Mas maganda na ang pakiramdam ni Paris makalipas ang dalawang araw na pamamalagi niya sa loob ng kwarto. Dalawang araw na rin na hindi nagpaparamdam sa kaniya si Grecian at nagsisimula na siyang mag-alala para dito.
Maraming mga bagay ang naisip ni Paris at isa na roon ang pagpapakasal niya kay Grecian. Ngunit hinding-hindi niya iyon kayang gawin gayung hindi pa rin niya nalalaman ang totoong nangyari sa mga magulang niya.
Habang nasa kalagitnaan ng pagsusuot ng damit ay biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon si Grecian at awtomatikong nagtagpo ang kanilang mga paningin.
"Babe? You should rest–" Pinigil niya ito.
"Magaling na ako, babe... 'wag ka nang mag-alala..." Pagkatapos niya iyong sabihin ay kaagad niyang pinagpatuloy ang pagsuot ng damit sa harap ng salamin. Naramdaman naman niya ang marahang paglapit ni Grecian.
Nagulat siya nang bigla itong yumakap mula sa kaniyang likod.
"I'm sorry... Ngayon lang ako... Marami kasi akong inasikaso sa trabaho..." Naging mahinahon ito habang sinasabi ang mga salita. Napangiti siya at saka humarap dito. Masuyo niyang pinadama ang kaniyang dalawang palad sa magkabilang pisngi nito. Tumitig siya sa ka-gwapuhan ng kaniyang nobyo.
"Babe, trabaho 'yan kaya wala akong karapatan na pagbawalan 'yan dahil mas nauna 'yan kesa sa 'kin..." Napatawa pa si Paris sa kaniyang tinuran. Dahil doon ay bahagyang napatawa na rin si Grecian.
Naramdaman ni Paris ang mas lalong pagdikit ng katawan ni Grecian kaya nagbigay iyon ng kiliti sa kaniya. Sa titig pa lamang nito ay alam niyang tinutukso na naman siya ni Grecian. Hindi niya alam kung anong mararamdaman pero sigurado siyang nagugustuhan din iyon ng kaniyang katawan.
"May trabaho rin ako sa 'yo, babe..." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay saka ito nagpakawala ng isang mapanuksong kindat kaya bahagya niya itong napalo sa braso.
"Alam mo ikaw, ang naughty mo! Seryuso 'yong tao," napapatawang sabi niya dito. Habang tumatagal na ganoon ang kanilang posisyon ay tila umiinit ang kanilang pagitan.
Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin kumakawala si Grecian mula sa pagkakatitig kay Paris. Walang magawa si Paris kundi ang mapaiwas ng tingin mula sa nobyo dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung makipag tagisan siya sa mga titig nito. Naramdaman na lamang niya bigla ang paglalandas ng mga kamay ni Grecian sa ibaba ng kaniyang likod hanggang sa huminto ang kamay nito sa umbok ng kaniyang pwet.
Napaigtad siya.
"I missed this," usal nito at hindi nakaligtas sa paningin ni Paris ang nalulunod nitong mga mata dahil sa ginagawa.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito mula sa kaniyang likod at saka nagtangka na alisin iyon pero tila nabigo siya nang maramdamang mas malakas ito kumpara sa kaniya.
"Grecian..." Hindi na mapigilan ni Paris na banggitin ang pangalan ng nobyo. Kahit na pigilan ng kaniyang utak ang nararamdaman ay alam niyang matatalo iyon ng kaniyang buong nararamdaman.
"I feel like I really need to release..." Halos mamilog ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ni Grecian. Ni hindi pa niya magawang mai-rehistro sa kaniyang utak ang gusto jito at ngayon naman ay dinagdagan pa ng mga salita.
"Right now? Here?" sunod-sunod na tanong niya dito na agad din namang tinanguan ni Grecian.
Hindi maintindihan ni Paris kung bakit mabilis niyang hinubad ang suot na damit at agad na lumingkis sa katawan ni Grecian. Ang katotohanan sa kaniyang nararamdaman ay hindi niya magagawang itanggi gayung pareho silang nangangailangan.
Umangat ang paningin ni Paris hanggang sa maabot nilang dalawa ang mga labi habang dahan-dahan namang tinatanggal ni Grecian ang kaniyang damit. Isang bagay lang ang alam nilang dalawa, iyon ay ang ibigay ang daoat at gawin ang responsibilad bilang magkasintahan.
Tuloy-tuloy ang kanilang ginawa hanggang sa hawakan na nga ni Grecian ang baywang ni Paris at marahang alalayan iyon papunta sa ibabaw ng kama. Lumantad ang kaniyang kahubdan hanggang sa makita niya ulit at maramdaman ang umaatikabong pagnanasa na mula sa init ng katawan ni Grecian. Hindi iyon marahas para kay Paris at isa iyong buong pagmamahal na sa kaniya ay ginagawad mula sa nobyo.
****
"Hanggang kailan natin 'to gagawin ng walang label?!" May inis sa boses ni Jacob nang sabihin niya iyon kay Gilbert pero tila nagbingi-bingihan lamang ito sa kaniya.
Nang matapos sila sa ginagawang makamundong pangyayari ay agad itong nagbihis.
"Aalis na ako," sabi nito na hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang tingin. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa kanila ni Gilbert at ni wala man lang itong balak na maging opisyal na magkasintahan silang dalawa.
Dahil sa matinding inis ay hubo't hubad siyang tumayo at humarang sa may pintuan. Wala na siyang pakialam kung makikita man nito ang kaniyang kabuuan dahil nakita naman na nito iyon ng ilang beses na mah nangyari sa kanila.
Nagulat si Gilbert nang gawin niya iyon. Pinasadahan siya ng nakakalitong tingin ni Gilbert mula ulo hanggang paa. Hindi malaman ni Jacob kung pagnanasa ba iyon o isang natural na tingin lamang.
"Umalis ka diyan, Jacob," malamig na saad nito.
"No." Umandar ang pagiging matigas ni Jacob sa mga oras na iyon at wala siyang balak na magpatinag sa kung anuman ang sasabihin ni Gilbert.
"May trabaho pa ako!" Bahagya siyang nagulat sa ginawa nitong oag sigaw pero talagang palaban si Jacob at wala sa kamiyang bokabularyo ang sumuko na lang ng basta-basta.
"Ask me if you wanna be my boyfriend!" Singhal niya dito. Hindi niya alam kung matatawa siya sa sarili niyang suhestiyon o ang seseryusuhin ang kaniyang ginagawa. Hindi mawala-wala ang iritasyon sa mukha ni Gilbert kaya mas lalo lang na natutuwa si Jacob.
"You're unbelievable! Casual s*x is enough!" Sinigawan siya nito. Nag pintig ang kaniyang tainga dahil sa sinabi ni Gilbert. May punto ito na pwedeng isang kaswal lamang na pagtatalik ang kanilang ginawa pero iba ang dating niyon para kay Jacob. Mahalaga na sa kaniya si Gilbert at sigurado siyang ganoon din ang nararamdmaan nito para sa kaniya.
"I love you!" Parang humahangos pa si Jacob nang sabihin niya iyon kay Gilbert. Wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito basta ang mahalaga ay malaman nito kung anong nararamdaman para dito.
Napamaang si Gilbert at biglang natahimik. Tila pino-proseso pa nito ang sinabi ni Jacob. Ilang minuto ang lumipas bago niya ulit marinig ang nakakabingi pero nakakahalinang tugon mula kay Gilbert.
"Can I be your boyfriend?" Natigilan si Jacob. Mas lumapad ang ngiti sa kaniyang mukha at saka tumugon.
"Yes." Pagkatapos niya iyong sabihin ay agad siyang napayakap kay Gilbert.
****
Napag-isip-isip ni Grecian na sunduin ang mga bata para naman makita ng mga ito ang kanilang kuya Paris. Hindi alam ni Paris ang kaniyang balak dahil balak niya itong surpresahin.
Ngayon na nasa kalagitnaan na sila ng biyahe papunta sa bahay ni Paris ay hindi niya maiwasang matuwa sa kakulitan ng dalawa. Pakiramdam niya ay walang nagbago sa ugali ng mga ito pagkatapos ng nangyari sa dalawa.
"Sa wakas, makikita na rin natin si kuya Paris!" natatawang saad ni Henry na abala sa paglalaro sa cell phone ni Grecian. Kasalukuyang nasa likuran niya ang dalawa.
"At mabuti na lang din na maayos na ang lagay niya... Grabe na-miss ko si kuya Paris..." Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Grecian ang sinabi ni Sarah.
Naiintindihan niya ang dalawa at maski siya ay may pag-aalala pa rin para kay Paris.
Ilang minuto pa ang lumipas at narating na rin nila ang bahay ni Pari. Bahagya pa siyang nagtaka nang mapansin ang dalawang sasakyan sa labas ng bahay ni Paris. Kilala niya ang isang kotse at alam niyang Gilbert iyon pero ang isa ay hindi na niya alam.
Nakita na lamang ni Grecian na nauna nang pumasok sa loob ang dalawang bata. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa makapasok na nga siya sa loob.
"Sinasabi ko na nga ba! Dito ka na naman papunta..." Narinig ni Grecian ang pagsinghal ni Jacob kay Gilbert. Nakita niyang napakamot na lamang sa batok si Gilbert dahil sa hiya at sigaw na ginawa ni Jacob.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakagulo ang dalawa at kungbakit galit na galit si Jacob kay Gilbert. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nagtataka sa ikinikilos ng dalawa.
"Jacob, palagi siyang pumupunta dito," paliwanag naman ni Paris. Doon lang niya nakita na kausap pala ni Gilbert si Paris at kung hindi siya nagkakamali ay sinundan ni Jacob si Gilbert papunta sa bahay ni Paris.
"Boyfriend ko na si Gilbert, Paris... Sana naman hindi na kayo masyadong maging malapit kasi hindi na tulad ng dati na single pa tayong apat." Pagkatapos na sabihin iyon ni Jacob ay saka siya nito binalingan ng tingin.
Nagtataka siya kung ano ang kinalaman niya sa usapan ng tatlo pero isang bagay lang ang malinaw para kay Grecian at iyon ay ang relasyon ni Gilbert at Jacob.
"Ako dapat ang magpapaliwanag kay Paris niyan, Jacob. Pero nagiging OA ka na naman!" Muntikan na siyang matawa dahil sa pagkairita sa mukha ni Gilbert. Ngayon niya lang nakita kung paano ito mainis kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya.
Ang akala naman niya ay hindi siya napansin ni Paris. Napatingin din ito sa kaniya at saka siya sinamaan ng tingin.
Kailangan niyang sumali sa usapan dahil tungkol sa relasyon ang usapan. Para kay Grecian ay mabuti ng maliwanag ang lahat.
"Guys, calm down... May mga bata oh," tukoy niya kila Henry at Sarah. Doon lamang natauhan sina Gilbert at Jacob nang mapagtantong nasa harap lamang nila ang dalawa at maiging nakikinig.
Nakaramdam ng hiya si Paris nang sandaling makita sina Henry at Sarah. Sigurado si Grecian na matatahimik na ang lahat dahil sa sinabi niya.
"Pag-usapan na lang natin 'to mamaya," saad ni Paris at saka lumayo sa kinaroroonan nila Gilbert at Jacob. Sinundan ni Grecian si Paris habang dala nito ang dalawang bata. Natatawa si Grecian sa sitwasyon nila Gilbert at Jacob.