CHAPTER TWENTY *BHL: Serve*

2467 Words
"'Ayan luto na lahat." Napangiti naman si Paris sa sinabi ni aling Boninay. Pakiramdam niya ay parang may piyesta sa lugar sa dami ng handa. Nagdadalawang isip siya kung mapapansin ba ni Grecian ang niluto niya para dito. Muling nagsalita si aling Boninay. "Oh siya, umupo ka na lamang dito Paris. Ako na ang tatawag kay Señorito at sa dalawang bata." "Hindi aling Boninay, ako na ho ang tatawag sa kanila," nakangiting sabi niya dito. "Sigurado ka?" Tumango siya dito bilang tugon. Nagsalita ulit ito bagos iya umalis. "Sige, ako na ang bahalang maghanda ng mga pagkain. Basta papuntahin mo na sila dito ha?" "Sige ho aling Boninay." Pagkatapos niya itong kausapin ay agad naman siyang umalis sa mansyon. Hindi pa nagtatatlong minuto nang marating niya ang bunk house. Nang makapasok siya sa loob ay mabilis niyang tinungo ang higaan nito. Naabutan niyang nakikipag-usap ito sa dalawang bata. Gising na pala siya... Napangiti siya sa naisip. Hindi siya napansin ng mga ito dahil abala sa pag-uusap. Nasilayan niya ang mga ngiti nito. "Kakain na tayo, tara na?" Sabay-sabay itong napatingin sa kaniya. "Sige, tara kain na tayo," masiglang tumayo si Grecian mula sa higaan at saka lumapit sa kaniya. "Ako na ang bahala. Tatawagin ko nablang si aling Boninay para ipaghanda tayo ng pagkain natin–" "Nakahanda na ang pagkain sa mansyon, Grecian... Hindi ba tayo pupunta do'n?" biglang tanong niya dito. Napahinto ito sa kinatatayuan. Naging seryuso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "Hindi tayo kakain do'n. Dito lang tayo." Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis itong lumabas ng bunk house. Nakakainis na talaga! Anong bang problema niya?! Halos magtagpo ang mga kilay ni Paris. Napatingin naman siya sa dalawang bata na hindi alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga mukha. Bumuntonghininga siya bago magsalita. "Dito na lang tayo kakain ha?" Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kaapektado pati ang boses niya nang sabihin niya iyon sa mga bata. Lumapit naman ang dalawa at saka siya niyakap ng mga ito. Nabigla siya sa ginawa ng dalawa. "Oh? Anong meron at bakit parang ang lambing niyo ngayon?" takang tanong niya habang nakahawak ang magkabilang braso niya sa dalawang bata. "Wala lang po, kuya Paris... Masaya lang kami kasi ikaw ang naging kuya namin." Pagkatapos na magsalita ni Henry ay mas lalong humigpit ang yakap nito gayun din si Sarah. "Masaya din ako kasi nakilala ko kayo... Basta magpapakabait kayo lagi at sa susunod na taon, kailangan niyo nang pumasok sa school ha? Para matupad niyo ang mga pangarap niyo." Agad na kumawala ang dalawa sa pagkakayakap mula kay Paris at natatarantang nagsalita. "Totoo kuya?!" bulalas ni Henry. "Papasok na kami sa school?!" Halos hindi naman makapaniwala si Sarah. Napangiti siya sa inasal ng dalawa. "Oo naman... 'Wag kayong mag-alala, ako na ang bahala sa pag-aaral niyo. Matagal ko nang pinagplanuhan 'yon eh." Habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa mga bata, hindi niya maiwasan na maging emosyonal para sa mga ito. Bigla siyang niyakap ng dalawa. Ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kaniya bilang isang nakakatandang kapatid kahit na alam niyang hindi sila magkaka-dugo ay alam niyang mahal siya ng mga bata. Sabay-sabay silang napalingon nang bumukas ang pintuan ng bahay. "Aling Boninay, pakilagay na lang ang lahat ng 'yan dito sa mesa," sabi ni Grecian nang makapasok na ito sa loob. Napatingin naman ito sa kaniya at saka pilit na ngumiti. Ano bang problema nito? Hindi maiwasan ni Paris ang magtaka. "Señorito, dinala ko na rin po dito ang niluto ni Paris para sa 'yo." Bigla siyang napatingin sa babae nang magsalita ito. Sa sandaling iyon ay parang nakaramdam siya ng hiya. Hindi niya alam kung magugustuhan nito ang niluto niya. Napangiti naman si aling Boninay sa kaniya habang inilalapag nito ang niluto niya. Napansin niyang kasama din nito ang tatlong babae na may dala ring mga pagkain. "H-ha? Nagluto si Paris? Aling Boninay bakit niyo naman hinayaan na gawin 'yon ni Paris? Bisita ko siya at hindi ko siya dinala dito para magtrabaho!" Natahimik ang babae sa pasigaw na sabi nito. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Paris dahil sa inis na nararamdaman. Bakit sobrang sama ng ugali nito?! Wala manlang ba 'tong appreciation?! Galit na napaisip si Paris. Hindi na siya makatiis. Lumapit siya sa babae at marahang tinapik ang balikat nito. "Ako na ho ang bahala dito, aling Boninay. Pakilagay na lang po ng mga pagkain sa mesa at ako na pong baha–" Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Paris nang biglang sumingit sa usapan si Grecian. "No. Paris let them do their job," walang emosyong sabi nito. Kahit na alam niyang nagagalit na siya sa isipan niya, kailangan niya pa ring kumalma dahil nasa tabi lang niya ang mga bata at ayaw niyang magmukhang masama sa harap ng mga trabahador sa rancho. Nginitian niya ang babae. Mahinahon itong sumenyas sa mga kasama nitong katulong at maagap namang sumunod ang mga ito. Inilapag ng mga ito ang mga pagkain at pagkatapos ay mabilis na umalis sa loob ng bahay. "Henry, Sarah, tara? Kain na tayo?" Marahan niyang hinawakan ang dalawang bata at pinaupo. Nagsimula silang kumain pero hindi man lang niya tinatapunan ng kahit isang tingin si Grecian. Masama ang loob niya dito. Walang nagsasalita maliban sa dalawang bata na nag-uusap tungkol sa lugar sa Alegria. Ilang minuto ang lumipas at nagpaalam ang dalawa kay Paris at Grecian. "Kuya Paris, sa labas na muna kami ni Sarah ah? Maglalaro lang kami," nakangiting paalam ni Henry kay Paris. "Sige, basta 'wag kayong lalayo dito sa rancho ah? Hindi niyo pa kabisado ang lugar na 'to." "Opo, kuya Paris." tugon naman ni Sarah. Lumapit naman ang dalawa kay Grecian. "Kuya Grecian, sa labas lang po kami ni Sarah." paalam ni Henry. "Sige basta ingat kayo ah?" Bahagyang ginulo nito ang buhok ni Henry. Nang makalabas ng bahay ang dalawa ay wala pa ring may gustong magsalita. Tila nagpapakiramdaman sila kung sino ang may gustong sabihin. "Erhm, salamat pala dito ah." Napatigil sa pagkain si Paris nang magsalita ito. Dalawang bakanteng upuan ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Napatingin siya dito. Nakita niya na halos maubos na nito ang niluto niyang sinigang. "Okay lang," tugon niya dito at mabilis na itinuon ang atensyon sa pagkain. "Bakit parang ang tahimik mo 'ata?" tanong nito habang abala sa pagkain. "Wala," walang emosyong tugon niya dito. Naramdaman niyang tapos na ito sa pagkain pero hindi pa rin ito tumatayo kaya napatingin siya dito. "Pasensiya na sa nangyari kanina. Hindi mo naman kailangan na ipagluto ako. Trabaho 'yon ng mga katulong. Nakakahiya lang na nag-abala kapa–" naputol ang sasabihin nito nang hindi na siya nakapag timpi na umangal sa sinabi nito. "Pero ginusto kong ipagluto ka. Inaalala kasi kita baka gusto mong mainitan ang sikmura mo. Pero bakit ang sama mong umasta? Pati ibang tao pinapagalitan mo? Hindi mo man lang naisip na maiinsulto sila sa trabaho nila dahil sa sinabi mo at sa harap ko pa mismo mo 'yon ginawa? Akala ko pa naman, matutuwa ka na ipinagluto kita pero kabaliktaran pala sa inaakala ko." Nagsimula siyang ligpitin ang pinagkainan niya at ng mga bata. Naging mabilis siya sa ginagawa. Nang matapos siya sa ginagawa ay parang nawalan siya ng gana na makausap ito. Nagsimula siyang umakyat sa hagdanan papunta sa taas nga kniyang higaan. "Saan ka pupunta?" untag nito sa kaniya. Napatigil naman siya sa pag-akyat at saka lumingon dito. "Eh 'di, matutulog." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at saka nagpatuloy sa pag-akyat. "Bumaba ka diyan, Paris," sabi nito nang makahiga na siya sa kama. Sobrang gaan sa pakiramdam para kay Paris na makahiga sa kama. Hindi niya magawang maipikit ang mata dahil pinapakiramdaman niya si Grecian kung mangungulit na naman ito sa kaniya. Narinig niya itong nagsalita ulit. "Paris, look, I'm sorry... It wasn't my intention to insult them. It just that, trabaho nila 'yon and I didn't mean to insult you too... Salamat sa niluto mo..." Hindi alam ni Paris kung ano ang mararamdaman. Nanatiling nakatitig siya sa kisame at pinapakiramdaman ang sasabihin ni Grecian. Hindi niya magawang tiisin na hindi sumagot sa sinabi nito. "Ang hirap kasi sa 'yo, ikaw na nga 'tong binibigyan ng malasakit, ikaw pa 'tong may ganang magalit. Subukan mo namang um-appreciate sa gawa ng ibang tao para sa 'yo." Hindi pa rin siya tumatayo mula sa pagkakahiga. Dahil sa sobrang katahimikan, narinig niya ang pagbuntonghininga nito mula sa baba. "Oo na, sorry na..." Dahil sa narinig ni Paris mula kay Grecian ay tila kusang napatayo ang katawan niya mula sa pagkakahiga. Naiinis si Paris sa nararamdaman niya. "Ano bang gagawin natin?" mahinahong tanong niya dito. Napatingin naman ito sa kaniya nang makita siya nito mula sa taas. "Ipapakita ko sana sa 'yo ang mga kabayo." "Sige, mauna kana. Susunod na lang ako." Napaiwas siya ng tingin mula dito. "Sige, hihintayin kita." Pagkatapos nitong magsalita ay saka ito nagsimulang maglakad paalis sa loob ng bahay. Napahiga ulit siya at mariing i-pinikit ang mga mata. Sa kabila ng lahat pinipilit niyang intindihin si Grecian. Lalo na ngayon na nalaman niya ang pagkatao nito. At mas lalo lang siyang nagkakaroon ng interes na alamin ang buong pagkatao nito. **** "Grecian." Napalingon si Grecian mula sa likod niya. Nasa kwadra siya at kasalukuyang kinakausap ang isa sa mga nag-aalaga at nagpapalahi ng mga kabayo. Nang matapos nitong i-report ang tungkol sa mga pangangailangan ng mga kabayo sa rancho ay saka ito nagpaalam para tingnan naman ang mga kambing. "Sige mang Renie, kayo na ho ang bahala sa mga kambing sa kabila," sabi niya dito. "Sige ho, Señorito ako na hong bahala. Mauuna na rin ho ako, Señor Raphael." Ngumiti ito sa kaniya at ganoon din sa taong nasa likod niya at saka umalis. "I thought you don't want to manage this ranch?" Nakatalikod pa rin si Grecian habang naniningkit ang mga mata. "Gusto ko lang malaman ang nangyayari dito sa rancho. 'Yon lang," Seryusong paliwanag niya sa ama at saka humarap dito. "I'll be honest to you, son. We don't need Paris to invest or any investors for our ranch in Alegria and in San Agustin. We can provide all things and–" Parang naririndi na ang pandinig ni Grecian dahil sinasabi ng ama kaya agad siyang nagsalita. "I know. He's my friend and I want him to invest–" "Just because he's your friend, you're going to decide on your own? Mahigpit ang patakaran ko dito sa rancho at hindi basta-basta nakakapasok ang ibang tao dito." Nangunot ang noo nito. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Nagpatuloy naman ang ama sa pagsasalita. "Alam kong ayaw mo dito at kahit na anong pigil ko na tumigil ka na sa trabaho mo, hindi ko magawa kasi nirerespeto ko ang desisyon mo. Pero kung rancho na ang gusto mong ilagay sa alanganin, hindi na ako makakapayag." Ramdam ni Grecian ang gusto nitong i-pahiwatig sa kaniya. Parang tinusok ng karayom ang dibdib niya dahil sa mga binitawan nitong salita. "Hanggang kailan mo gustong ilaan ang buong buhay mo dito sa rancho dad? Hanggang kailan mo gusto na tuluyan nang lumayo ang loob ko sa 'yo? Dahil dito sa rancho kaya nawala ang atensyon mo sa 'min ni mama. Hinayaan mo kaming lumayo sa 'yo." Sa sandaling iyon ay naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Napamaang ang ama ni Grecian at tila hindi nito alam kung ano ang dapat na sabihin. "G-greacian anak, patawarin mo–" Akmang hahawakan nito ang kamay niya pero mabilis na iniwas niya iyon. "Asikasuhin niyo na lang ang rancho, dad. Sa huling beses, naisip kong dumalaw dito para kumustahin ka. Pero sa tuwing makikita ko ang rancho naalala ko lang kung paano mo kami pinagpalit ni mama dito, sa lugar na 'to." Dala ang sama ng loob na umalis si Grecian sa kwadra. Naiwan ang matanda na parang manlulumo sa lungkot na nararamdaman. **** "Maliban sa mga kabayo at kambing, ano pang mga hayop ang meron dito sa rancho ninyo?" Sa lawak ng sakop na lupain ng mga Gray sa Alegria ay parang hindi na mabilang ni Paris ang kabuuan ng mga hayop sa buong rancho. "Sa totoo lang, nandito sa Alegria ang mga kabayo at kambing. Nasa San Agustin naman ang mga alagang inahing manok na siyang pinaka unang pinagkukunan ng supply ng mga tindahan sa merkado," paliwanag nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Tinanaw niya kung saan ito nakatingin. Nakita niya ang ilan sa mga trabahador na nag-uusap sa isang kubo. Napansin niyang nananghalian pa lamang ang mga ito. Bumalik ang tingin niya kay Grecian. "Mukhang alam mo naman ang kalakaran dito sa rancho niyo. Bakit hindi mo subukan na mamahala dito? Pwede mo namang i-balanse ang oras mo sa pagmomodelo at pamamahala dito sa rancho–" Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Paris nang bigla siya nitong tapunan ng isang malalim na titig. "Ayoko. Ginusto ni dad na magkaroon nitong rancho, eh 'di, sa kaniya na 'to. Mas mahalaga 'tong lugar para sa kaniya kumpara sa anumang bagay." Parang halos malunok na ni Paris ang dila dahil sa titig nito sa kaniya. "Lahat ng tao may sariling rason kung bakit gumagawa ng isang desisyon na hindi sinasabi sa ibang tao o kahit sa mga mahal sa buhay. Pinipilit nilang i-tago sa sarili nila ang rason kung bakit. Dahil ayaw nilang makapanakit at kabilang ang dad mo do'n." Napatingin si Paris sa mga trabahador. Naging malalim ang iniisip niya. Pagkatapos nilang mag-usap kanina ay mabilis siyang kumilos para maabutan si Grecian hanggang sa makita niya itong naglalakad papunta sa kwadra ng mga kabayo. Mabilis niya itong sinundan. Napahinto siya bago pa makapasok. Nagulat siya nang makita ang ama nito. Sa simula at huli ay narinig ni Paris ang pag-uusap ng mag-ama. "Bakit? Sa tingin mo Paris, may magandang rason si dad kung bakit sila naghiwalay ni mama? Kung bakit galit ako sa kaniya? Sa pagkakaalam ko, itong rancho lang ang i-pinaglaban niya pero hindi kami na pamilya niya." Nakaramdam siya ng hinanakit mula ditom "Subukan mong makipag-usap ng masinsinan. 'Wag mong daanin sa galit. Kaya hindi kayo magkakaintindihan dahil lagi mong inuuna ang galit mo," tugon niya dito. Napamaang ito at saka nagsalita. "Pag sinubukan ko ba, magiging masaya na ba ako?" Napangisi ito. "Hindi ka magiging masaya kung hindi mo matatanggap ang isang pagkakamali at lalong hindi ka magiging masaya kung alam mong nakakulong ka pa rin sa nakaraan." I-pinukol ni Paris ang atensyon kay Grecian. "Handa akong gawin 'yan." Nakatitig ito sa kaniya habang sinasabi iyon. Parang desidido ang mga mata nito gawin ang sinabi niya. Napaiwas siya ng tingin mula dito. Pagkatapos nitong magsalita ay nauna itong maglakad palapit sa mga trabahador. Sinundan naman niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD