at maiging pinapakiramdaman ang presensiya ni Grecian.
Umamin na ito sa kaniya at hindi niya maikakaila na totoo ito sa sarili nito. Gusto niya ang pagiging prangka nito. Lahat ng sinasabi nito ay may kabuluhan. Sa unang tingin pa lang niya kay Paris ay alam na niyang matalino ito at may ibubuga hindi lang sa pisikal kundi pati sa malalim na pag-iisip sa mga bagay-bagay.
"Sorry... I didn't mean to bother you but I just want to clear all things out. You know, curiosity..." Hindi niya alam kung maniniwala ito sa paliwanag niya.
Humarap ito sa kaniya at saka ngumiti.
Paris did an ablaze eyes accentuated by the thick eye brows. He could see how elated those eyes. Kung artista lang ito ay matagal na siyang napahanga nito. Ang galing nito umakto na para bang hindi ito apektado sa mga salitang binitawan.
"Okay lang 'yon... At saka naisip ko rin, siguro magiging bakasyon ko na rin 'yong pagpunta sa rancho niyo..." Nakangiti na ito.
It was totally the unsual joy that he often see on Paris' face. Alam niyang hindi ito madalas ngumiti. Kung minsan ay isang ngiti lang nito ay kontento na itong nakikitungo sa mga kaibigan at isa na si Helen doon.
Napalingon ang dalawa nang kumalampag ang pinto ng kwarto. Iniluwa niyon ang dalawang bubwit.
He notice how marvelous Paris was when handling and taking care with them. Henry and Sarah blissfully hug Paris.
"Hmm... bakit bihis na bihis 'ata kayo? May lakad ba tayo??" takang tanong ni Paris sa mga bata. Doon lang niya napansin na nakabihis na pala ang dalawa. Binalingan naman siya ng tingin ng dalawang bata.
"Eh ang sabi ni kuya Grecian pupunta daw tayo sa kanila," biglang sagot naman ni Sarah habang nakatingin pa rin sa kaniya.
Bigla namang napatingin sa kaniya si Paris. Tila nagtatanong ang mukha nito.
"Aah, Yeah! I told them already, Paris." Hindi niya alam kung paano ang tamang ekspresyon ng mukha ang dapat na gawin.
Bigla siyang nailang sa mga titig nito sa kaniya.
"Ngayon na ba tayo aalis??" Gulat nitong tanong sa kaniya.
"Yeah," biglang sagot niya.
"What?! Why didn't you tell me?!" Paris shrieked in bolt from the blue.
"Aalis tayo mamayang gabi para maaga tayong makarating sa Alegria. Twelve hours 'yong biyahe natin, Paris. Just be ready." Pinilit niyang ngumiti dito.
Bigla namang nagsilapit ang dalawang bata sa kaniya at mabilis na kumandong sa magkabilang hita niya. Maagap niya namang hinawakan ang mga ito.
"You always do sudden things Grecian," Paris state in disbelief.
Nagkibit balikat naman siya sa tinuran nito. Napansin niyang bahagya itong napaisip.
"Oo nga pala, sinong nagsabi kay Gilbert na wala ako dito kahapon? At busy daw ako?" Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito at saka naningkit ang mga mata.
Biglang kumilos ang dalawang bata nang marahang hawakan at tanggalin ng dalawa ang pagkakahawak niya sa mga ito. Biglang lumapit si Henry at Sarah kay Paris at saka mahigpit na yumakap.
"Kuya, sorry po." Si Sarah ang unang nagsalita.
"Hindi po namin gustong magsinungaling kay kuya Gilbert," sabi naman ni Henry. Ramdam niya ang lungkot ng dalawang bata pero bigla siyang kinabahan nang sabay na lumingon sina Henry at Sarah sa kaniya.
"Si kuya Grecian po kasi, inutusan niya kami na sabihin 'yon kay kuya Gilbert!" Sarah screeched out.
Nagulat siya sa ginawa nito.
Napamaang siya at tila hindi alam kung anong sasabihin. Mas lalong bumuka ang kaniyang bibig nang masama siyang titigan ni Paris.
"Sigurado akong may kinalaman ka dito Grecian." Naningkit na naman ang mga mata nito.
Inayos niya ang sarili bago magsalita.
"You need rest and I didn't allow anybody to get in your room," paliwanag niya dito.
Tinitigan niya ito kung nakumbinsi ito sa paliwanag niya. Tumaas ang kilay nito. Sa nakikita niya ay parang hindi ito naniniwala sa paliwanag niya. Tumaas at baba ang tingin nito sa kabuuan niya. Nakaramdam siya ng pagka-ilang sa ginagawa ni Paris.
Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya at saka ibinaling ang tingin sa dalawang batang naka-yakap pa rin sa kanya.
"Uy, 'Wag na kayong malungkot okay lang 'yon... Naiintindihan naman ni kuya Paris." Masuyo nitong hinawakan ang dalawa at saka mahigpit na niyakap.
"Kuya Paris, para sa 'kin, hindi ko rin naman po masisisi si kuya Grecian... Gusto lang din po niya na gumaling ka po agad, kaya inutusan niya po kami na gawin 'yon," paliwanag ni Henry habang hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap.
Nakikinig lamang siya sa paliwanag ng dalawang bata. Hindi niya maitatanggi na naturuan ang mga ito ng magandang asal. Napatingin siya kay Paris.
"Sorry," sambit niya. Napansin siya ni Paris.
"Hayaan mo na... Pasensiya na rin kasi nag-abala ka pa na alagaan ako." Ngumiti naman siya bilang tugon.
Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.
"Hindi pa uuwi si tita Luming dito kaya kakausapin ko siya mamaya para makapag-paalam bago tayo umalis," paliwanag nito sa kaniya. Tumango naman siya dito.
"Tutulungan na kitang mag impake, Paris," sabi niya dito.
"Tutulong na lang din po ako," suhestiyon naman ni Henry.
"Ako din po, tutulong," si Sarah naman ang nagsalita. Napangiti naman si Paris, bagay na hindi madaling maalis sa isipan niya. Palagi iyong lumilitaw sa isip niya. Sadyang natural ang pagiging makatao at ang pagmamahal na ibinibigay nito sa mga bata.