"Kanina ka pa nakatitig diyan," takang sabi ni Paris habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa kaniyang pagkain at kay Grecian. Kanina pa siya naiilang sa ginagawa nitong pagtitig sa kaniya.
"I don't know... I just want to look at you," pagdadahilan nito. Alam niya kung paano mag-isip si Grecian at sa mukha pa lang nito ay napakadali na agad nitong basahin.
"Pati ba naman dito sa restaurant?" naiiling na tanong niya dito at saka sinubo ang isang piraso ng steak na hiniwa niya.
"Kanina pa ako tapos kumain." Kusa naman siyang napatingin sa plato nito. Totoo ngang maubos na nito ang pagkain sa mesa. Muli na namang naglandas ang kanilang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi silang nagkakatitigan.
"Ewan ko sa 'yo." Isusubo na sana ni Paris ang isa pang piraso ng steak nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Nakita niyang parang napansin din iyon ni Grecian kaya dali-dali niyang hinugot mula sa kaniyang bulsa ang cell phone.
Nagtaka si Grecian kung bakit kusang nagtagpo ang magkabilang kilay ni Paris. Naniningkit ang mga mata ni Paris habang tinititigan ang screen ng cellphone. Nakakapagtaka na bigla siyang tatawagan ng kung sino. Naging maagap siya at mabilis na sinagot ang tawag.
"Yes, hello? How may I help you?" paunang salita niya.
"Ito po ba ang number ni Paris Zamora?" Nang marinig ang kaniyang pangalan ay may kung anong kaba siyang naramdaman.
Sumenyas siya kay Grecian na may kakausapin lang siya saglit at mabilis naman ang pagtango nito kaya kaagad siyang lumayo mula dito at saka tumugon sa kabilang linya.
"Ako nga 'to," tugon niya.
"Tungkol po ito sa kaso ng mga magulang niyo, muli po kasing nagkaroon ng lead at pino-point-out po dito na hindi lang aksidente ang nangyari sa mga magulang mo..." Halos matakpan na ni Paris ang kaniyang bibig dahil sa narinig. Pinilit niyang ikalma ang sarili at minabuting magtanong.
"Sigurado po ba kayo? Matagal nang sarado ang kaso tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko. Malinaw ang lahat ng imbestigasyon na pagkatapos mabangga ang kotse ng mga magulang ko ay sumabog 'yon..." Nakakapagtaka na kung kailan ilang taon na ang nakakalipas ay doon lamang siya guguluhin ng mga ito. Gayunpaman ay may kung anong lamig ng hangin ang dumapi sa kaniyang balat.
"May taong gustong kumausap sa 'yo. Aayusin ko muna ang schedule po kayo pwedeng pumunta dito sa pulisya." Pagkatapos na pagkatapos na magsalita nito ay agad na ibinaba ng tao sa kabilang linya ang tawag. Hindi na siya nakapagtanong kung sino ang gustong kumausap sa kaniya.
Muling nanumbalik ang sakit ng nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Tumulo ang isang luha mula sa kaniyang mata. Maagap naman niya iyong pinahid at nagmamadaling naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Grecian.
Sa mga nakalipas na taon ay aminado siyang hindi nawala ang pangungulila niya sa kaniyang mga magulang. Kahit kailan ay mananatili ang mga ito sa kaniyang puso. Kung magkakaroon man ng panibagong imbestigasyon ay bukal sa kaniyang kalooban na harapin iyon at magkaroon ng totoong hustisya.
Napahinto si Paris sa paglalakad nang makita niyang may kung sino kinakausap si Grecian. Magkahalong inis ang kaniyang naramdaman nang makita ang posisyon ni Grecian at ng lalaking kausap nito. Kasalukuyang nakakandong ang lalaki sa hita ni Grecian at kitang-kita niya kung gaano kalapit ang mukha sa isa't isa. Nakita rin niya ang pagkabigla at pagkalito sa mukha ni Grecian subalit mas lalo lamang na umuusbong ang galit sa kaniyang sarili.
Kusang napatingin si Grecian sa kaniyang kinatatayuan at ganoon na lamang ang pagka-gitla nito nang mapagtanto nito na kanina pa siya nakatingin.
****
"Paris..." Halos mawalan na ng sasabihin si Grecian nang makita niyang nakatingin sa kaniya si Paris. Naniningkit ang mga mata nito at parang may kung anong galit na pinipigil sa sarili.
Bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo at saka agad na gumawa ng malalaking hakbang palapit kay Paris ngunit bago pa siya tuluyan na lumapit ay kusa itong naglakad palapit sa mesa. Nakatanga siyang nilampasan ni Paris at saka deretsong tinungo ang lalaki na kanina lamang ay kausap niya habang abala sa pakikipag-usap si Paris sa cellphone.
Hindi natanggal ang kaniyang paningin kay Paris. Nakatingin lamang siya sa mukha nito. Dahil sa kaba ay sumunod siya dito. Nang makalapit siya ay marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Mahal niya si Paris at walang bagay ang makakapagpabago sa kung anong nararamdaman niya para dito.
Nagitla siya nang palihim nitong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Nakita naman niyang napangisi ang lalaki sa ginawa ni Paris. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang inakto ng lalaki sa kaniya gayung kanina lamang ay nagtatanong kung pwedeng siyang magpakuha ng litrato kasama ito. Nabigla siya nang deretso itong kumandong at saka malagkit na tumitig sa kaniya. Alam niyang nasa publiko sila at hindi malayong maraming makakita na ganoon ang posisyon niya.
Sa palagay niya rin ay hindi ito tunay na lalaki dahil sa kilos pa lamang nito ay mahahalata na isa itong bakla na madaling lumingkis sa mga lalaki.
"Mukhang mali 'ata ang taong gusto mong kausapin?" Bigla siyang napatingin sa mukha ni Paris nang magtanong ito sa taong kanina lamang ay kausap pa niya. Gamit ang upuan kanina ni Grecian ay tumayo ito at saka walang alinlangan na sumagot sa tanong ni Paris.
"Alam ko kung sino siya. Lahat siguro ng tao na nandito kilala ang nag-iisang Grecian Lopez Gray?" Kahit na saang salota hagilapin ay halatang pabalang ang pagsagot nito kay Paris.
Hindi nakaligtas ang masamang tingin ni Paris sa tao at saka siya naman ang binalingan nito. Nakasama niya si Paris ng maraming beses pero kahit kailan ay hindi pa niya nakita na ganoon ito magalit.
Muling ibinalik ni Paris ang masamang tingin sa taong kausap nito.
"Oo nga naman, pero sana ilulugar mo 'yang ugali mong pambahay." Dahil sa sinabi ni Paris ay kusang namula ang mukha ng tao at akmang sasampalin nito si Paris ngunit naging mabilis ang kamay ni Paris para mahawakan ang kamay nito.
"Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganiyan!" Halos manggalaiti na ito sa galit. Hindi na siya nakapag pigil at pati siya ay nahawakan na rin ang kamay ng tao. Inaagaw na nila ang buong atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant at hindi iyon maganda para sa kanilang dalawa ni Paris.
"Umalis ka na." Mahina lamang ang isinaad niya pero sakto lamang iyon para maunawaan ng tao ang kaniyang sinabi. Kahit siya ay hindi naisip na pagbuhatan ng kamay si Paris. Ang makitang sasaktan ng ibang tao ang kaniyang minamahal ay lagpas na sa kaniyang galit.
****
Sa lamig ng boses ni Grecian ay hindi na alam ni Paris kung anong emosyon ang mayroon ito nang sabihin nito iyon sa tao na kanina lamang ay halos maging ahas na sa paglingkis kay Grecian.
Napatingin siya sa ekspresyon ng mukha ni Grecian at alam niyang galit ito. Sa isipan naman niya ay may kung anong bagay ang gustong ipanatili ng kaniyang inis kay Grecian. Hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan lamang nito na landiin siya ng ganoon ng kung sinong tao.
"Narinig mo ba ang sinabi ng boyfriend ko? Umalis ka na." Kahit ang sarili niya ay nabigla nang kusang lumabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig. Huli na ang lahat nang makita niyang may sumilay na ngiti sa mukha ni Grecian nang sabihin niya iyon.
Dahil sa galit ng taong kaharap niya ngayon ay halos hindi na maipinta ang inis nito sa kaniya. Wala siyang pakialam kung ano man ang maramdaman nito dahil alam ni Paris na mali ang ginawa nito.
"I am Jacob Perez, dahil sa 'yo nawalan ako ng chance na makasama si Grecian. So you are PARIS ZAMORA?! You just stole my spot!" Kulang na lang ay bigyan ito ng microphone para marinig sa labas ng restaurant ang buong pangalan ni Paris.
Dahil sa sinabi nito ay kusang umatras ang dila ni Paris at kahit na anong ibatong salita niya ay walang laban sa mga sinabi nito. Alam niyang tama ito. Hindi niya sinasadya ang lahat ng nangyari dahil gusto lamang niya na makita si Grecian noong araw na iyon.
"You! Stop it! Ayaw mong umalis? Kami ang aalis!" Narinig niya ang mga sinabi ni Grecian. Nakita na lamang niya na may inilapag si Grecian na pera sa ibabaw ng mesa at saka niya naramdaman ang muling paghawak nito sa kamay niya. Sa pagkakataong iyon ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito.
Nakatulala siya at walang masabi. Inaalala niya ang sinabi ni Jacob. Unang tingin pa lang niya ay hindi malayo na isa itong modelo.
Mabibilis ang ginagawang hakbang nilang dalawa ni Grecian. Nakatingin lamang siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Walang salita ang gustong lumabas sa kaniyang bibig. Iniisip niya na hindi naging maganda ang date nilang dalawa ni Grecian.
Bigla silang huminto sa labas ng kotse ni Grecian. Ilang saglit lamang nang maramdaman niya ang pagdampi ng hangin sa kaniyang balat ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
"Paris! Pumasok ka na sa loob!" Doon lamang siya natauhan nang marinig niya ang pagsigaw ni Grecian kaya mabilis niyang binuksan ang pinto at saka pumasok.
Muli niyang naalala ang nangyari kanina. Naroon ang pagkadismaya dahil nakaharap niya ang totoong Jacob Perez pero hindi niyon mawawala ang inis niya dahil sa pagkandong nito kay Grecian.
"Mukhang nag-enjoy ka kanina ah?" Hindi pa umaandar ang sasakyan ay bigla niya iyong nabanggit kay Grecian. Kusa naman siya nitong tinapunan ng tingin. Halata sa mga mata ni Grecian ang pagtataka sa kaniyang sinabi.
"What do you mean?" takang tanong nito habang nakaawang pa rin ang bibig at tila hinihintay ang kaniyang pagsagot.
"Wala!" tugon niya dito. Inis niyang inayos ang seat belt at saka niya ito inirapan.
"Come on," muling sabi nito. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis kay Grecian at hindi maintindihan kung bakit pabalik-balik sa kaniyang isipan ang nangyari kanina.
"Wala nga!" Unti-unti na namang nabubuhay ang inis niya. Nakita niyang saglit na nag-isip si Grecian. Ilang saglit lang ang itinagal niyon nang nagtataka niya itong tingnan. Kitang-kita ni Paris kung paano ngumiti ng nakakaloko si Grecian.
Nagsimula itong buhayin ang makina ng kotse at saka pinaandar.
"I can't believe it... You're jealous..." Habang nasa kasagsagan sila ng biyahe ay bigla nitong nasabi iyon kaya ganoon na lamang ang kaniyang pagka-dismaya.
"Wait, what?? Me?? Jealous?? No way–" depensa niya.
"Yes way!" natatawang saad nito.
Mahal niya si Grecian pero natatawa siya sa paglaki ng kumpyansa nito sa sarili. Kahit kailan ay hindi niya nagawa ang magselos. Parang sinuntok ang kaniyang utak nang may kung anong bahagi roon ang nagsasabi kung hindi nga ba siya nagselos.
Muli niya itong inirapan at saka naiinis na napaisip. Kung nagseselos nga siya alam niyang normal lamang iyon gayung mahal niya si Grecian. Alam din niyang mahal siya nito kaya kung kampante ito ay ganoon din siya kakampante na magselos.
"I just love you... That's it." Sa pagkakataong iyon ay alam niyang pinag-isipan niya ang sinabi.
Biglang naihinto ni Grecian ang sasakyan dahil sa sinabi niya at saka niya nakita ang mapupungay na mga mata nito. Nakatitig lamang siya at tila walang balak na ihinto na magpasakop sa mapang-akit nitong mga titig.
"I love you... Not the typical, but I really do." Halos marinig ni Paris ang pag-anas ng boses nito sa sinabi. Aminado si Paris na ramdam niya ang pagmamahal ni Grecian. Sa buong buhay niya ay hindi niya inakala na ang dating Paris ay magkakaroon ng pag-asa na mahalin at magmahal ng isang kagaya ni Grecian.
"Kung selos man 'tong nararamdaman ko, sigurado akong sapat na dahilan 'yon para malaman mong mahal kita at mahalaga ka sa 'kin..." Umiwas siya ng tingin nang matapos niya iyong sabihin pero bago pa niya iyon magawa ay maagap nitong hinawakan ang kaniyang ibabang labi at saka siya nito binigyan ng nasasabik na mga halik.
"I love you and I want to make love with you... Right now, babe..." Pakiramdam ni Paris ay napapalitan ng pananabik ang kaninang inis na naramdaman niya. Saglit siyang huminto at saka itinuon ang paningin sa labas ng sasakyan.
Hindi niya namalayan na madilim na at patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan. Tila dumadagdag lamang ang lamig ng panahon na maging dahilan para ituloy nila ang kanilang ginagawa. Wala ng tao sa labas at tila nakikisabay ang gabi sa mapusok nilang mga damdamin.