CHAPTER THIRTY FOUR *BHL: The Love Ride*

2178 Words
"Hindi ko alam kung kakayanin kita ngayon..." Napansin ni Grecian na habol ni Paris ang paghinga habang sinasabi nito iyon sa kaniya. Muli niyang idinampi ang kaniyang mga labi sa leeg nito at tila hindi niya iniintindi kung anong sinasabi nito. "I'm sure you can for the third time, babe..." anas niya na siya namang nagbibigay ng matinding sensasyon kay Paris. Naramdaman na naman ni Grecian ang panginginig ni Paris. Alam niyang nananabik na rin ito sa kanilang gagawin. Patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan. Habang tumatagal ay mas lalong nag-uumapaw ang kaniyang interes na masaksihan ang kahubdan ni Paris. "Even if it hurt me again, I'm willing to let you in," umaanas na banggit nito. Ngayon ay nadadala na niya si Paris sa kanilang nag-aalab na halikan. Bawat pikit ng kanilang mga mata, bawat galaw ng kanilang mga labi ay tila nagbabadya ng isang mainit na kalamnan mula sa kanilang kaibuturan. Naramdaman ni Grecian na inilalandas na ni Paris ang mga daliri nito sa kaniyang dibdib pababa. Mula sa dulo ng maiinit na daliri nito ay alam niyang pinapakiramdaman ang mumunting buhok sa baba ng kaniyang puson. Tila nagbigay ng isang kiliti ang ginagawang paghaplos ni Paris sa kaniyang ibaba. Naramdaman ni Grecian ang pagsikip ng kaniyang panloob na damit at tila may kung anong init ang gustong kumawala doon. "Please do... Let me in, babe... Let me in..." anas niya habang hindi niya pinapakawalan ang kaniyang bibig sa bibig ni Paris. Kasalukuyan niyang sinisiil ng halik si Paris pero hindi niya akalain na dahil sa kaniya ay natututong tumugon si Paris sa kaniyang mga halik. Mas naging mapusok si Grecian. Hindi niya mapigilan ang kaniyang damdamin kaya marahas niyang inilapit ang katawan kay Paris at nagkaroon siya ng pagkakataon na ibaba ang kaniyang pantalon kasabay ng kaniyang panloob na saplot. Nakita niyang napatitig si Paris sa kaniyang ibaba. Ganoon pa rin ang ekspresyon nito sa tuwing makikita nito iyon. Bahagya itong nagitla ngunit damang-dama niya ang malalagkit na titig nito sa kaniya na mas lalo lamang magbibigay ng dahilan para ipagpatuloy nila ang kanilang ginagawa. "Suot mo pala 'yang underwear na sinuot mo dati noong nag photoshoot tayo..." narinig niyang sabi nito. Isang marahang tango ang kaniyang itinugon. "I love you Paris." Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata at sa pagkakataong iyon ay hindi na hinintay ni Paris si Grecian. Nasaksihan ni Grecian ang mabilis na galaw ni Paris para hubarin ang suot nito kaya napangiti siya sa ginagawa nito. "I love you... I love you, Grecian." Pagkatanggal ng suot nitong damit at pantalon ay bigla siyang sinunggaban ng halik ni Paris. Pakiramdam ni Grecian ay nakalutang siya sa alapaap nang sandaling magkadikit ang kanilang mga balat. Nagbigay naman ng madaling posisyon kay Grecian ang ginawa ni Paris. Mahigpit niyang hinawakan ang likod ng magkabilang hita ni Paris at saka niya ito ipinatong sa kaniyang hita. Ngayon ay nagkatitigan silang dalawa habang naka-palibot pa rin ang magkabilang kamay ni Paris sa leeg ni Grecian. "Please let me in... We deserve this..." humahangos na sabi ni Grecian. Tila ang bawat mainit na hininga niya ay nagbibigay ng utos kay Paris na humigit pa ang kanilang ginagawa. Nakita ni Grecian kung paano naglakas loob si Paris para maibaba nito nang tuluyan ang pantalon. Lumantad sa kaniya ang kabuuan ni Paris at tila humina ang paggalaw nito. Tumalikod ito mula sa kaniya at nakita niya kung paano humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Hindi natatanggal sa mga mata nila ang matinding pagnanasa. Nabubuhay ang kanilang katawan sa muling paglalapat ng kanilang mga balat. "Namumula ka na, babe..." Dahil sa sinabi niya ay agad na magkaroon ng hiya sa mukha ni Paris. Sunod niyang tinanggal ang kaniyang polo at saka inayos ang kaniyang pagkakaupo habang nasa ibabaw pa rin ng kaniyang hita si Paris. "Damn... You're too hard..." anas ni Paris. Nakita ni Grecian kung paano siya nakakapagbigay ng mapusok na damdamin kay Paris at bawat titig nito sa kaniya ay mas lalo lamang nakakapagpataas ng kaniyang pagnanasa. "Let me in..." Halos hindi na maintindihan ni Grecian ang buong nangyayari dahil ang alam lang niya ay gusto niya ang ginagawa kay Paris. Dahil sa sinabi niya ay tila napalitan ng takot ang mukha ni Paris na kanina lamang ay sumasabay sa kaniya. "I think we need to use this one," biglang sabi nito at saka ipinakita ang hawak nitong condom. Pangatlong beses na ito nilang ginagawa pero hindi siya gumamit niyon at hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya gustong gamitin iyon. "We're clean... You're clean... But yeah, I guess we should use that." Hindi na hinintay ni Grecian ang susunod na sasabihin ni Paris. Mabilis niyang kinuha ang hawak nito at saka agad na isinuot. Kitang-kita ni Grecian ang kahubdan nilang dalawa at tanging pagmamahal at pagnanasa lamang ang namamagitan sa pagkakataon na sila lamang dalawa ang magkasama sa loob ng kotse niya. Nagsimulang siyang umindayog habang mahigpit ang hawak niya sa tagiliran ni Paris at ang isa naman sa braso nito. Bawat pagtaas at pagbaba ng katawan ni Paris sa kaniyang ibabaw ay nararamdaman ni Grecian ang mainit na loob nito. Hindi rin nakaligtas kay Grecian ang ilang pawis na nagsimulang mahulog mula sa noo ni Paris pababa sa leeg nito hanggang sa sundan iyon ng kaniyang mga mata pababa sa dibdib hanggang sa puson nitong mapang-akit. "Ugh... Ugh... I'm getting there," humahangos na saad ni Grecian habang patuloy siyang gumagalaw. Mas lalo namang humihigpit ang pagkakahawan ni Paris sa katawan ni Grecian. Hindi na nakatiis si Paris at kusang hinanap ng kaniyang bibig ang mainit na labi ni Grecian hanggang sa muling magdikit ang kanilang mga labi at mapagtantong pareho na silang nagpapalitan ng kalugod-lugod na mainit na hininga. "Ugh! Grecian!" Sa huling sambit ni Paris ay kusa niyang naramdaman ang mainit na dagta ng kanilang pinagsaluhan mula kay Grecian. **** Ilang beses nang kumakatok sa pinto si Gilbert ngunit parang walang tao sa loob. Umabot ng limang oras ang kaniyang biyahe para lang marating ang tinitirhan ni Paris ngunit nadatnan niyang walang tao sa loob. "Nasaan ka na ba, Paris..." sambit niya sa pangalan nito habang patuloy niyang tinitingnan ang kaniyang cellphone. Kanina pa niya kinokontak at pinapadalhan ng mensahe si Paris pero hindi pa rin nito nababasa ang mga iyon. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba dahil lumalalim na rin ang gabi. Nang sandaling ilagay niyaang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon ay bigla iyong tumunog ng sunod-sunod. Mabilis niya iyong kinuha at agad na tiningnan. Nakita niya ang mga mensahe ni Paris at tila nabigla ito sa sinabi niyang naroon siya sa labas ng tinitirihan ni Paris. Mas pinili niyang magpadala ulit ng mensahe para kumpirmahin kung nasaan na nga ito. Ang huli niyang nabasa sa mensahe ni Paris ay pauwi na ito at kasama pa iyong tao na ayaw na ayaw niyang makita. Bigla siyang nagtaka kung ano pa ang ginagawa ni Paris sa labas ng dis-oras ng gabi. Magsisimula pa lamang siyang magtipa sa cellphone nang bigla naman niyang narinig ang pagparada ng isang sasakyan malapit sa kaniyang sasakyan kaya agad siyang gumawa ng mga hakbang para tingnan kung sino iyon. Tumambad kay Gilbert sina Paris at Grecian. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inis nang makita ang pagmumukha ni Grecian. Kahit kailan ay hindi gagaan ang kaniyang loob dito. Lalo pa at alam niyang may gusto ito kay Paris. "Gilbert!" Narinig ni Gilbert si Paris na sinambit ang kaniyang pangalan at halatang gulat na gulat ito nang makita siya. Kataka-taka kung bakit parang hindi maayos ang suot nitong damit at bahagyang magulo ang buhok nito. Ibinaling din niya ang kaniyang atensyon kay Grecian. Ganoon din ang hitsura nito. Pilit na iwinawaglit ni Gilbert ang kaniyang masamang iniisip dahil hindi niya gusto na magkaroon ng kung anong dahilan na magbabago ng kaniyang nararamdaman para kay Paris. "Paris," sambit niya sa pangalan nito. Minabuti niyang lumapit dito para bigyan ito ng masuyong halik sa pisngi ngunit ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa kaniya. Hindi miya maintindihan pero sa pagkakataong iyon ay tila naging mailap sa kaniya si Paris. "Hindi pa kasi ako naliligo... Tara sa loob?" anyaya nito. Tumango na lamang siya bilang tugon at saka ito pinaunang maglakad papasok. Bago niya sundan si Paris ay sinadya niyang patamaan ng masamang tingin si Grecian. Lumapit siya dito pero bago pa niya iyon magawa ay kaagad na siyang nagtaka kung bakit parehong-pareho ang amoy nilang dalawa ni Paris. Kanina lamang nang akmang hahalikan niya si Paris sa pisngi ay nagtaka siya sa pabango nitong medyo matapang at ngayon na naamoy niya rin si Grecian ay mas lalo siyang nagtaka. Dahil sa hindi magandang naiisip ni Gilbert ay tuluyan siyang lumapit kay Grecian. Ngayon ay tilang nagtatagisan na sila ng masamang titig at ni isa sa kanila ay walang gustong magpaawat. "Matagal ko ng kaibigan si Paris," mariing sabi niya kay Grecian ngunit tila hindi man lang naantala ang bulto nito sa sinabi niya. "Kaibigan, tama, kaibigan ka lang niya." Hindi nakaligtas sa paningin ni Gilbert ang pagka-kampante nito sa sinabi. Hindi porke't sila ang magkasama ni Paris ay hahayaan na lamang ni Gilbert na ito na ang magdala kay Paris kung saan-saan. Halos magngitngit siya dahil sa sinabi nito. "Anong gusto mong palabasin?" maangas na tanong niya dito. "Nothing. Just know your limit. Hindi ko gustong makipag kompetensiya sa 'yo dahil alam kong may sariling desisyon si Paris. Kung sino man ang samahan niya, 'yon dapat ang mangyari. Sana maintindihan mo." Pagkatapps nitong magsalita ay saka siya nito nilampasan. Kahit na ano pa ang sabihin nito sa kaniya ay mananatiling hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Nakahanda si Gilbert na gawin ang lahat para lang ma-protektahan si Paris. Kung kinakailangan na agawin niya si Paris mula dito ay hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon. Inis siyang naglakad pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang mga gamit. Marahan niyang kinuha ang mga iyon at saka pumasok sa loob ng bahay. **** Halos matakpan ni Paris ang kaniyang bibig nang may amoy siyang masangsang. Agad niyang tinungo ang kusina pero hindi niya makita kung saan iyon nanggagaling kaya hinanap pa niya ito hanggang sa maitapat na niya ang sarili sa harap ng pridyeder. Naramdaman niyang nakasunod sa kaniya si Grecian at ganoon din naman si Gilbert na ngayon ay parehong nagtataka kung bakit napaka-sangsang ng amoy ng kaniyang tinitirhan. Kanina lamang ay iniwan niyang malinis ang bahay at kahit kailan hindi niya hinahayaan na maging madumi ang kaniyang tinitirihan. "May nakapasok ba sa bahay mo, Paris?" Nanggaling ang tanong kay Gilbert habang tinatakpan nito ang ilong. "Hindi ko alam... Sinigurado kong naka-lock ang buong bahay kaya nakakapagtaka kung bakit may ganitong amoy..." paliwanay niya dito. "Titingnan ko ang kwarto mo sa taas baka may nagalaw roon." Biglang saad ni Grecian. Tumango siya sa sinabi nito at saka nagsimulang umalis para tingnan ang kaniyang kwarto. "Pakiramdam ko ay nandito sa loob ng fridge ang mabaho..." takang saad niya habang nasa likuran niya si Gilbert. Magkahalong takot at kaba ang kaniyang nararamdaman habang akma niyang binubuksan ang pridyeder. "Paris, ako na ang magbubukas baka kung ano pa ang makita mo sa loob," suhestiyon naman ni Gilbert na kasalukuyan nagtataka. Umalis siya sa harapan ng pridyeder at hinayaan na si Gilbert ang magbukas niyon. Habang binubuksan nito iyo ay hindi niya maiwasan na kabahan. Napapakapit siya sa likod nito. Biglang binuksan ni Gilbert ang pridyeder at doon niya nakita ang katawan ng isang pusa na wala ng buhay. Bigla siyang napasigaw dahil sa gulat at naging dahilan iyon para magulat si Grecian at saka nagmamadaling bumaba para puntahan si Paris. "Paris!" Agad na napayakap si Paris kay Grecian. Hindi alam ni Paris kung may ganoon sa kaniyang bahay. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. Nagkatitigan silang tatlo. Halatang patay na ito ng ilang oras bago pa man ito inilagay sa loob ng bahay ni Paris. Umusbong ang nakakakilabot pakiramdam nilang tatlo at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Paris. Dahil sa paglataranta ay halos hindi niya magawamg pindutin ang pagsagot pero ilang sandali lang at kausap na niya ang tao sa kabilang linya. "Hello?" paunang salita niya. Napansin niyang sinarado ni Gilbert ang pridyeder at saka nakinig si Grecian sa kaniyabg kausap. Nakita niya rin na nakikinig si Gilbert sa usapan. "Pumunta po kayo bukas para makausap ang tao na may alam tungkol sa pagkamatay ng iyong mga magulang." Parang tinusok ang kaniyang puso sa narinig. Hindi niya alam kung mabubuhayan siya ng pag-asa dahil magkakaroon na ng totoong hustisya ang kaniyang mga magulang o ang maging senyales iyon ng panibagong pagsubok niya sa buhay. "I-send mo sa 'kin ang buong eksaktong detalye kung saan." Hindi na hinintay ni Paris ang pagsagot nito at saka agad na pinatay ang linya. Muli siyang napatitig sa pridyeder. Napapaisip siya na habang tumatagal ay mas lalo siyang kinakabahan. Mas lalo lamang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ang bawat bagay na mayroon siya sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD