CHAPTER FORTY *BHL: Guesses*

1997 Words
"Mang Tonio! Kanina po no'ng nasa bayan ako ay may lalaking naghahanap sa 'yo," humahangos na sabi ng batang si Nigel kay mang Tonio. "Nakilala mo ba kung sino?" tanong naman ng matanda sa bata. "Hindi ko po masyadong nakilala pero halatang mayaman." Agad siyang napaisip sa sinabi nito. Imposibleng may makatunton sa 'kin dito. Maliban na lang kung si Paris 'yon. Nang dahil sa naisip ay agad siyang nataranta. Magtatanong pa sana siya sa bata pero mabilis itong nawala kaya agad siyang pumasok sa loob ng bahay para makapagbihis. Sigurado siya na anumang oras ay baka matunton na nga ni Paris ang kaniyang tinitirahan. Naalala niya noong nakaraang araw na nagpunta siya sa pulisya para isiwalat ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Ang lahat ng iyon ay tila sariwa pa rin para kay mang Tonio. Palaging sumasagi sa isipan niya kung paano namatay si Veronica kasama ang asawa nitong si Vicente. Matapos niyang makita kung paano ulit sunugin ng lalaki ang mga bangkay ng dalawa ay mas lalong nabuo ang galit na matagal na niyang tinitiis. Alam ni mang Tonio kung saan inilibing ang kaniyang kapatid at ang asawa nito na kunwari ay ang mga magulang ni Paris Zamora. Kalituhan at pagtataka ang kaniyang naranasan sa mga taon na lumipas. Alam niyang planado ang lahat. Alam niyang may kung anong karumaldumal ang nangyari bago pa man patayin ang kaniyang kapatid. Patawarin mo ako Veronica... Alam kong naging duwag ako sa mga nakalipas na tao pero sinisiguro ko sa 'yo na mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo pati na rin ng asawa mo. Pakiramdam ni mang Tonio ay matagal na niyang pinigil ang lahat ng kaniyang galit. Ngayon ay nakahanda na siya sa anumang pagsubok ang maaari niyang kaharapin at batid niyang kakailanganin niya ang tulong ni Paris. Habang abala siya sa pagbibihis ay narinig niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pinto. Nakaramdam agad siya ng kaba pero alam niyang masosolusyunan na ang lahat ng kaniyang ginagawa. Hihingi siya ng tulong kay Paris para mapadali ang kaso. Nagmadali siyang magbihis dahil patuloy sa pagkatok ang tao sa labas ng kaniyang bahay. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging mabilis ang pagkatok niyon. "Sandali lang!" sigaw niya dito habang minamadali niya ang sarili. Naramdaman naman niya ang pagtigil ng tao sa pagkatok. Sa kabila ng lahat ay malaki ang kaniyang pasasalamat sa panginoon dahil sa wakas ay nakilala niya si Paris. Alam niyang matutulungan siya nito at nakahanda rin siyang tulungan ito sa kung anumang bagay ang kaniyang maitutulong dito. Nang matapos siya sa pagbibihis ay saka siya kumilos para puntahan ang kumakatok. Ngiti ang kaniyang gustong i-salubong kay Paris. Nakahanda na siya para muli itong makausap. Ngunit nang sandaling lumuwag ang pintuan ay saka lamang tumambad sa kaniya ang isang bulto ng lalaki na pakiramdam niya ay may dalang panganib. "Kumusta, Tonio?" Isang nakakakilabot na boses ang kaniyang narinig nang magsalita ito. Tila may naalala siya sa boses nito. Kasabay ng malamig na hangin ay dala nito ang kakaibang piligro na nakaharap sa kaniya. Tila saglit na umurong ang kaniyang dila dahil sa kaharap niyang lalaki. "S-sino ka?" may pangambang tanong niya dito. Ngayon ay kitang-kita niya ang kabuuan ng mukha ng lalaking nakaharap sa kaniya. Napangisi ito na para bang hindi makapaniwala sa tanong niya. "Ang bilis mo namang makalimot... Kahit na hindi kita noon nakita na nagtatago, alam kong ikaw ang kapatid ni Veronica. Ikaw lang ang nag-iisa niyang kapatid." Ngayon ay mas lalo niyang naiintindihan ang buo nitong sinabi. Ang boses nito, ang mala-demonyong ngiti nito, lahat ay pamilyar sa kaniyang nakaraan. "Hindi ko alam ang s-sinasabi mo!" sigaw niya dito. Kung tama nga ang kaniyang hinala ay dapat nga siyang matakot dahil alam niyang nasa panganib ang kaniyang buhay. Ayaw niyang paniwalaan ang nakaraang bangungot na ngayon ay parang isang realidad para sa kaniya. "'wag kang magpanggap!" Kasabay ng pagsigaw nito ay marahas nitong hinablot ang kaniyang damit at naging dahilan iyon para bahagyang umangat ang kaniyang mga paa. Kitang-kita niya kung paano manlisik ang mga mata nito. Kahit na anong oras ay kaya nitong gumawa ng isang bagay na alam niyang ikapapahamak niya. "S-sino ka?!" Imbes na sumagot ay sumigaw rin siya. Dahil sabgalit nito ay marahas siya nitong sinuntok sa tiyan at naging dahilan para maramdaman niya ang matinding pag-inda ng sakit. Ngayon ay sigurado na nga siyang ito ang taong pumatay sa kaniyang kapatid. Naramdaman na lamang ni mang Tonio ang sarili sa sahig dahil sa matinding pagsuntok nito. Kung noon ay halos matakpan ng itim na tela ang mukha nito, pero ngayon ay lantad ang mukha nito kaya nasisiguro niyang matutukoy na niya kay Paris at sa mga kapulisan kung sino ang pumatay sa kaniyang kapatid. "Wala ka pa rin bang naaalala, tandang Tonio?!" Akmang lalapit ito nang maisipan niyang sumigaw ng malakas. "Tulungan niyo ako!!!" Nagulat siya nang maging mabilis ang kilos nito. Agad nitong isinara ang pinto at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bibig. Alam ni mang Tonio na kahit na anong pagpupumiglas niya ay wala siyang laban sa lakas nito. "Alam mo tanda, hindi sana kita pupuntahan dito kung mas pinili mo na lang na manahimik at magpakalayo-layo! Pero anong ginawa mo?! Pumunta ka pa talaga sa mga pulis at nagsumbong! Ngayon harapin mo ang katahimikan na dapat noon ko pa binigay sa 'yo." Takot ang namutawi sa mukha nu mang Tonio habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng lalaki. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa kaniyang bibig at sa lapit ng mukha nito ay hindi niya kailanman makakalimutan kung paano nito patayin ang kaniyang kapatid na babae. Sa huli niyang galaw ay ginamit niya ang buong lakas para magpumiglas pero tanging bibig lamang niya ang nakawala mula sa pagkakahawak ng lalaki. "Ikaw ang pumatay kay Veronica!" mariin niyang saad dito. Muli niyang nakita ang pagngisi nito at saka pinanatiling kalmado ang sarili nang sagutin siya nito. "Ako nga." Mas lalong namilog ang kaniyang mga mata sa takot. Balak pa lamang niyang gumawa ng isang malakas na sigaw pero mahigpit ulit nitong hinawakan ang kaniyang bibig. Gamit ang isang kamay nito ay sinigurado nitong hindi makakawala ang kaniyang dalawang kamay mula sa lalaki. Ang bigat ng katawan nito na kasalukuyan naka-dagan sa kaniya ay mas lalong nagbigay ng hirap para hindi siya makagalaw. Nang sandaling tanggalin nito ang kamay sa kaniyang bibig ay saka siya sumigaw ng malakas. "TULOOOOOOOONG!!!" Halos nagbigay iyon ng hudyat sa mga kapitbahay para maalarma ang mga ito na may nangyayaring masama kay mang Tonio. Ngunit huli na ang lahat nang makita niya itong may kung anong bagay na hinugot mula sa gilid ng pantalon nito. Isang baril ang kaniyang nakita. Mabilis ang pangyayari. Agad itong tumayo at saka nagbigay ng huling mga salita. "Dito na nagtatapos ang 'yong nalalaman, tandang Tonio." Walang alinlangan nitong pinutok ang baril kay mang Tonio na agad din namang tumama sa gitnang bahagi ng dibdib nito. Ang lahat ng tao ay naalarma dahil sa pagputok ng baril pero huli na ang mga ito nang tuluyang makatakas sa bahay ni mang Tonio ang lalaki. **** Pinanatiling kalmado ni Gilbert ang sarili. Pinaniwala niya si Paris na mayroon siyang trabaho pero ang hindi nito alam ay hinahanda lamang ni Gilbert ang sarili para sundan niya ito. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong pupuntahan si Paris at Grecian. At hindi nga siya nagkamali. Nakita na lamang ni Gilbert ang sarili na tahimik na sinusundan ang dalawa. Kailangan niyang malaman kung mayroon bang namamagitan sa dalawa. Kailangan niya rin malaman kung may tinatago ba si Paris na hindi niya alam. Hindi rin naman nagtagal at napansin niyang huminto ang sasakyan ni Grecian sa isang bahay ampunan. Habang nakasakay sa kaniyang kotse at nagtatago sa kung saan ay maigi niyang pinagmamasdan kung saan papunta ang dalawa. Pumasok ang mga ito sa loob ng bahay ampunan at napansin niyang may okasyong nagaganap kaya mas lalo iyong nagbigay ng tanong sa kaniyang sarili. Anong gagawin nila do'n? Natapos ang ilang minuto at napagdesiyunan niyang lumabas ng kotse para sundan ang dalawa. Tahimik lamang siyang nakamasid habang abala ang dalawa sa pakikipagkumustahan. Hindi niya alam na may mga kakilala pala si Paris sa bahay ampunan. Napaisip siya na baka ito na rin lang ang ibang pinagkakaabalahan nito bukod sa pagtatrabaho. Nakita ni Gilbert na kinarga ni Grecian ang bata habang napansin naman niya sa 'di kalayuan si Paris na nakikipaglaro sa mga bata. Bahagya siyang nagitla nang maramdaman ang pagpara ng isang sasakyan malapit sa kaniyang kinatatayuan kaya agad siyang humanap ng mapagtataguan. Mabuti na lang at nagawa niya iyon bago pa man siya makita ng tao sa loob ng kotse. Isang babae ang lumabas sa kotse at diretsong tinungo ang loob ng bahay ampunan. Dahil sa pagtataka ay maigi niyang pinagmasdan ang mga susunod na nangyari. Ang lahat ng tao sa loob ng bahay ampunan ay nabigla nang maagaw ng babae ang atensyon ng mga tao. Hindi niya masyadong marinig ang mga sinasabi nito pero halatang si Paris ang pinuntahan nito. Dahil sa pagtataka ay hindi na siya nakatiis. Pumasok siya sa loob ng bahay ampunan nang hindi namamalayan ng mga tao. Hindi rin napansin ni Grecian at ni Paris ang kaniyang pagpasok. Nang saktong nasa loob na siya ay saka lamang niya narinig ang buong katotohanan sa kung anong mayroon kay Paris at Grecian. Nalaman din ni Gilbert na Helen ang pangalan ng babae. Sobra ito kung magalit. Nang makaalis ang babae ay saka nabigyan si Gilbert ng pagkakataon para muling sundan kung saan patungo ang dalawa. Ganoon na lamang ang kaniyang panlulumo nang makita kung paano umiyak si Paris. Parang may kung anong karayom ang tumutusok sa kaniyang dibdib habang pinapanood ito. Hindi sa kadahilanang nasasaktan ito dahil sa ginawa ng babae kundi nakita mismo ni Gilbert na nasasaktan si Paris dahil nahihirapan itong timbangin ang lahat ng sakit. Doon lang din niya nakita kung gaano kamahal ni Paris si Grecian. Ngayon na alam na niya ang lahat ay wala na siyang pag-asa sa kaibigan. Hindi niya alam kung paano siya magsisimulang kalimutan ang pagmamahal para dito na parang imposible rin naman niyang magawa. Mas pipiliin niya ang kaligayahan ni Paris. Kung bibigyan lang siya ng pag-asa para mapasa-kaniya ito at hayaan na mahalin ito ay matagal na niyang ginawa. Pero hindi iyon ang kaniyang pagkatao. Kahit na gaano pa niya kamahal si Paris kung hindi pareho ang kanilang nararamdaman ay mauuwi pa rin sa alanganin kung sila ang magkakatuluyan. Mas pipiliin na lamang niyang maging masaya ito sa iba. Sa ganoong bagay ay makikita pa rin niya ang mga ngiti nito kahit na alam niyang hindi na siya ang maging dahilan niyon. Unti-unti niyang tinuruan ang mga paa na lumayo at gumawa ng ilang hakbang paatras hanggang sa harapin na niya ang paglayo mula sa kinaroroonan ng dalawa. Halos patakbo niyang ginawa iyon hanggang sa marating na niya ang kaniyang sasakyan. Sandali siyang huminto at ramdam ang sakit habang iniisip ang mga bagay na alam niyang masasaktan lamang siya. I'm willing to give up just for you happiness and when you're sad, I will always be your comfort... Kung hindi ka para sa 'kin, kung hindi ka sasaya sa 'kin, hahayaan kitang maging masaya sa iba kaysa ako ang maging dahilan ng kalungkutan mo... Hindi na napansin ni Gilbert ang ilang luha na pumapatak. Pinipigil niya ang kaniyang sarili na hindi masaktan pero kusa iyong lumalabas sa buo niyang pagkatao. Kahit na alam niyang hindi siya ang nilalaman ng puso nito ay nakahanda pa rin siyang mahalin ito pero sa ngayon ay mahirap tanggapin ang lahat ng nakita niya. Marahas niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at agad na sumakay. Binuhay niya ang makina ng kotse at saka mabilis na pinaandar iyon. Habang nagmamaneho ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaniyang lungkot. Ang akala niya ay mabibigyan ial ni Paris ng pagkakataon para mahalin ang isa't isa pero pilit na rumerehistro sa kaniyang utak ang buong katotohanan na hindi siya ang mahal nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD