"Ilang beses ko nang sinubukan na yayain kang makipag date sa 'kin kaso palagi akong inuunahan ng kaba," nahihiyang pahayag ni Grecian kay Paris habang hindi ito mapakali kung saan titingin. Sa pagkakaalam ni Paris ay maraming araw na rin ang nagdaan simula noong una niyang maramdamang mahalaga ito sa kaniya, na kung gaano niya ito kamahal.
Minabuti niyang ayusin ang suot dahil alam niyang anumang oras ay aalis na rin sila.
"Talagang pinaghandaan mo talaga 'tong gabing 'to ah?" Pilit na itinago ni Paris ang kaniyang mumunting bungisngis dahil ayaw niyang pagmulan iyon ng asaran nilang dalawa.
"Oo naman," walang alinlangan nitong tugon sa kaniya. Agad niya itong tinapunan ng tingin at nagtataka niya itong tinitigan. Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang pagiging seryuso ni Grecian pero habang tinititigan niya ito ay kusang may bumabagabag sa kaniyang pagkatao at alam niya kung bakit niya iyon nararamdaman.
"Mahal kita, Grecian." Sinabi niya iyon habang hindi pa rin niya iniiwas ang kaniyang mga titig sa mga mata nito. Kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang isang kagaya ni Grecian na ngayon ay ipinaparamdam sa kaniya ang pagmamahal na hindi niya inasahang mangyayari.
Naramdaman niya ang paglapit nito hanggang sa lumapat ang mga palad nito sa kaniyang magkabilang pisngi. Ang init niyon ay parang isang init na nagbibigay sigla sa kaniyang puso. Marahan siyang napapikit.
"Sa buong buhay ko, hindi ko inasahan na mamahalin kita... I was too fool to think that I shouldn't love you like the way I'm doing right now... alam kong habang tumatagal ay lalo lang akong nahuhulog sa 'yo... Lalo lang kitang minamahal, Paris." Kung pwede lang na sunggaban niya ito ng halik ay kanina pa niya ginawa ngunit isang matinding galaw ang hindi niya inaasahan mula dito. Naging mabilis ang kilos ng dalawang kamay nito at saka siya niyayapos ng halik. Unti-unti niyang nararamdaman ang malambot nitong kabi hanggang sa pasukin nito ang kaniyang bibig gamit ang mainit nitong dila. Tila nagbibigay ito ng panibagong sensasyon sa kaniyang pagkatao.
Alam niyang kinakapos na siya ng hininga pero hindi niya akalain na dahil sa paghalik nito sa kaniya ay nakakapagbigay ito ng mainit na hininga. Nakakalunod ang bawat silakbo ng kanilang mga damdamin. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili kaya mariin niya itong hinawakan sa dibdib at habol ang hiningang itinulak ito.
"Kapag tinuloy natin 'to baka hindi matuloy ang date natin kaya sa susunod na lang," nahihiya niyang saad dito sabay iwas ng tingin mula kay Grecian. Pasimple namang natawa si Grecian dahil sa kaniyang sinabi.
"Hanggang ngayon ay parang bago pa rin sa 'yo ang ginagawa nating halikan?" Muli nitong hinawakan ang kabilang pisngi ni Paris at saka marahan na tumitig siya sa mga mata nito. Hindi napigilan ni Paris na humanga sa kabuuan ni Grecian.
"Mang-aasar ka na naman ba?" Kunwari ay siningkitan niya ito pero natawa lamang ito sa ginawa niya.
"No, I'm not. I'm just glad that finally, akin ka na," nakangiting tugon nito sa kaniya. Hindi maitatanggi ni Paris na tinamaan siya sa mga sinabi nito.
"Naku, sige na, halika na nga." Pigil niya ang kaniyang kilig sa mga sinabi nito at saka naunang lumabas mula sa kaniyang kwarto.
"Alam ko namang excited ka na rin eh," panunukso nito sabay sundot sa kaniyang tagiliran na naging dahilan naman ng kaniyang pagka-gulat.
"Alam mo ikaw, habang tumatagal, nagiging maharot ka na..." Huli na para kay Paris nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi. Dahil doon ay marahan na gumawa ng ilang hakbang su Grecian palapit sa kaniya hanggang sa mapatigil siya sa kaniyang kinatatayuan. Kasalukuyan siyang nakatingala sa mukha nito.
"Ah... So gusto mong hinaharot kita?–" Alam na alam ni Paris ang lalabas na mga salita sa bibig ni Grecian kaya mabilis niya itong napigil sa pagsasalita.
"Hep! Hep! Hep!" agad na bulalas niya at saka sinabayan pa niya ng pagtaas ng kaniyang kaliwang kamay.
"Bakit?" takang tanong nito sa kaniya.
"Sa tingin mo naman papatulan kita diyan sa kaharutan mo?" Ang akala siguro nito ay ganoon na lang siya magpapatalo. Halos magtagisan na sila ng tingin at tila walang gustong magpaawat sa mga titig nilang dalawa.
"Bakit, hindi ba?" mapanuksong tanong nito sa kaniya. Nagulat siya nang bigla nitong kabigin ang kaniyang likod na naging dahilan para magdikit ang kanilang katawan.
Ang akala niya ay doon na magtatapos ang ginawa nito pero mas nagulat siya nang bigla itong gumalaw at mabilis siya nitong siilin ng halik. Ramdam niya ang bawat pag labas ng hininga nito sa bibig na kasalukuyan niyang ninamnam sa kaniyang bibig hanggang sa maging daan na rin iyon para sa kaniyang paghinga.
Alam niyang anumang sandali ay ihihinto nito ang ginagawa at hindi nga siya nagkamali.
"I don't want to make it harder... Because I know we won't stop..." Napangiti siya nang mapansing bahagya rin nitong hinahabol ang paghinga matapos siya nitong halikan.
Kahit na ilang ulit na nilang ginawa ang bagay na iyon, pakiramdam ni Paris ay palaging bago para sa kaniya ang halik ni Grecian. Napaiwas siya ng tingin nang mapansing malagkit ang mga titig na ipinupukol ni Grecian sa kaniya.
"M-may date pa tayo b-babe..." naiilang niyang saad dito. Nagbigay naman ng bagong tunog sa tainga ni Grecian ang huling salita na sinabi niya kaya masuyo nitong hinawakan ang kaniyang ibabang labi at dahan-dahan na itinutok ang kaniyang pansin sa maamo nitong mukha.
"B-babe... That's turning me on, babe." Hindi nakaligtas kay Paris ang malapad na ngiti nito habang sinasabi nito iyon sa kaniya. Nabalot na naman ng hiya si Paris dahil sa sinabi ni Grecian.
"Kanina ka pa. Tara na nga!" Kunwari ay hindi niya pinansin ang sinabi nito at saka agad na kumilos para mailayo ang sarili ng ilang pagitan.
"You always don't want to stare at my eyes, huh?" Natigil siya sa sinabi nito at napansin niyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Ngayon ay alam na niya kung bakit pinipilit siya nitong titigan ng matagal.
"Gusto mong malaman?" Tila biglang nawala ang kaba sa kaniyang sarili at saka matapang itong hinarapa. Kusa namang nagtagisan ang kanilang mga mata na para bang wala ni isa sa kanila ang gustong magpaawat.
"Yeah, I want know," pabulong na tugon nito kaya agad na nagsi-tayuan ang kaniyang balahibo sa leeg. Hatid ng hininga nito ang init ng kanilang kahapon na animo'y wala paring nagbabago.
Kinalma ni Paris ang sarili at itinuon ang buong atensyon sa tanong nito.
Sa pagkakataong iyon ay kusa siyang napangiti at saka masuyo niyang ipinadama sa dibdib ni Grecian ang mainit niyang palad. Sinadya niyang gawin iyon dito. Ang akala siguro nito ay hindi niya kayang gawin ang mga bagay na kaya rin nitong gawin. Tila nagbigay naman iyon ng sensasyon sa buong katawan ni Grecian kaya bigla itong napapikit.
"Dahil alam mo na ang sagot," pabulong na tugon niya dito hanggang sa sadyain niyang halikan ito sa leeg. Hindi niya alam kung bakit tila nadala rin siya na gawin iyon kay Grecian.
"That's so... Sweet..." anas nito. Hindi maaaring madala na naman si Paris sa ginagawa nitong pang-aakit sa kaniya ni Grecian. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya.
Mabilis siyang lumayo dito at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Dala ang hiya sa mukha, parang gusto na lang din niyang tangayin ng hangin. Habang palayo siya sa kinaroroonan ni Grecian ay naririnig niya sunod-sunod na tawa nito.
****
"Who's this?!" bulyaw ni Jacob sa kaniyang manager. Hindi siya makapaniwala na napalitan siya ng isang taong hindi naman kilala sa industriya.
"That's Paris Zamora." Naging kampante pa rin ang boses ng kaniyang manager sa pagtugon.
Mas lalong nabuhay ang galit ni Jacob nang marinig ang pangalan ng taong nasa litrato na ngayon ay hawak-hawak niya. Nagkaroon ng matinding lakas mula sa kaniyang mga kamay kaya mabilis niyang pinunit ang litrato.
"This is not right! Sisiguraduhin kong mananagot ang manager ni Grecian at itong taong nasa picture!" Napapapikit ang manager ni Jacob sa tuwing maririnig niya ang matinding tunog ng pagpunit ng mga litrato.
Walang ibang iniintidi si Jacob kundi ang proyekto na sana ay para sa kaniya. Magkakaroon na sana siya ng pagkakataon para makalapit kay Grecian kung hindi lang sa taong nagngangalang Paris Zamora. Halos magngitngit siya sa galit sa tuwing maaalala ang pangalan na iyon.
"We will talk to Frank. Alam kong magagawan niya ito ng paraan–" Hindi pa natatapos ang kaniyang manager sa pagsasalita, bigla na namang nagpakawala si Jacob ng matinding bulyaw dito.
"That's right! That's your part! Dapat, noong una pa lang ay sinigurado mo na ang schedule ko!" Nandidilat ang kaniyang mga mata habang ipinupukol niya dito ang nakakamamatay niyang mga tingin. Dahil doon ay kusang napaiwas ng tingin ang kaniyang manager.
Ang isipin na hindi na niya makakapareha ang nag-iisang hinahangaan at minamahal niya ay sobra pa sa galit ang gusto niyang maramdaman sa ngayon. Matagal siyang nagtiis para mapasok ang pagmomodelo. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang niya naranasan na manakawan ng pwesto.
Wala siyang ibang naiisip kundi ang ilabas lahat ng galit niya kaya mabilis siyang umalis sa loob ng opisina ng manager niya at saka hinugot ang isang pirasong sigarilyo mula sa kaniyang bulsa. Mabilis niya iyong sinindihan at saka agad na hinithit ang usok.
Habang naglalakad palabas ay maraming mga tao ang nakatingin sa kaniya. Sanay na sanay na siya sa ganoong sitwasyon. Kahit na ganoon ang bisyo niya ay hindi pa rin nawawala ang alindog sa kaniyang katawan. Maraming may alam kung anong pinaggagagawa niya sa buhay at kabilang na roon ang kaniyang mga taga-hanga. Pero kahit na ganoon ay ay alam niyang hindi nawala ang suporta ng mga ito sa kaniya.
Nang makalabas sa gusali ay agad siyang dumeretso kung saan nakaparada ang kaniyang kotse. Bago siya pumasok ay kusa siyang napatingala. Nakita niya ang liwanag ng buwan. Hindi rin niya napansin na naabutan na siya ng gabi dahil sa pakikipag argumento sa kaniyang manager.
Isang malakas na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago mapagdesisyunan na hawakan ang pinto ng sasakyan ngunit nang sandaling mahawakan niya iyon ay kusa naman niyang naibaling ang tingin sa tapat ng kaniyang kinaroroonan.
Awtomatikong naningkit ang kaniyang mga mata at tila sinisiguro na tama ang kaniyang hinala. Hindi siya maaaring magkamali. Si Grecian ang kaniyang nakikita. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay natatanaw niya ito sa isang mamahaling restaurant.
Kahit ang mga ngiti ni Grecian ay kusang nagbibigay ng sensasyon kay Jacob. Dahil sa kaniyang makamundong imahinasyon ay nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Hindi niya maintindihan kung bakit panay ang ngiti ni Grecian. Sigurado siyang may kasama ito na kung sino dahil parang may kausap ito.
Doon lamang niya napagtanto kung sino ang kasama ni Grecian. Kahit na doblehin ang distansiya niya mula sa kinatatayuan ng restaurant ay hindi siya maaaring magkamali na kasama nito si Paris Zamora.
Agad na kumuyom ang magkabila niyang mga kamay. Siguro ay ito na rin ang panahon para makausap niya ang dalawa at gawin ulit ang proyekto na siya dapat ang gumanap bilang totoong Jacob Perez.
Nagsimula siyang humakbang nang mabilis patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Habang naglalakad ay patuloy niyang iniisip kung bakit mas lalo siyang naging interesado kay Grecian.
Mas lumalim ang kaniyang pagtingin kay Grecian nang mapanood sa isang balita ang pag-amin nito bilang nasa ikatlong lahi o mas kilala sa katawagang bisexual. Doon niya napagluho na mas magkakaroon siya ng koneksyon at mapapalapit kay Grecian kung sakali na makapareha niya ito sa isang proyekto sa pag-eendorso ng mga damit at lalong-lalo na ng mga damit panloob.
Sa wakas ay nasa harap na rin siya ng pinto ng restaurant at ilang hakbang na lang ay makakaharap na niya ang dalawa. Dahil sa matinding galit ay walang alinlangan niyang itinulak ang pinto hanggang sa dalhin na siya ng kaniyang mga paa sa loob.