PROLOGUE

1180 Words
Kasalukuyang nasa loob ng kotse si Helen nang tumunog ang kaniyang cell phone mabilis niya iyong kinuha mula sa isang maliit na bag. "This is your last chance to back out Helen," nag-aalalang sabi ng kaibigan ni Helen sa kabilang linya. Buo na ang desisyon ni Helen. This is the only way... Hindi mawala ang galit sa pagkatao ni Helen. Desidido na siyang gawin ang isang bagay na alam niyang doon lang niya ulit magagawa sa pangalawang pagkakataon. "My decision is final, Sophia." Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis niyang pinatay ang kaniyang cell phone. "We're here, Ma'am." Natigil sa pag-iisip si Helen nang magsalita ang driver. Mabilis niya itong binayaran at agad na lumabas ng kotse. Ilang segundo na nagpaikot-ikot ang tingin ni Helen sa buong lugar. Napangisi siya. Ang sarap pala ng amoy dito sa amerika! Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Helen sa mga nangyari. Pero napalitan naman agad ng mabigat na galit. Nagsimula nang maglakad si Helen. Dala ang ilan sa mga personal na gamit niya at ang isang mahalagang bagay para matupad ang plano niya. Hindi niya alam kung tama ang ibinigay na address ng kaibigan niyang si Sophia. Dahil sa kaibigan kaya magagawa niya ang plano niya. Tinulungan niya ito kaya bilang kabayaran, kinumbinsi niya ito sa gagawin niya. Napahinto siya sa harap ng isang hotel. Elite hotel... Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nakaabot siya sa ibang bansa. Isa iyon sa mga pangarap niya sa buhay. Ang makapapunta sa iba't ibang lugar sa mundo. Pero hindi sa sitwasyon na nararanasan niya ngayon. Pumasok siya sa loob. Umupo siya sa lobby. The interior design of the hotel is not the usual design that she often see in Manila. Even the curtains manifest that this is one of the best and convenient hotels in U.S. Nagulat siya nang may lumapit sa kanya. "Excuse me Ma'am, if I'm not mistaken, you are Ms. Helen Villamor?" Agad siyang napatayo dahil dito. Napansin niyang naka uniporme ang babae. Siguro ay isa ito sa mga empleyado ng hotel na 'to... Hindi mapigilan na mag-isip ni Helen. "Yes, I am Helen Villamor," nag-aalangan niyang tugon sa babae. "Ma'am, I will be your personal assistant from now on. That is included from our services here and we are expected to provide all the things that are needed for you, that is according from the owner of the Elite hotel, Ms. Sophia Levine." Paliwanag nito. "Thank you," Tugon niya dito. Akmang bibitbitin na niya ang mga gamit nang magsalita naman ito. "Ma'am you don't have to do that, We have our crews in this hotel that will do that for you." Pagkatapos nitong magsalita ay nakita ni Helen na may tinawag itong mga tao. Nakita niyang lumabas ang dalawang babae. "Thank you," tugon niya naman dito. Isang malapad na ngiti ang i-tinugon nito. Mabilis ang naging kilos ng dalawang babae at agad na kinuha ang mga gamit niya para dalhin. "Ma'am, you're room is now ready." Pagkatapos nitong magsalita ay agad itong nagsimulang maglakad. Naging mabilis din ang kaniyang kilos at agad na sinundan ang babae. Batid niya na mayaman ang kaibigan niyang si Sophia at isa iyon sa ipinagpapasalamat niya. Hindi lang presensiya nito ang mapapakinabangan niya bilang isang kaibigan kundi pati na rin ang yaman nito. Napangisi si Helen sa mga iniisip. Narating nila ang sinasabi ng kaniyang personal assistant. Nasa labing tatlong palapag siya ng gusali at kasalukuyang tinititigan ang buong kwarto nang makapasok sila. "Ma'am, tomorrow you will be having a meeting with Doctor James Thompson in Holmes building at 4:00 pm. He will be the one to assess and consult you including your personal medication before the operation. And don't worry Ma'am, because the Elite hotel will give you your personal driver." Nakikinig lamang si Helen habang nagsasalita ang babae. Nakaupo na siya ngayon matapos niyang tignan ang buong kwarto. Napatingin ulit siya sa kaniyang personal assistant. Isa itong american citizen at talagang pansin niya ang pagiging propesyunal nito sa trabaho. "Okay, thank you." "Do you have something to ask Ma'am?" Magalang nitong tanong sa kanya. "None, You may go." Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis na nagsi-alisan ang mga ito kasama na ang dalawang babae na nagdala ng mga gamit niya. Huminga ng malalim si Helen. Sa kabila ng lahat nang naranasan niya sa buhay, alam niyang hindi pa siya kontento sa lahat ng mayroon siya ngayon gayung hindi pa sila nagkakabalikan ng kaniyang nobyo. All that she want is to have her boyfriend. She will do everything just to get her boyfriend back. Even if it kills her or anybody else. Hindi ako papayag na hanggang ganito na lang tayo! Akin ka lang! Napahikbi si Helen sa naisip niya at biglang napalitan iyon ng isang malakas na halakhak. **** Isang taon at ilang buwan na rin ang lumipas pero hindi mapigilan ang tuwang nararamdaman ni Paris. Hindi siya makapaniwala. Kasalukuyan siyang nagmamaneho para puntahan ang mga bata sa bahay ampunan. Sa ilang buwan na ginugol niya para sa sarili ay nagkaroon siya ng isa pang inspirasyon. Hindi lang ang mga bata, kaibigan, o ang kaniyang tita Luming kundi dahil sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kaniya dahilan para pagbigyan ang sarili at ang nais ng kaniyang puso. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong kinuha at agad na sinagot ang tawag. "Paris? Oh come on! You're late for three minutes!" Napatawa siya sa boses nito. "Relax, I'm on my way," tugon niya rito. "We'll wait for you..." Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang nakangiti ito. Naramdaman niya ang sigla sa boses nito. "Sige," tugon niya. Akmang ibababa na niya ang tawag nang magsalita naman ito. "Hey, That's it?" May halong tampo sa boses nito. "What?" takang tanong niya rito. Napatawa siya sa pagiging demanding nito. Alam niya kung anong ibig sabihin nito kaya sinadya niyang sagutin ito ng ganoon. "Come on, You know what I mean?" sabi nito sa kabilang linya. "Okay," napapatawa niyang tugon. "Okay? Say it!" Naiirita na ito. "I love you..." Naging mahinahon ang pagkakasabi niya. Ilang segundo ang lumipas at wala siyang narinig na tugon mula rito kaya nagsalita ulit siya. "Hey?" "Yeah? I'm just happy, I love you more babe." Naging mahina na ang boses nito. "Bakit ka bumubulong?" natatawang tanong niya rito. "Nasa tabi ko ang mga bata." Napatawa na rin siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito nakikita ang pagngiti niya dahil alam niyang aasarin siya nito. "Mahal na mahal kita..." Napatigil siya sa sinabi nito. Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nilang dalawa, kahit na alam niyang maraming humuhusga sa relasyon nila, mas pinili ni Paris na ipaglaban kung ano ang nararamdaman niya para sa nobyo. Alam niyang mahirap ang sitwasyon nila pero sa tuwing makikita niya ito na ginagawa ang lahat para sa relasyon nila, mas lalo siyang tumitibay. Mas lalo siyang nagkakaroon ng dahilan para mahalin ito at buong pusong tanggapin ang ginagawa nito para sa kanilang dalawa. Pero ang ikinakatakot niya ay kung hanggang saan ang pagmamahalan nilang dalawa. "Mahal na mahal din kita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD