CHAPTER FORTY SIX *BHL: Together in Bed*

1998 Words
"Ang akala ko pa naman mag de-date tayo!" Nararamdaman na ni Gilbert ang pagkainis dahil sa pagiging makulit ni Jacob. Kasama niya itong mag grocery. Naisipan niyang bumili ng mga pagkain at prutas para kay Paris. Makalipas ang dalawang araw ay nakalabas na rin sa wakas si Paris sa ospital. May halong selos ang nararamdaman ni Gilbert nang maalala na kasama nito si Grecian. Hindi niya kayang itanggi na naapektuhan pa rin siya. "Hindi pa oras para sa ganiyang bagay, Jacob..." Naging mahinahon siya sa pagpapaliwanag habang sunod nang sunod ito sa kaniya. Ang akala siguro nito ay hindi niya napapansin na kung anu-ano ang kinukuha nito. "Oo na... Naiintindihan ko naman. Kung hindi lang cute ang dalawang batang 'yon, siguradong matindi ang pagtatampo ko sa 'yo ngayon..." Hindi maintindihan ni Gilbert kung bakit habang tumatagal ay mas lalong nagiging agresibo ito sa kaniya. "Anyways, thank you for letting me stay to your house... Sabi ko naman sa 'yo, kaya kong bumili ng bahay–" Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita nang bigla siya nitong mapigil. "Ano ka ba! Wala rin naman akong boyfriend kaya ayos lang!" Dahil sa lakas ng boses nito ay biglang nagsi-tinginan ang mga tao sa paligid nila. Nainis siya kaya marahan siyang napahinto at saka nilingon si Jacob. Ngiting aso lamang ang ipinakita nito sa kaniya na para bang hindi nito alam kung bakit siya nakatitig. "Sa susunod, magdahan-dahan ka sa sinasabi mo... Maraming tao, baka anong isipin nila," pahayag niya dito. Nakita niyang parang bumusangot ang mukha nito. "Bakit?! 'di ba may nangyari na sa 'tin–" Nabigla siya sa sasabihin nito kaya agad na dumapo ang kaniyang kamay sa bibig nito para takpan. "'wag mo na kasing sabihin! Oo na!" Maririin ang mga salitang binitawan nito kaya naging dahilan iyon para pwersahin niya itong takpan ang bibig nito. Marahas itong gumalaw at saka kumawala mula sa ginawa niya dito. "Ano ba?! Okay, fine!" Sa wakas ay naging kalmado na rin ito. Ni hindi niya lubos maisip na ganoon kadaldal itong kasama niya. Hindi niya rin alam kung bakit napapayag siya nitong tumira sa bahay nito gayung alam niya kung anong pag-uugali ang mayroon ito. Sinamaan niya ito ng tingin at saka muling naglakad para mamili ng bibilhin. Habang naglalakad ay tila hindi niya maramdaman ang pagsunod ni Jacob sa kaniyang likuran. "Hindi rin ako magtatagal sa bahay mo at aalis din ako kaagad," sabi niya dito habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ilangs segundo pa ang lumipas at wala pa rin siyang naririnig na tugon mula kay Jacob kaya napilitan na siyang lingunin ito. "Nakikinig ka ba–" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at unti-unting namilog ang kaniyang mga mata nang makitang nakahandusay sa sahig si Jacob. Wala itong malay at wala ring tao sa malapit sa kanilang kinaroroonan. "Jacob!" Sa lakas ng pagkakasigaw niya ay tila naagaw na rin niya ang atensyon ng ibang tao na malayo sa kanila. Ang lahat ay nagtungo sa kanilang kinaroroonan at saka siya muling sumigaw. "tulong! Tulungan niyo kami!" Natataranta na si Gilbert at hindi na rin niya alam kung anong unang gagawin para mailigtas si Jacob. Hindi niya alam kung bakit nawalan ito ng malay samantalang kanina lamang ay halos magtalo pa sila sa pinag-uusapan. Ilang sandali pa at nakita na rin niyang may ilang tao ang patungo sa kanilang kinaroroonan at walang anu ano'y agad ng mga ito na dinala ang walang malay na katawan ni Jacob. Sinundan niya ito hamggang sa makita niya ang ambulansiya at doon sinakay si Jacob. Nagmadali na siyang sumakay. **** Dalawang araw ang lumipas at parang nananatili pa ring sariwa ang nangyari kay Paris. Kahit kailan ay hinding-hindi mabubura sa kaniyang utak ang kasamaan ni Fredo. Ngayon ay desidido na siyang maipakulong ang dating kaibigan. Nasa higaan pa rin siya at pilit na iniisip ang mga pangyayari na pwedeng maging dahilan para magkaroon ng ugnayan ang lahat ng ginawa ni Fredo kay Helen. Ni anino ni Helen pagkatapos ng pagpunta nito sa bahay ampunan ay hindi na niya naramdaman pa. "Malalim na naman ang iniisip mo..." Awtomatikong naglandas ang paningin nila ni Grecian. Napalitan ng pagkunot ng noo ang kaniyang mga iniisip. "Nahanap na ba si Fredo?" Dahil sa kaniyang tanong ay kusang naging seryuso ang mukha ni Grecian. Nakita niya itong inilalatag ang mga pagkain malapit sa kaniyang higaan. Bilib na bilib siya sa pag-aalaga nito sa kaniya pati na rin ang pag-aalala at tulong ni Gilbert sa kaniya. Ni hindi niya lubos maisip kung ano ang magiging kahihinatnan niya kung wala si Grecian at Gilbert. Gayun pa man, si Grecian ang nilalaman ng kaniyang puso't isipan. "May bagong lead ang mga pulis at sigurado silang matutunton na nila si Fredo," tugon nito sa kaniya. Dahil doon ay tila naging maaliwalas ang kaniyang mukha. "Talaga?!" Muntikan pa siyang mapabangon dahil sa pagka-bigla. Nakita iyon ni Grecian naging maagap ito para sa kaniya. "Dahan-dahan naman kasi... Alam mo, hindi sa lahat ng oras malakas ka kaya 'wag na wag mong pipilitin ang sarili mo na gawin ang mga bagay na alam mo namang hindi mo pa kaya..." Napangiti siya sa sermon nito. Habang tumatagal ay mas lalo niyang nakikita ang potensyal ni Grecian bilang kaniyang kasintahan. Pero hindi niya alam kung hanggang saan at hanggang kailan mananatili ang pagmamahal nito sa kaniya. Ngayon na mas naibabalik na niya ang lakas ng kaniyang katawan ay unti-unti na rin niyang naalala ang lahat ng ginawa ni Fredo at labis ang takot ni Paris sa kaniyang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Grecian kung sakaling malaman nito ang buong katotohanan. "Grecian... May sasabihin ako..." Napatigil sa pag-aayos ng pagkain si Grecian at agad na itinuon ang atensyon nito sa kaniya. Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti bago magsalita. "What is it?" Naka-ngiti pa rin ito bagay na mas lalong nagpapasakit sa kaniyang kalooban. "Sana matanggap mo pa rin ako..." Unti-unti na siyang nagiging emosyonal at hindi na rin niya mapigilan ang mga nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. Dahil sa sinabi niya ay lumapit ito sa kaniya at masuyong hinawakan ang kaniyang kamay. "Hey... Babe, you know I will always love you, right?" Alam ni Paris na nag-aalala ito sa kung ano man ang kaniyang sasabihin pero hindi niya gustong maglihim sa taong mahal na mahal niya kaya hangga't maaga pa ay gusto na niyang sabihin dito ang lahat nang ginawa ni Fredo. Huminga siya ng malalim bago muling magsalita. "Naabutan niyo akong nakahubad..." Napatigil si Grecian nang sabihin iyon ni Paris. Walang nagawa si Paris kundi ang magpatuloy sa sasabihin. "Sa pagkakaalala ko, pinainom ako ni Fredo ng isang tableta at doon ko naramdaman na may ginagawa siya sa 'kin... Hindi ko maalala kung paano pero alam kong mainit sa pakiramdam ang ginagawa niya sa 'kin..." Napatigil si Paris sa kaniyang pagpapaliwanag nang magsalita si Grecian. "F*ck!!! He'll pay for this!" Naramdaman ni Paris ang galit sa boses ni Grecian at naging dahilan din iyon para magulat siya. Kitang-kita niya pagdilim ng paningin nito hanggang sa agad nitong pakawalan ang kaniyang kamay. Ilang mabibigat na hakbang ang ginawa ni Grecian palabas ng kaniyang kwarto. "Grecian!" Huli na ang lahat para habulin pa niya ito gayung nasa kalagitnaan pa lamang siya ng pagpapagaling. Tanging nakita na lamang niya ang pagsara ng pinto ng kaniyang kwarto. **** "Anong nangyari?" Nagising si Gilbert nang marinig ang boses ni Jacob. Makalipas ang ilang oras ay hindi na rin siya natuloy sa pagpunta sa bahay ni Paris dahil sa nangyari kay Jacob. Hindi niya ito pwedeng iwan lalo pa't wala siyang kakilalang kaibigan nito para bantayan kaya nananatili siya sa tabi nito hanggang sa abutin na nga siya ng gabi. "Nahimatay ka kanina," seyuso niyang tugon dito. Nakita niyang bigla itong napahawak sa sintido nito at tila inirerehistro nito ang paligid. "Ang sakit ng ulo ko..." Nakita ni Gilbert ang panginginig ng kamay nito at nagbigay na naman iyon ng panibagong kaba sa kaniya. "'wag ka kasi munang gumalaw!" Naging maagap si Gilbert at agad na hinawakan ang buong katawan nito para alalayan. "Kanina pa ba tayo dito?" Napatingin siya sa mukha ni Jacob nang tanungin siya nito. Agad na huminto ang kaniyang paningin sa labi nito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang dinalaw siya ng isang matinding init ng katawan. "Oo... Mga ilang oras na..." Hindi pa rin natatanggal ang kaniyang paningin sa labi nito. Naramdaman ni Jacob na parang wala sa sarili si Gilbert. "Ayos ka lang ba? Kanina mo pa ako binabantayan?" Inilihis ni Gilbert ang kaniyang atensyon sa tanong nito. "Oo... Kanina pa kita binabantayan..." Nang sabihin niya iyon kay Jacob ay parang may kung anong hiya itong naramdaman. "Pasensiya ka na ah... Hindi mo na tuloy nadala ang mga pagkain..." Natigilan si Gilbert sa sinabi nito. Ngayon niya lang nakita na naging mahinahon ang boses ni Jacob at parang kakaiba ang hatid niyon sa kaniya. Ngumiti siya. "Ayos lang 'yon... Ang mahalaga, ligtas ka na... Sa tingin ko hindi ka kumakain ng maayos. 'yon ang sabi ng doktor," paliwanag niya dito. Dahil sa sinabi niya ay agad itong nag-iwas ng tingin. "Marami lang akong iniisip..." Doon lang din naalala ni Gilbert ang sinabi ni Grecian sa kaniya na kilala nito si Paris. "Kilala mo pala si Paris at Grecian?" biglang tanong niya dito na ikinagulat naman nito. "Oo... Noon, hindi maganda ang pakiramdam ko kay Paris... Pero siguro nagbago ko 'yon nang maintindihan ko kung gaano siya kahalaga sa 'yo..." Tinitigan ng mabuti ni Gilbert si Jacob at sinisiguradong nagsasabi ito ng totoo. "Mahalaga siya sa 'kin dahil kaibigan ko siya pero hindi na kami pwede kasi–" "Kasi sila na ni Grecian?" dugtong nito. Tinanguan niya ito bilang tugon. Nakita niya kung paano ito pilit na ngumiti. Dahil doon ay napangiti na lang din siya. "Hindi ko siya makalimutan pero gusto ko rin naman na makapag move on dahil alam kong masaya na siya ngayon... Sana nga dumating ang araw na ako naman ang maging masaya..." Hindi akalain ni Gilbert na lalabas iyon mula sa kaniya. Huli na ang lahat dahil malinaw na narinig iyon ni Jacob mula sa kaniya kaya wala na siyang dapat na bawiin pa. "Sa totoo lang sobrang swerte ni Paris dahil nandiyan ka para sa kaniya at siguro masaya rin na meron siyang pamilya..." Saglit itong napatigil sa sinabi. Tumugon siya sa sinabi nito. "Ang akala dati ni Paris, patay na ang mga magulang niya pero sa ngayon, may bagong imbistigasyon tungkol do'n..." Ganoon na lamang ang pagka-dismaya nito nang ipaliwanag niya iyon kay Jacob. "B-buhay pa ang mga magulang niya?" nag-aalangang tanong nito sa kaniya. Nagkibit balikat siya dahil hindi sita sigurado sa isasagot. "Sana nga ganiyan din ang nararanasan ko ngayon dahil noon pa man, pinangarap ko na makilala ang mga magulang ko... Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako galing..." Ramdam ni Gilbert ang matinding lungkot sa boses ni Jacob nang sabihin nito iyon sa kaniya. Hindi niya akalain na pati ito ay mayroon din pa lang pinagdadaanan sa buhay at halos magkapareho pa sa pinagdadaanan ni Paris. "Pareho lang din pala kayo ni Paris..." Habang sinasabi niya iyon ay unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Jacob at habang palapit nang palapit ang kaniyang mukha ay ramdam naman niya ang tensyon na nagmumula kay Jacob. "'wag mo akong itulad sa kaniya. Mas cute ako sa kaniya at mas hot!" Ang akala niya ay matutuloy ang kaniyang inaakalang halik pero nagkamali siya nang bigla itong magsalita. "Alam mo ikaw, nahimatay ka na nga, ang hilig mo pa rin na makipag kumpetensiya!" natatawang saad niya dito. Inismiran lang siya nito. "Totoo naman!" angal nito. Muli siyang napatitig sa mukha nito at sa hindi malamang kadahilanan ay parang pinipigil niya ang sarili sa kagalakan na makita ang mukha ni Jacob. Diretsong tumama ang kaniyang paningin sa mga mata ni Jacob. Doon niya napagtanto na parehong-pareho ang mga mata nito kay Paris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD