CHAPTER EIGHTEEN *BHL: The Background*

2474 Words
"Paris..." Kanina pa ginigising ni Grecian si Paris pero hindi pa rin ito magising. Napansin niyang mahimbing ang tulog nito. Medyo sumasakit na rin ang mga mata niya. Ramdam niya ang puyat sa buong katawan. Napa-yuko naman siya at hindi niya maiwasan na titigan ito sa mukha. Pagkatapos ng ilang oras ay naramdaman niyang natutulog na ito sa tabi niya hanggang sa napasandal na ang ulo nito sa balikat niya. Dahil sa pag-aalala ay minabuti niyang bigyan ito ng espasyo at patulugin sa hita niya. Nagulat siya nang bigla itong gumalaw at sa hindi inaasahan ay i-siniksik nito ang mukha sa pagitan ng dalawang hita niya. Parang naramdaman niya ang sikip sa loob niya. Woah... Hindi niya mapigilan na isigaw sa isip niya. "Paris, gising na..." Hinawakan niya ito sa braso at marahan iyong ginalaw. Narinig niya ang mumunting paghilik nito. Hindi iyon masakit sa tainga. Para iyong huni ng ibon na maririnig sa umaga. I-pinagpatuloy niya ang paggising dito hanggang sa lumipas ang ilang minuto at naalimpungatan na ito. Pagkatapos nitong kusutin ang mga mata ay saka lang nito napansin na nakatulog pala ito sa hita niya. Bigla naman itong bumangon. "'Andito na tayo," untag niya dito. Napansin niyang nakahawak ito sa gilid ng bibig nito at nakita niya ang pamimilog ng mata ni Paris habang nakatitig sa kaniya. Napakurap-kurap naman ito bago magsalita. "Aah, A-'andito na tayo?" He noticed the hoarsely voice from Paris. "Oo," nakangiti niyang tugon dito. Tila biglang may sumagi sa isip nito dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Pasensiya na hindi ko sinasadyang makatulog, Pasensiya na–" "Ayos lang... Gisingin na natin sila Henry at Sarah?" Pagkatapos niyang magsalita ay saka ito tumango sa sinabi niya. Maagap itong kumilos. Bumaba ito ng sasakyan at saka binuksan ang pinto sa likod ng sasakyan para gisingin ang dalawa. Bumaba naman siya ng sasakyan at maiging pinagmasdan ang buong paligid. Ramdam niya ang lamig ng hangin lalo na at madaling araw pa lang sila nakapunta sa Alegria. Huminga siya ng malalim. Matagal na din bago siya makapunta ulit sa lugar. Hindi niya gusto ang ideya ng kaniyang ama kapag pinapauwi siya nito sa Alegria. Ito ang isa sa pinaka ayaw niyang gawin. Ang umuwi. Alam niya sa sarili na hindi siya para sa lugar na ito. Nasa labing walong taong gulang pa lang siya nang umalis ang kaniyang ina sa Alegria. Hindi niya alam kung ano ang naging dahilan nito at hindi man lang nag-aksaya ng panahon para kausapin siya bago umalis. Alam niyang hindi ganoon ang kaniyang ina dahil palagi itong nakaalalay sa kaniya. Malapit ang loob niya dito pero nang umalis ito ng walang paalam, ay hindi niya lubos maisip na madali pala siya nitong kalimutan. Sa mga taon na lumipas ay sinubukan nitong tawagan siya at magpadala ng mensahe gamit ang social media. Pero dahil sa galit niya ay hindi na niya ito kinausap pa. Ni hindi niya alam kung ano ang naging rason ng mga magulang niya kung bakit naghiwalay ang mga ito. Sa tuwing umuuwi siya sa Alegria ay naalala lamang niya ang madalas na hindi pagkakaintindihan ng kaniyang mga magulang noong magkasama pa ang mga ito sa iisang bubong. Kahit na madalas ay hindi niya alam kung ano ang pinag-aawayan. Muling nagtagpo ang mga kilay ni Grecian habang nakatitig sa mga naglalakihang puno sa paligid. Napatingin siya sa harap ng mansyon nila. Maliban sa pintura na kulay abo, ay napansin niya rin ang mga bagong tanim malapit sa mansyon. Pero hindi pa rin nagbabago ang desinyo niyon. I-pinasok niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya at saka napa-buntonghininga. This is a real bad idea. Haaayst... Hindi mapigilan ni Grecian na magreklamo sa isipan niya. Wala rin naman siyang magagawa. Ama niya ang sumuporta at nagsusustento sa mga pangangailan niya noong nag-aaral pa siya. Kahit na alam niyang tutol ito sa pagmomodelo niya ay napapayag niya rin ito sa gusto niyang gawin sa buhay. "Grecian..." Bigla siyang napalingon nang may tumawag sa pangalan niya. Ngumiti naman siya kay Paris. Nagsalita ulit ito. "Sa inyo ba 'to? Grabe... Ang laki naman..." I-nilibot nito ang paningin sa buong paligid. Napansin naman niyang pumupungas ang dalawang bata. Halatang kakagising lang ng dalawa. "Aah, oo... Sana magustuhan niyo dito." Nakaramdam siya ng hiya nang sabihin niya iyon. Alam niyang mali na dinadamay niya si Paris sa problema niya pero kailangan niya ito. Kailangan niya ng tulong nito. Hindi niya maiwasan na mag-isip. Imbes na iwasan ito dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ay parang mas lalo lang siyang nagiging interesado na kilalanin si Paris. "Nakakainis!" Biglang itong napatingin sa kaniya. Nagulat naman siya sa ginawa nito. "H-ha? Bakit?" bigla niyang tanong. "Sana ginising mo ako. Eh 'di sana nakita ko ang lugar na 'to kanina sa daan pa lang." He pouted his lips. Ngiti lang ang i-tinugon niya dito. "Señorito Chaaaaaan!" Mula sa pintuan ng mansyon ay isang malakas na tili ang narinig nila. Sabay silang napalingon ni Paris. Kahit na malayo ay kilala niya ang boses na iyon. **** "Señorito Chaaaaaan!" Nagulat si Paris nang biglang may sumigaw. Sabay silang napalingon ni Grecian. Kasama niya ang dalawang bata at nakakapit ito sa magkabilang kamay niya. Tila nagulat naman ang dalawa nang may sumigaw. " Aling Boninay?!" biglang sambit ni Grecian nang makalapit ang babae sa kanila. Sa tantiya niya ay magkasing tanda ito ng tita luming niya. Agad na napakapit sa braso ni Grecian ang babae. "Ay naku! Señorito Chan, nandito ka nga! Akala ko, nananaginip lang ako." Mahigpit ang pagkakahawak ng babae at saka nakita niyang yumakap ito. Napangiti siya sa inasal nito. "Kakausapin ko lang si dad... Hindi rin kami magtatagal dito." Pinilit ni Grecian na ngumiti at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Paris. Bigla namang nalukot ang mukha ng babae. "Ay naku! Kakadating mo lang, pag-alis agad ang sinasabi mo diyan." Nalungkot ang boses nito. Napangiti naman si Grecian pero halata niya pa rin na pilit lang iyon. Napatingin sa kaniya ang babae at saka bumaba ang paningin sa dalawang bata. Ngumiti ito. "Aba! May kasama ka pala, Señorito... Sino po sila?" Naramdaman ni Paris ang tuwa nito sa boses habang tinatanong nito si Grecian. Napatingin naman si Grecian sa kaniya at saka ngumiti. "Siya si Paris. Sila naman si Henry at Sarah. Mga kaibigan ko sila. Si Paris ang isa sa magiging investors dito sa Alegria." Paliwanag naman nito sa babae. "Ay! siya nga?! Naku, mabuti at nagsama ka ng mga kaibigan mo," natutuwang sabi nito at saka lumapit sa kaniya. Ngumiti ito kay Paris at agad na kinausap ang dalawang bata. "Kumusta kayo? Ako pala si aling Boninay niyo... Naku, siguradong matutuwa kayo dito. Marami kayong magiging kalaro dito sa Alegria." Hindi nito mapigilan na kurutin ang mga pisngi ng dalawang bata. Nakita niyang natutuwa naman ang dalawa sa ginagawa ng babae. "Aling Boninay, pakisabihan mo na lang ang mga trabahador na dalhin ang mga gamit namin sa loob ng bunk house. Pati na rin ho 'yong mga gamit ni Paris." Pagkatapos nitong magsalita ay saka siya nito tinitigan. "Sige po, Señorito," agad na sagot nito. "Sige, maraming salamat. Paris, sumunod ka sa 'kin para makita mo naman ang loob ng mansyon. Si aling Boninay na ang bahala kina Henry at Sarah." "O sige, Henry, Sarah, sumunod lang kayo kay aling Boninay ha?" bilin niya sa dalawang bata. Tiningnan naman niya ang babae at saka ngumiti. Nakita niyang nagsimula nang maglakad si Grecian papasok sa mansyon. Mabilis niya itong sinundan. Mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid. Hindi siya makapaniwala na makakakita siya ng ganito kagandang lugar. Natanaw niya sa 'di kalayuan ang mga kabayo. Namamangha siya sa mga ito. Halatang hindi nagpapabaya ang may-ari sa pag-aalaga ng mga hayop. Napansin din niya ang ingay ng mga kambing kaya napatingin naman siya doon. Mas marami iyon kumpara sa mga kabayo na nasa kalahati lang ang dami. Ramdam niya ang katamtamang init at liwanag na dala ng pataas na araw sa mataas na bundok. Sinamantala niya ang pagkakataon na langhapin ang preskong hangin. Napahinto siya at napapikit. "Nagustuhan mo ba?" Nagulat siya nang magsalita si Grecian. Nagdilat siya ng mga mata at saka i-pinukol ang tingin sa lalaki. "Maganda naman dito." Nag-iwas siya ng tingin. "Kung sa tingin mo, eh 'di, maganda." Napansin niyang hindi ito nag-abala na tingnan ang lugar. Alam naman niyang hindi ito masaya sa pag-uwi nito. Maliban sa ayaw nitong mamahala sa dalawang rancho ay hindi na niya alam kung ano pa ang dahilan nito. Siguro ay hindi lang talaga ito mahilig sa likas na ganda ng kapaligiran. Siguro ay nasanay ito sa buhay sa manila lalo pa at isa itong sikat na modelo. "Bakit? Hindi ka ba nagagandahan dito?" biglang tanong niya dito nang mapansing malalim ang iniisip nito. "Hindi naman sa gano'n... Ayoko lang talaga na kausapin ako ni dad at pilitin na ipamana ang Alegria pati na ang isa pang rancho sa San Agustin." Huminto ito sa paglalakad. "Ayaw mo no'n? Sikat ka na, sobrang yaman mo pa," sabi niya dito habang i-nililibot pa rin ang paningin sa buong lugar ng Alegria. "Hindi naman 'yon ang sukatan para maging masaya ako." Naramdaman ni Paris ang lamig ng boses ni Grecian kaya napahinto siya. "Sabagay," Tanging nasabi niya na lang. Muli itong naglakad. Sinundan niya naman ito hanggang sa maka-pasok na nga sila sa loob ng mansyon. "Pasensiya kana ha? Dinala kita dito para diretso nating makausap si dad. Just be ready. Hindi mo kailangan na magsalita. Kailangan lang ng presensiya mo para mapaniwala ko si dad na investor kita." Ikina-gulat ni Paris ang sinabi nito hindi niya alam na kakausapin nila kaagad ang ama nito. Wala naman itong binanggit sa kaniya tungkol doon. "Hanggang kailan mo ba gagawin ang manggulat sa mga kagaya nitong pag-uusap?" Hindi na niya napigilan na banggitin ang nasa isip niya. "Pasensiya na Paris... Basta kailangan lang natin makausap si dad, ngayon. Hindi rin naman tayo magtatagal," paliwanag nito. Alangan siyang tumango. Napahinto sila sa isang pinto ng kwarto. Makintab at gawa sa matibay na kahoy ang pinto. Napatingin siya kay Grecian nang magsalita ito. "Pasensiya ka na talaga, Paris. Pero sa ngayon, kailangan ko ng tulong mo." Naramdaman niya ang sinsiredad nito sa sinabi. Napatango naman siya. "'Wag ka nang mag-alala... Naiintindihan ko naman." Pagkatapos niyang magsalita ay ngumiti ito at saka marahang binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang isang malaking library room. I-nilibot niya ang paningin habang dahan-dahan na pumapasok sa loob ng kwarto. Sa pagkakaalam ni Paris ay mga libro iyon tungkol sa pagpapalago sa negosyo kabilang na ang pagpapalaki at pagpapalahi ng mga hayop. Napansin din niya sa 'di kalayuan ang libro tungkol sa Leadership at Entrepreneurship. Halos lahat ng uri ng libro na may kinalaman sa negosyo ay naroon. "Dad?" Marahan siyang napatingin kay Grecian nang magsalita ito. Nakita niya ang isang lalaki sa isang study table at napansin niyang abala ito sa pagbabasa. Napatingin ito sa kinatatayuan nila ni Grecian at saka tinanggal ang suot nitong salamin. Kahit simple lang ang suot nitong damit ay makikita pa rin niya ang dating nito bilang isang tagapamahala ng lugar sa Alegria. "Lumapit ka dito." Pagkatapos sila nitong tingnan ay agad din naman nitong i-binalik ang atensyon sa ginagawa. "Tara?" Agad siyang tumingin kay Grecian nang magsalita ito. "Sige," tugon niya dito. Nagsimula naman silang lumapit dito. Habang papalapit sila, hindi niya maiwasan na kabahan. "May kasama ka pala," untag ng matanda. Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin sa kanilang dalawa. "Dad, I already told you, my investor will be with me. Did you forget about it?" agad na tugon ni Grecian. Nang mag-angat ito ng tingin ay tumama agad ang paningin nito kay Paris. "I'm sorry, I forgot." Nakatitig pa rin ito sa kaniya at maiging tinititigan ang kabuuan niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya kaya napaiwas siya ng tingin mula dito. Siguro ay naging pamilyar na rin dito ang mukha niya noong makita siya nito sa labas ng bahay niya sa unang pagkakataon. Narinig naman niyang napa-buntonghininga si Grecian at saka ito nagsalita. "Well, this is Paris Zamora, His father–" nagsisimula pa lang na magpaliwanag si Grecian nang biglang magsalita ang ama nito. "Francis Zamora?.." Nabigla naman silang dalawa sa sinabi nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Grecian. Hindi lingid sa kaalaman ni Grecian na kilala nito ang ama ni Paris dahil si Paris mismo ang nagsabi niyon dito. "P-pano niyo ho nalaman?" takang tanong niya dito. Bigla itong napatayo at saka naglakad at tumingin malapit sa bintana. "Noong college pa kami, naging magkaklase kami sa dalawang subjects. Naging magkaibigan kami. Pero noong nagkaroon na ako ng trabaho, hindi na kami nakapag-usap. Habang nasa trabaho ako no'n, nabalitaan ko na lang na namatay siya sa isang aksidente kasama ang asawa niya." Lumingon ito sa kanila at nakita niya ang malalim na emosyon sa mga mata nito. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. "Kaya nang banggitin ng anak ko ang pangalan mo, hindi ako nagdalawamg isip na pumayag sa sinabi niya na isama ka dito. Gusto kong makita ang kaisa-isang anak ni Francis... At nang makita kita, talagang hindi ako nagkamali, pareho ang mga mata niyong dalawa." Marahan itong lumapit at saka bigla siya nitong niyakap. Nagulat siya sa ginawa nito. Mahigpit ang yakap nito sa kaniya. Isang gulat na mukha naman ang nakita niya kay Grecian. Pagkatapos ng ilang segundo ay bigla namang lumuwag ang pagkakayakap nito. Kumawala na ito sa pagkakayakap. "Dad, hindi kami magtatagal. Magpapahinga pa kami." Malamig ang boses ni Grecian nang magsalita. "Sige. I-papaayos ko na ang magiging kwarto ninyo. Teka, may kasama ba kayong mga bata?" Naging mahinahon ang boses nito. Napatango naman siya sa tinuran nito. "Si Henry at Sarah po," tugon niya dito. "Dad, hindi kami matutulog dito sa mansyon. I-pinaayos ko na ang bunk house. Malapit lang 'yon dito sa mansyon." Biglang nagsalita si Grecian. Tiningnan niya ito at tiim-bagang itong napatingin sa ama nito. "That bunk house is too small for all of you–" "Magkakasya kaming apat doon, dad." walang emosyong tugon ni Grecian. Tumingin muna ito sa kaniya bago nito i-pinukol ang tingin sa ama. Nakaramdam siya ng lungkot nang makita ang ekspresyon ng matanda. Halatang wala itong magawa kundi sundin ang gusto ng anak. Nagulat siya nang biglang hawakan ni Grecian ang kamay niya at agad na nagsalita. "We have to go. Magpapahinga muna kami." Pagkatapos nitong magsalita ay saka ito sumenyas gamit ang kilay nito na lalabas na sila. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. "Mauuna na po kami," nahihiyang paalam niya sa matanda. Ngumiti lang ito sa kaniya. Umalis sila ng kwarto na hawak pa rin ni Grecian ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD