CHAPTER FORTY TWO *BHL: To Gilbert*

3066 Words
Ilang beses nang nagpapaikot-ikot ng kotse sina Paris at Gilbert pero hindi pa rin nila mahanap kung saan nakatira si mang Tonio. Hindi sigurado si Paris kung tama ang address na ibinigay sa kanila ng pulis. "Kanina pa tayo nagpapaikot-ikot pero hindi pa rin natin mahanap kung nasaan ang bahay ni mang Tonio." Tila nawawalan na ng pag-asa si Paris nang sabihin niya iyon. "Let's get outside. Kailangan na siguro nating magtanong," suhestiyon ni Gilbert. Sinang-ayunan naman niya iyon kaya agad silang lumabas ng sasakyan. "Magtatanong na ako sa banda ro'n," saad niya kay Gilbert. Tumingin ito sa kaniya at saka tumango. Nagsimula si Paris na lumapit sa isang tindahan at doon ay naabutan niya ang isang binatilyo. Hindi siya nag aksaya ng oras para tanungin ito. "Ah, magandang araw," bati niya dito at saka siya nito napansin. Ngumiti ito bago magsalita. "Magandang araw rin po. May kailangan ka po ba?" naka-ngiting tanong nito "May hinahanap po kasi akong tao dito sa lugar niyo kaso nahihirapan akong hanapin kung saan ang bahay ni mang Tonio..." Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita nang biglang namilog ang mga mata nito at tila may naalala. "Si mang Tonio? Ay! Doon po sa may pangalawang iskinita ang daan papunta sa bahay niya." Dahil sa sinabi nito ay nabuhay ang kaniyang pag-asa na makita si mang Tonio. "Maraming salamat." Tumango ang binatilyo at saka umalis. Agad na hinanap ni Paris si Gilbert para sabihin nito ang kaniyang nalaman. Hindi nagtagal at nakita niya rin ito. Pero nagtaka siya nang makita ang isang lalaki na kausap nito. Kaagad siyang lumapit. Naramdaman namam ni Gilbert ang kaniyang presensya kaya agad siya nitong binalingan ng tingin. "M-may problema ba?" tanong niya kay Gilbert. Nagtaka si Paris kung bakit nakasimangot ang mukha ni Gilbert. "Paris... Wala na raw si mang Tonio... Noong nakaraang araw pa lang daw siya namatay." Halos hindi nito gustong sabihin iyon sa kaniya. Hindi alam ni Paris kung ano ang dapat na unang sabihin. "H-ha? H-hindi pwede... Kailangan natin siya." Parang nawalan na naman siya ng pag-asa dahil sa sinabi ni Gilbert. "Tinuro sa akin kung saan ang bahay niya, puntahan na natin," suhestiyon nito na agad naman niyang tinanguan. Kaagad niyang sinundan si Gilbert hanggang sa mapuntahan ang iskinita. Agad silang pumasok hanggang sa huminto sila sa isang bahay na may pinaglalamayan. Dinig na dinig ni Paris ang iyak ng ilan sa mga tao. Naagaw nila ni Gilbert ang atensyon ng mga tao hanggang sa may nag lakas ng loob para lapitan sila. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang nakaramdam ng takot at saka mahigpit na napakapit sa braso ni Gilbert. Kitang-kita ni Paris ang pag-aalala sa mukha ni Gilbert pero pakiwari niya ay sinisigurado nitong ligtas siya. "Ano ho ang kailangan nila?" Isang matandang babae ang lumapit at saka nagtanong. "Hinahanap po namin si mang Tonio," agad na sagot ni Gilbert. Mas lalong humigpit ang hawak ni Paris kay Gilbert nang makita ang pagtatagpo ng mga kilay ng babae. "Bakit niyo siya hinahanap?! Kamag-anak niyo ba siya?! Kung hindi, pwede na kayong umalis–" Hindi pa natatapos ang babae sa pasigaw na pagsasalita ay mabilis na nagsalita si Gilbert. "Kaibigan po namin si mang Tonio at may kinalaman siya sa kaso ng mga magulang nitong kaibigan kong si Paris," tukoy nito kay Paris. Hindi maintindihan ni Paris at Gilbert kung ano ang iniisip ng babae dahil parang nagdadalawang isip pa ito sa paliwanag ni Gilbert. "I-ikaw ba si Paris Zamora?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babae nang agad siyang tumango. Hindi na nito hinintay ang sasabihin ni Gilbert at kaagad na nagsalita. "Kailangan ko kayong makausap. Tara sa loob." Nauna itong pumasok sa loob ng tarangkahan at agad naman silang sumunod ni Gilbert. Nang marating nila ang loob ng bahay ay agad na tumambad kay Paris ang kabaong ni mang Tonio. Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon. Pakiramdam niya ay bumabalik siya noong nawala sa kaniya ang mga magulang. "Ayos ka lang?" untag ni Gilbert. Binalingan niya ito ng tingin at hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito. "A-ayos lang naman ako p-pero inaalala ko kung paano pa natin masosolusyunan ang kaso ng mga magulang ko–" "'yan din ang sadya ko, Paris." Sabay silang napalingon ni gilbert nang magsalita ang matandang babae. Nagyaya ito na maupo silang dalawa ni Gilbert malapit sa mesa kaya agad silang tumalima. "Anong ibig niyong sabihin?" diretsong tanong ni Gilbert. Bgao magsalita ang babae ay pinasadahan siya ng titig ng matandang babae. "Ako si Matilda. Matagal ko ng kilala si mang Tonio at dahil din sa pagkakaibigan namin ay halos sobra kalahati sa kaniyang buhay ang nai-kwento na niya sa akin. Kabilang na ang kwento ng pagkamatay sa kaniyang kapatid na si Veronica." Dahil sa pahayag ni Matilda ay awtomatikong nagpintig ang kaniyang mga tainga at tila nabuhayan ng pag-asa. "Nai-kwento na ho 'yon ni mang Tonio," tugon naman ni Gilbert. "Alam ko." Parang nagbigay ng kakaibang akba kay Paris nang sabihin iyon ni Matilda. "Gusto ko pong malaman ang lahat-lahat," pahayag niya dito. Huminga ng malalim si Matilda bago muling magsalita. Pero nang tingnan niya itong muli ay halatang nangingilid ang mga luha nito. "Noong nakaraang araw lang siya nawala. Ang huling nakita ay isang may-edad ng lalaki. Sigurado ako na siya ang pumatay kay mang Tonio dahil nakitaan itong may baril." Bahagyang napahikbi si Matilda. "Kung gano'n ay sinadya ang lahat ng ito para manahimik si mang Tonio," biglang sabi ni Gilbert. "Oo, tama ka," tugon naman ni Gilbert. "Ibig sabihin, posibleng kilala ako ng lalaking pumatay kay mang Tonio?" nangangambang tanong ni Paris. Marahan na tumango ang babae sa tanong niya kaya bigla niyang nasapo ang dibdib. "Paano namin malalaman kung sino ang taong pumatay sa kay mang Tonio?" agresibong tanong ni Gilbert. "'Yan ang hindi ko alam pero ang sigurado ako, siya rin ang pumatay sa kapatid ni mang Tonio na si Veronica," paliwanag naman ni Matilda. Pakiramdam ni Paris, habang tumatagal ay mas lalo siyang nalalapit sa katotohanan. Katotohanan na kaakibat ang matinding piligro sa kaniyang buhay. Nahindik siya sa mga iniisip. **** Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin makalimutan ni Jacob ang nangyari sa kanila ni Gilbert. Hindi sigurado si Jacob kung ano ang dapat na maramdaman. Alam niyang kaswal na pagtatalik lamang ang nangyari sa kanilang dalawa kaya dapat ay hindi na niya iyon isipin. Pero hindi naman niya iyon magawa-gawa. "Huy! Kanina ka pa tulala diyan!" Biglang nagising sa katotohanan si Jacob nang bigla siyang gulatin ni Nick. Sinamaan niya ito ng tingin. "Wala ka bang magawa?! I know you have a lot of schedules!" singhal niya dito pero ngumisi lamang ito na parang hindi man lang pinansin ang sinabi niya. Alam na alam ni Jacob kung gaano ka-haltak si Nick. "Don't get me wrong, I know there's someone who's with you last night." Awtomatikong napahinto siya sa pag-iisip nang sabihin nito iyon. "What the... Paano mo nalaman–" "You know me, Jacob." Agad itong kumindat at ngumiti ng nakakaloko. Hindi na nito hinintay ang susunod na sasabihin niya at saka umalis. Kasalukuyan siyang nasa loob ng sariling opisina at sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na rin niya alam kung bakit hindi niya napansin ang pagpasok ni Nick. "Kahit kailan talaga, Nick," tanging nasambit na lang niya. Pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila ni Gilbert ay hindi na naalis sa kaniyang isipan ang mukha ng binata. Patuloy siyang iniistorbo sa kahit na anumang bagay man ang kaniyang gawin. Dahil sa iritasyon ay hindi na rin siya nakapag pigil pa at agad din namang nagdesisyun na muling puntahan ang bahay ni Paris. Napangiwi na lamang si Jacob nang maisip ang pangalan ni Paris. Kahit kailan ay hindi magiging maganda ang presensya nito sa kaniya lalo pa at ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang isang proyekto niya bilang isang modelo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakatira si Gilbert sa bahay ni Paris. Halata naman na magkakilala si Gilbert at si Paris. Mas lalo lamang nadadagdagan ang kaniyang inis dahil sa katotohanang magkakilala ang dalawa. Nang makalabas si Jacob sa opisina ay kaagad niyang tinungo kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan hanggang sa makapasok na nga siya sa loob ng kotse. Mabilis niyang binuhay ang makina at saka walang anu-ano'y pinaandar ang kotse. **** "Sige bert, mauuna na ako sa loob." Tinanguan ni Gilbert si Paris at agad din naman itong pumasok sa loob ng bahay. Alam ni Gilbert na sobrang napagod si Paris sa kanilang lakad lalo pa at alam na nilang wala na si mang Tonio. Pero kahit na ganoon pa man ay nagpapasalamat sila dahil nai-kwento rin sa wakas ni Matilda ang lahat kay Paris. Nagbigay iyon ng panibagong hakbang kung paano nila sisimulan ang plano. Kasalukuyan siyang nasa labas at hindi alam kung ano ang dapat isipin sa mga nangyari. Alam niyang wala na siyang pag-asa kay Paris dahil sinabi na nito na si Grecian ang mahal nito. Napayuko siya at sa hindi inaasahan ay biglang sumulpot sa kaniyang isipan si Jacob. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kaapektado sa nangyari sa kanilang dalawa. Hindi rin siya sigurado kung dapat pa bang malaman ni Paris ang nangyari. "Ang lalim naman ng iniisip mo." Mula sa kaniyang likuran ay agad siyang nalingon. "Jacob?!" gulat na sambit niya sa pangalan nito. Napatawa ito sa reaksyon niya. "Miss me?" Ginamit nito ang mapang-akit na kindat hanggang sa maramdaman ni Gilbert na parang hinuburan siya nito sa tingin pa lang. Tinitigan niya ang kabuuan nito at doon lang niya naalala ang lahat. Kung paano niya patungan ang alindog ng katawan nito noong nakaraang gabi. Naalala niya ang bawat paglapat ng kanilang mga labi. "Say what?! Ano naman ang dapat kong ma-miss ko sa 'yo?–" "My body... I guess?" Ramdam na ramdam niya ang kumpiyansa sa sarili nito. Gustuhin man niyang sabihin dito na nag-enjoy siya sa ginawa nila pero pinipigilan siya inis niya. "And why would I?" Naningkit ang kaniyang mga mata at saka lumapit sa kinatatayuan ni Jacob. Sinadya niyang bigyan din ito ng kaakit-akit na mga titig. Hindi na niya hinintay ang tugon nito at agad niyang kinabig ang katawan nito palapit sa katawan niya kaya naramdaman niya ang init mula sa katawan nito. "Oh come on, Mr. Ramirez... Akala mo madadala mo ako sa pa-ganiyan-ganiyan mo?" tugon nito at walang alinlangan siya nitong siniil ng halik. Pakiramdam ni Gilbert ay may kung anong pananabik sa mga labi nito kaya hindi rin siya nagpatinag at tuluyang ipinasok ang kaniyang malikot na dila. Naramdaman niya ang pagbitaw nito sa kanilang ginagawang halikan. "I can't believe we're doing this..." humahangos na sabi nito. Nang makita niya ang mga mata nito sa malapitan ay doon lang rumehistro sa kaniyang utak na may kakaiba dito. Bawat pilantik ng mga mata nito sa kaniya ay lumalabas ang natural nitong ugali. Nakita ni Gilbert ang pag-iwas ng mga mata nito na hindi rin niya maintindihan kung bakit. Kung si Paris lang ang kaharap niya ay siguradong mas matatawa pa siya. "I believe we're doing this," tugon naman niya at saka napangisi. Nakita niyang sinamaan siya nito ng tingin dahil sa sinabi niya. "I won't deny, I like you. Yeah... But that's it, I just... Just like you." Natatawa si Gilbert sa pautal-utal na sabi nito. Hindi niya alam kung makakaramdam siya ng inis o tuwa dahil sa sinabi nito. "Me too... I enjoyed your body last night." Sinabayan niya ng kindat ang sinabi niya kaya nakita niya ang pagkainis nito. "No... We both enjoyed our bodies... Right?" Hindi siya makapaniwala na sasabihin nito iyon. Naisahan siya nito. "Leave," mariin na saad niya dito pero tinawanan lang siya nito. "Sure, I will. Pero gusto ko sana na i-date mo ako. I will expect that from you one of these days." Magsasalita pa sana siya pero agad itong umalis. Napatanga na lamang siya habang nakaawamg ang bibig. **** Siguro ito na ang tamang oras para gawin ang bagay na 'to... Mga ilang araw ko na rin 'tong pinag-iisipan... Napangiti si Grecian sa kaniyang naisip. Sigurado siyang magiging maganda ang kalalabasan ng kaniyang gagawin. "How's your day, babe?" masiglang tanong niya kay Paris nang makapasok ito sa kwarto. Nakita niya ang pagkagulat nito na hindi inaasahan ang kaniyang presensya. "Nanggugulat ka naman... Ang akala ko nasa trabaho ka ngayon... Nandito ka lang pala." Bahagya siyang natawa sa reaksyon nito pero kitang-kita pa rin niya ang pananamlay nito. "Ayos ka lang ba?" tanong niya dito at saka maagap na lumapit para hawakan ito. "Ayos lang ako babe," tugon nito at saka sabay silang napaupo sa kama. Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya pa rin ang pananamlay nito. "May nangyari ba?" muling tanong niya peri umiling lang ito at saka marahan na humiga. Hindi alam ni Grecian kung paano magsisimula sa sasabihin. Hindi siya pumasok dahil bumili siya ng isang bagay na gusto niyang makita ni Paris at mas maramdaman pa nito kung gaano niya ito kamahal. Napansin niyang nakatalikod na ito mula sa kaniya. Marahan niya itong tinabihan at saka pinaglandas ang kaniyang mga braso sa katawan nito. Naramdam niya na nagustuhan nito iyon dahil bahagyang isiniksik nito ang sarili sa kaniyang katawan bilang tugon. May kung anong tukso ang nagdala sa kaniyang sarili para masuyong hagkan ang batok nito. "May sasabihin ako..." Nagulat silang pareho nang marinig nilang ang isa't isa na sabay na nagsalita kaya bahagya silang napatawa. "Sige, babe... Mauna ka na." Kahit nakatalikod si Paris, alam niyang nakangiti ito nang sabihin nito iyon sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang boses at saka hinigpitan ang pagkakayakap na parang wala nang balak na pakawalan pa ito. "Gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal, Paris... Alam ko na hanggang ngayon ay tinatanong mo pa rin ang sarili mo kung paano tayo umabot sa gan'to pero isa lang ang sigurado ako... Mahal kita... Mahal na mahal," panimula niya. Wala ng pakialam si Grecian kung ano man ang kaniyang maging hitsura sa mga oras na iyon. Ang importante sa kaniya ay masabi niya dito kung gaano niya ito kamahal at maibigay ang dapat para sa kanilang dalawa. "Alam ko na 'yan, babe–" Hindi na niya ito pinatapos sa sasabihin. "Will you marry me?" Pakiramdam ni Grecian ay dinalaw siya ng matinding kaba nang sabihin niya iyon dito. **** "Will you marry me?" Kusang nanigas ang katawan ni Paris nang itanong iyon ni Grecian sa kaniya. Pagkatapos ng lakad nila ni Gilbert ay naramdaman niya ang pagod sa buo niyang katawan. Hindi niya magawang i-proseso sa kaniyang utak ang sinabi nito. Paulit-ulit iyong pumapasok sa kaniyang tainga. "P-paris? I said, will you marry me?" Sa pangalawang pagkakataon ay nagtanong ulit ito sa kaniya. Sa puntong iyon ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob para harapin ito. "G-grecian... A-anong sinasabi mo?" Hindi niya gustong saktan ang damdamin nito pero kailangan niyang magpaliwanag at maintindihan nito ang sasabihin niya. Ngayon niya pinagsisihan na pinauna niya ang gusto nitong sabihin. "You love me, right? I love you so much... Siguro naman... Doon din naman tayo papunta–" "I can't. I love you but right now, I can't say yes to you." Diniretso na niya ito at kitang-kita niya ang pamimilog ng mga mata nito. Alam niyang hindi nito aasahan ang sasabihin niya. "B-but why? Ang akala ko mahal mo ako?" Napabitaw ito mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Oo mahal kita, Grecian... Pero marami pa akong dapat na gawin..." Kinalma niya ang sarili at pinanatiling matatag ang kalooban. Pakiramdam niya ay unti-unti niyang dinudurog ang puso ni Grecian. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito. "Ano pa ang dapat mong gawin?" Nalilito ito at parang hindi nito alam kung saan siya nanggagaling. Hangga't hindi niya nakakamit ang tunay na hustisya, hinding-hindi niya magagawang maging maligaya sa piling ni Grecian. Kailangan kong maayos ang problema ko bago ko maisipan na magpakasal kay Grecian. Hindi madali ang lahat ng 'to... Nalulungkot siya sa sariling naiisip pero iyon ang dapat. "Tungkol sa mga magulang ko, babe... May kutob ako na buhay sila... May taong biglang sumulpot at sinabing hindi totoong namatay ang mga magulang ko," paliwanag niya dito. Dahil sa kaniyang sinabi ay naramdaman niya ang paggalaw ng kamay nito at hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang hawak nitong maliit at itim na kahon. "B-bakit ngayon mo lang sinabi?" May bahid ng pagtatampo sa boses nito pero mas natuon ang kaniyang atensyon sa hawak nito. "Ano 'yan?" Akmang hahawakan niya ang kamay nito pero mabilis nitong iniwas ang kamay niya. "Nothing. Forget what I just say..." Kahit ilang beses pa nitong itanggi na hindi ito apektado ay kusang nararamdaman iyon ni Paris. "Let me see," nag-aalalang saad niya dito pero naging matalim ang titig nito. "Kung sinabi mo ng mas maaga sa akin eh 'di sana ako ang kasama mo ngayon para tulungan ka sa kasong 'yan. Bakit kay Gilbert pa? Pwede mo namang sabihin sa 'kin–" "Ayoko nang dagdagan pa ang mga iniisip mo!" Naluluha na siya habang sinasabi niya iyon dito. "I'm your boyfriend! Ako dapat ang unang makakaalam niyan at hindi ang ibang tao! I have the right to be angry right now!" Ngayon lang naranasan ni Paris ang ganoong ugali ni Grecian pero naiintindihan niya ito at malaki ang punto nito sa sinabi. "I'm sorry..." Napayuko siya pero nakita niya pa rin na i-binulsa nito ang kahon. "Sasabihin ko na kay Gilbert na boyfriend mo ako. I should put him to his own place." Matigas ang pagkakasabi nito sa mga salita kaya agad siyang naalarma dahil hindi niya gusto na may mangyari na namang hindi maganda. "Sinabi ko na kanina sa kaniya, babe... 'wag ka nang magalit please..." Naramdaman ni Paris ang paggalaw ng kaniyang balikat. Nagsisimula na siyang humikbi. Ilang sandali siyang naghintay bago muling maramdaman ang paglapit ng katawan ni Grecian kaya muli niya itong tiningnan. "You did?" gulat nitong tanong sa kaniya. Ngumiti siya at saka masuyong hinalikan sa pisngi. "Sinabi ko sa kaniya kung gaano kita kamahal. Sinabi ko rin na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya... Gusto kong maging masaya kasama ka..." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mahigpit siya nitong niyakap. "Mahal na mahal din kita, Paris... Let me help you with your problem..." Nakita ni Paris ang ngiti ni Grecian pero hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga mata ang malalim nitong iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD