"Sir, ayos lang ho ba kayo?" Nabigla si Grecian nang biglang may humawak sa balikat niya. Kasalukuyan siyang nasa labas ng kaniyang sasakyan at ninanamnam ang sakit na nararamdaman.
"Get away from me!" Marahas niyang tinabig ang kamay nito. Hanggang ngayon ay hindj pa rin siya makapaniwala na nagawa ni Fredo ang kasamaan nito.
Naramdaman na lamang ni Grecian ang pag-alis ng tao na kanina lamang ay nagpakita ng pag-aalala sa kaniya. Wala na siyang pakialam kung anong hitsura niya. Ang importante ay mailabas niya ang sama ng loob.
"Argh!" Kasabay ng kaniyang matinding pagbulyaw ay ang malakas na pagsipa niya ng kaniyang sasakyan. Nagdulot iyon ng sakit sa kaniyang paa pero ininda niya iyon dahil mas masakit ang nararamdaman niya. Hinding-hindi siya papayag na hayaan na lamang si Fredo.
Lumalalim na ang gabi at tila walang balak na umuwi ni Grecian. Ni hindi niya alam kung uuwi pa ba siya sa bahay ni Paris pagkatapos niyang malaman ang buong katotohanan. Alam niyang walang nagawang pagkakamali si Paris pero hindi niya maiwasan ang magalit dahil sa ginawa ni Fredo. Kung tutuusin ay dapat pa nga siyang matuwa dahil nagpakatotoo ito sa kaniya. Kahit kaialn ay hindi mababawasan ang pagmamahal niya para kay Paris.
"Hindi ka pa uuwi?" Nagulat siya nang marinig bigla ang boses ni Gilbert. Agad na naituon niya ang kaniyang atensyon dito.
"F*ck off." Pagkatapos niya iyong sabihin ay saka niya ito sinamaan ng tingin. Napangisi naman ito dahil sa ginawa niya.
"Kilala ko si Paris, Grecian... At kahit na anong bagay na makakasama sa ibang tao, lalo na sa mga taong mahal niya, sasabihin niya ang totoo... Bilib ako sa pagiging totoo niya sa sarili..." Nakikinig lamang siya kay Gilbert at hindi na rin niya napansin ang paglapit nito sa kinatatayuan niya.
"Pinagsamantalahan siya ni Fredo..." Nang sabihin niya iyon ay tuluyan na ngang nabasag ang kaniyang boses hanggang sa lumabas ang maiinit na luha mula sa kaniyang mga mata.
Nakita ni Grecian ang serysusong mukha ni Gilbert.
"Totoong nakakagalit at naiintindihan kita. Gusto kong saktan si Fredo hanggang sa mawalayan siya ng malay pero ano pa ba ang mangyayari kung gawin ko 'yon sa kaniya? Mababago ba niya ang nangyari na?" Pilit na isiniksik ni Grecian ang mga sinabi ni Gilbert at habang lumilipas ang segundo ay naiintindihan niya ito.
"Bakit ka ba nandito?" Iniba ni Grecian ang usapan at doon lang niya nakita na bigla itong napatawa.
"Loko! Pinapahanap ka sa 'kin ni Paris. Alalang alala sa 'yo 'yong tao tapos gumaganiyan ka pa!" Nalingat ang paningin nito sa paligid at maiging pinapakiramdaman ang bawat sasakyan na dumadaan.
"K-kumusta na siya?" Ni hindi magawang ayusin ni Grecian ang kaniyang pagsasalita.
"Umuwi ka kaya para malaman mo kung anong sagot diyan sa tanong mo..." Natawa ito pagkatapos na sabihin iyon sa kaniya.
"Gusto ko muna–"
"Kailangan ka ni Paris... Kailangan niya ng taong masasandalan... Ikaw lang ang taong may kayang gumawa na suportahan siya dahil ikaw ang mahal niya, Grecian..." Hindi na siya nakatingin kay Gilbert pero ramdam niya ang bawat salitang nagmumula dito.
****
Gabi na at wala pa rin si Gilbert. Kanina pa naghihintay si Jacob. Dahil sa kabutihan nito sa kaniya ay hindi niya napigilan na ipagluto man lang ito.
"Ang tagal naman niya," aniya habang tinitingnan ang mga pagkain sa hapag.
Napapangiti siya habang tinititigan ang mga pagkain. Hindi akalain ni Jacob na muli niyang masusubukan ang magluto. Mabuti na lamang hindi pa nangangalawang ang kaniyang utak at naalala pa rin kung paano gumalaw sa kusina.
Matapos siyang maihatid ni Gilbert mula sa ospital ay saka naman ito nagpaalam na aalis at mayroong pupuntahan. Hindi na siya magtataka kung kay Paris ito pupunta dahil alam niyang malapit na magkaibigan ang dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay unti-unti nang nawawala ang kaniyang inis kay Paris.
Inaamin niyang naiinggit siya dito pero alam niyang wala rin naman iyong magagawa kung sa huli ay siya rin lang ang masasaktan.
Hanggang ngayon ay kagalakan pa rin ang nararamdaman ni Jacob at tila hindi na pansin ang nangyari sa kaniya. Mas gusto niyang makitang ngumiti si Gilbert dahil habang tinititigan niya ito ay tila sinasabi ng mga mata nito na gusto nitong ngumiti at tanging siya lang ang nakakaramdam niyon.
Kung mabibigyan man sila ng pagkakataon ni Gilbert ay hindi siya magdadalawang isip na mangyari ang bagay na magpapasaya sa kanilang dalawa na higit pa sa pagiging magkaibigan.
Naramdaman ni Jacob ang pagbukas ng pintuan at nakita niyang papasok na sa dining room si Gilbert.
"Ang bango naman! Ikaw ang nagluto niyan?" Diretsong tumama ang mga mata nito sa hapag at saka siya napangiti dahil sa ekspresyon nito.
"Oo naman!" Pinakawalan ni Jacob ang pagka-bilib niya sa sarili nang sabihin niya iyon.
"Marunong ka pa lang magluto..." Kahit na pabulong lang iyon ay narinig pa rin iyon ni Jacob kaya kunwari ay sinamaan niya ito ng tingin.
"Anong akala mo sa 'kin, puro yabang lang?" Inismiran niya ito at saka nagsimulang kumuha ng plato. Nilagyan niya iyon ng pagkain at saka marahang inulatag sa harap ni Gilbert. Napatingin naman ito dahil sa ginawa niya.
"Wow naman... Nagpapaka ideal ka na ngayon ah," natatawa nitong sabi. Kung hindi lang sila nasa harap ng hapag kainan ay kanina pa niya itong kinutungan. Imbes na intindihin ang pang-aasar nito ay mas pinili na lamang niyang magpasalamat.
"Gusto lang kitang ipagluto... Pasasalamat ko dahil hindi mo ako iniwan na nakahandusay..." Umiwas siya ng tingin nang sabihin niya iyon. Lumipas ang ilang segundo bago niya marinig na nagsalita si Gilbert.
Nabigla siya nang hawakan nito ang kamay niya.
"Kahit sino naman mag-aalala para sa 'yo..." Huminto siya hanggang sa balingan niya ito ng paningin at diretsong tumama ang mga mata niya sa labi nito. Alam ni Jacob na isang natural na ngiti iyon mula kay Gilbert kaya tumugon siya ng isang matamis na ngiti.
Pero agad din namang binawi niya ang kaniyang ngiti mula dito.
"Hindi lahat, Gilbert... Sa totoo lang, walang may nagmamahal sa 'kin... Wala akong kamag-anak at sadyang minamalas pa sa love life... Tanging pagmomodelo lang ang trabaho at kinakapitan ko..." Hindi alam ni Jacob pero sadyang tinatamaan siya sa kaniyang mga sinasabi.
"Kahit ganiyan ka... Kahit na medyo flirty ka sa 'kin, alam kong mabuti kang tao... Fortunately, I saw that..." Pinipigil ni Jacob ang maging emosyonal sa mga sinabi ni Gilbert.
May parte sa kaniyang puso ang lubos na nagpapasalamat dahil sa pagiging maunawain nito. Maging siya ay nakahanda rin na maging sandigan nito sa oras na kailanganin siya nito pero hindi siya sigurado na habang lumilipas ang oras at mga araw ay magagawa niyang hindi pansinin ang nararamdaman niya para kay Gilbert. Sa kabilang banda ay may takot siyang nararamdaman dahil hindi niya gustong maulit muli ang nakaraan niya. Hindi niya gustong magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal.
****
"Grecian! Alam mong walang magandang maidudulot 'yang gagawin mo!" Kung pwede lang na suntukin ni Gilbert si Grecian ay kanina pa niya ginawa pero sadyang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad.
"Gaganti lang ako!" sigaw ni Grecian.
Matapos nitong malaman na nahuli na si Fredo ay ganoon na lamang ang tindi ng galit nito at pananabik na pumunta sa pulisya para makitang nandoon na nga si Fredo sa kulungan pero alam niyang hindi lang nito titingnan si Fredo.
"Sandali lang!" sigaw niya at saka mabilis na tumakbo palapit dito. Gusto man niyang magalit kay Grecian ay hindi naman niya magawa dahil naiintindihan niya ito.
Ang akala niya ay maabutan niya ito pero mas naging mabilis pa ito sa kaniya hanggang sa makapasok na nga ito. Naabutan niya itong huminto at agad na nagtanong.
"Nasaan si Fredo?" agad na tanong ni Grecian. Nakita ni Gilbert ang kalituhan sa mukha ng pulis. Wala itong nagawa kundi ituro ang kulungan.
Agad niyang sinundan si Grecian hanggang sa huminto ito sa harap ng selda. Hindi napansin ni Fredo ang paglapit nilang dalawa kaya marahas na pinalusot ni Grecian ang dalawang kamay at saka agresibong hinatak ang damit ni Fredo na naging dahilan para sumubsob ang katawan nito sa bakal.
Biglang nagdilim ang paningin ni Gilbert nang makita niya si Fredo. Pakiramdam niya ay dinalaw siya ng matinding galit na kahit na anong gawin niya ay mananatiling buo ang pagkamuhi niya kay Fredo.
"Hayop ka! Sarili mong kaibigan!" Hindi pa natatapos sa sasabihin si Grecian ay marahas na pinakawalan nito ang nakakuyom na kamay kaya naging dahilan iyon para mahilo si Fredo. Dahil sa galit ni Gilbert ay hinawakan niya rin ito sa damit.
Sa muling dapo ng kamao ni Grecian ay hindi hinayaan ni Gilbert na mangyari iyon.
"Ako na," suhestiyon niya at saka sinuntok si Fredo. Sa pangalawang suntokna natamo ni Fredo ay sigurado siyang mas nahilo ito. Ni hindi ito nagsalita.
"Itinuri ka niyang pamilya!" Sigaw niya dito.
Sakto namang dumating ang mga pulis para awatin sila. Napilitan silang pakawalan si Fredo. Magkahalong emosyon ang nararamdaman nila pareho. Ngayon ay mas lalo niyang naunawaan ang galit ni Grecian.
"Tama na 'yan!" Narinig nila pareho ang sigaw ng pulis kaya nagpaawat na sila.
"Sisiguraduhin kong mabubulok ka diyan!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Grecian.
****
"Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon." Pilit na ikinakalma ni Paris ang sarili dahil ayaw niyang makapag salita ng hindi maganda. Nakahiga pa rin siya at iniisip kung bakit nagawang pumunta ni Grecian sa presinto para bugbugin si Fredo.
"Kailangan ko 'yong gawin dahil sobra na siya!" Ramdam niya ang galit nito.
"Huminahon ka nga!" Hindi na siya nakapag pigil at nasigawan na niya ito.
Nakita ni Paris na sabay pumasok si Grecian at Gilbert sa kaniyang kwarto at hindi rin nakaligtas ang lahat ng pangyayari dahil si Gilbert na mismo ang nag kwento sa kaniya kung anong nangyari.
"Paano ako hihinahon kung palagi kong iisipin na habang tumatagal, mas lalo akong nag-aalala para sa 'yo..." Kusang umurong ang kaniyang dila nang makita ang mga mata ni Grecian na sobrang apektado sa lahat ng nangyayari. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
Hindi na rin niya kaya na nakikitang itong nasasaktan.
"Nahihirapan ka na ba?" Napaluha siya sa sariling tanong. Nakita niya na biglang natahimik si Grecian.
"It's not what you think... Let me explain first–"
"Kasi kung nahihirapan ka na, hindi ko naman kaya na ipagpilitan ang sarilu ko sa 'yo... You know how much I love you..." Unti-unti na siyang nagiging emosyonal.
"Hey... I love you... Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi man lang kita ma-protektahan..." Sa hindi inaasahan ay bigla siya nitong ginawaran ng mainit na halik at saka masuyong niyakap.
Para kay Paris, ngayon na nakikita niya itong nag-aalala para sa kaniya ay siya rin naman ay nababahala. Hindi niya kayang makita na maging miserable ang buhay ni taong mahal niya kung siya rin naman ang dahilan.
"Alam ko... At habang tumatagal, palaging pinaparamdam sa 'kin ng panahon na hindi tayo pwede... Pero lumalaban ako, Grecian... Nilalabanan ko 'yon kasi mahal kita..." Tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang mga luha at hindi na rin niya napigilan na tumugon sa yakap nito.
"Don't say that..." Masakit man para sa kaniya ay kailangan niya pa rin na sabihin ang dapat niyang gawin.
"Grecian... I think we really need space–"
"Hindi. We need each other," kontra nito sa sinabi niya. Doon lang sumiksik sa utak niya hindi niya kailangan na malayo kay Grecian para ayusin ang problema. Ngayon niya ito kailangan, ngayon siya dapat na maging matapang dahil nasa tabi niya ito lagi.
"Babe... Patawarin mo ako kung nahayaan ko na humantong ako sa gan'tong bagay... Kahit na ano pa man ang nangyari sa 'kin, mananatiling buo ang puso ko para sa 'yo..." Ang alam lamang ni Paris sa mga oras na iyon ay nanggaling ang lahat ng sinabi niya mula sa kaniyang puso at gusto niyang marinig nito iyon.
"Minahal kita Paris... Pinili kong mahalin ka kaya dapat ko rin na harapin ang problema mo... Hindi ko kaya na makita kang mahina dahil humihina rin ako... I hope you'll let me love you with my all..." Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya.