CHAPTER ONE *BHL: A true friend*

3137 Words
"So gano'n nalang 'yon Grecian? Iiwan mo nalang ako?! Akala ko nagbago kana! Ang akala ko sa huli mas pipiliin mo pa rin ako! Mas pipiliin mong ipaglaban ako!" Parang bombang sumabog si Helen sa galit at lungkot na nararamdaman. Sunod sunod ang patak ng mga luha nito sa pisngi. Maagap naman itong nilapitan ng kaibigan nitong si Paris. Dama niya ang lungkot at galit nito sa kasintahan. "Helen, it's okay, maybe he's not the right guy for you... 'yang ganda mo, 'yang pagiging mabait mo, dapat pinapahalagahan 'yan," Alam ni Paris ang istorya ng buhay ni Helen kaya naman mas naging malapit ito sa kanya. "Paris ang akala ko kasi," Sumisinghot na sabi nito. "Maraming namamatay sa maling akala Helen pero sa kaso mo, masuwerte ka at nalaman mo ngayon na hindi karapatdapat sa 'yo ang lalaking 'yan," Tiim bagang niyang sabi habang nakakuyom ang kamay niya sa galit. Sa loob ng walong taong pagiging magkaibigan nila ni Helen, si Paris na ang itinuring kapatid ni Helen at batid niya iyon. Every heartache of Helen, he's always there and he will always be. That is one of the reasons why he couldn't leave her behind. He treat Helen as his own sister. "You know I love him Paris, at gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit na ikamatay ko pa." After those words, she suddenly sob. She's now crying out loud. Iyon ang isa sa pinakamahirap na responsibilidad ni Paris. Ang maging comforter nito at pasiglahin. Batid niyang nagmamahal lamang ito at dahil nga alam niyang ito ang unang lalaking minahal ay talaga namang ganoon na lamang ito maging emosyonal. "Helen stop it! It will not help you! Hindi pagbabasag at pagsira ng mga gamit ang makakatulong para mawala 'yang sakit na nararamdaman mo," He's now at the top of irritation. Hindi niya maikakaila na nagiging isip bata din itong kaibigan niya pagdating sa pag-ibig. "Anong gusto mong gawin ko?! Tumahimik nalang?! 'Yong wala akong gagawin ha?! Paris alam mo kung gaano kasakit 'yong ginawa ng gago kong boyfriend?! Ipinagpalit niya ako sa iba!–" He can still notice those tears on her cheeks. "Huminahon ka muna Helen! Huminahon ka! Umupo ka nga!" He never thought that he could eventually have that strong voice towards her. But he needed to. Kung iyon lang ang paraan para huminahon ito, hindi siya mag-aalinlangan na gawin iyon sa kanya. Katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nilang dalawa hanggang sa umupo na nga ito. Pero umiiyak pa rin siya. "I know you're hurt and I know that you're mad, that's why I'm here, kakausapin natin siya bukas na bukas 'din okay? Huminahon kana... Tahan na... Hindi bagay sa 'yo ang umiiyak... Ang ganda mo pa naman," Pagkatapos ay isang mahigpit na yakap ang naramdaman nito mula sa kanya. He knows how to care for his friend and he knows that he's the only one who could help her in terms of this matter. "Thank you, Paris." Humahagulgol pa rin ito. Hindi niya masisisi ang kaibigan. Totoong nagmamahal lamang ito at wala siyang nakikitang mali sa totoong nagmamahal. Iyon ngalang, mas naniniwala pa rin siyang dapat unahin ang sarili para mas buo ang pagmamahal na ibigay. Hindi lamang sa kung ano ang tama dahil din sa kung ano ang dapat. "Alam mong 'andito lang ako," at sa mga sandaling iyon, hinayaan niya ang sarili na aluhin ito. "Gabi na Paris I have to go," Pumupungas na sabi nito. "Ihahatid na kita baka kung ano pang gawin mo," Kilala niya ang kaibigan. Alam niyang may kapilyahan din ito. At kung minsa'y saan saan niya ito mabalitaan sa ibang kaibigan nito na naglalasing at umiiyak. He never imagine how devastated his friend was. For as long that he could help her, he would. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinaiyak si Helen ng kasintahan. Alam iyon ni Paris. Ang kaso lang sa pagkakataong ito, tuluyan na ngang bumitaw ang lalaki sa relasyon nila ni Helen. "Oo na alam ko na 'yang titig mo na 'yan Mr. Paris Zamora," Nakangiting sabi nito kahit na alam niyang may bahid pa rin ng lungkot ang boses nito. "Well I don't want you to go somewhere without asking me if that place is safe or not, please Helen, This time, listen to me? We gonna–" bago pa niya maituloy ang sasabihin, bigla nalang itong nagsalita. "I know I know alam ko na sasabihin mo, Sesermonan mo na naman ako... Eh sa ganito talaga eh, gusto ko lang mawala 'yong sakit kaya–" "Kaya dinadaan mo sa pagwawala at paglalasing?" A sarcasm of voice came out from him pero agad iyong napalitan ng buntong hininga at ngiti. "You know I will always be your knight, right? Pero sana maging matapang ka din paminsan minsan, pa'no nalang pag wala ako? Edi napahamak kana niyan? Ang gusto ko lang naman matuto kang lumaban at matuto kang manindigan sa sarili mong mga desisyon sa buhay," He knew he might hurt Helen but after all she had, He has the right to say those words. Nakatitig lamang ito sa kanya na parang malalim ang iniisip at blangko ang mukha nito. "Helen? Do you understand me?" Tila nagulat ito sa boses niya pero tumango na lamang ito. Pagkatapos ng emosyonal na pag-uusap ay nagpasya na siyang ihatid ito. Gabi na rin at hindi maganda sa pakiramdam niya na silang dalawa nalang sa opisina na pinagtatrabahuan nila. Siya bilang Executive Manager ng isang Multimedia Company at si Helen na isang Graphics Designer ay isang malaking dahilan para hindi sila magkalapit lalong lalo na kapag oras ng trabaho. Iyon ang unang ipinagbabawal sa kompanya na pinagtatrabahuan nila. "Tara na, Helen." Tila may kung anong iniisip ito at nakatitig pa sa isang bagay. Alam niyang nasasaktan ito. Ramdam niya ang awa para sa kaibigan. If he could only absorb her pain, matagal na niyang ginawa. "Helen?" Nagulat ito at binalingan siya ng tingin. Tumango ito at kaagad na sumakay sa kotse ni Paris. Kahit na umaandar ang minamanehong kotse ni Paris, ramdam niya pa rin ang lungkot ng kaibigan. Hindi na lamang niya ito inistorbo hanggang sa makarating na nga sila sa apartment na tinutuluyan nito. "Paris mauuna na ako sa 'yo Salamat nag abala kapang ihatid ako," Wika nito sa mahinhin na boses. "Wala 'yon, basta alagaan mo 'yang puso mo ha?" Nakangiting niyang tugon. Ngumiti na lamang ito sa kanya. Inihatid ng tanaw ni Paris ang kaibigan hanggang sa makapasok na nga ito sa tinutuluyan. Isang mabigat na gabi para kay Paris ang nangyari. Hindi man sa kanya pero dahil sa isang kaibigan na malapit sa kanya kaya ganoon nalang din siya kaapektado sa mga nangyari kay Helen kanina. He never put himself into a situation that he would waste time for someone who will just hurt him that much. Mas pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang trabaho kaysa aksayahin ang sarili sa isang pagmamahal na walang patutunguhan. Kaya mo bang di magmahal? Kaya mo bang maging single habambuhay? Iyon ang isang sigaw sa parte ng utak niya pababa sa puso niyang hindi niya alam kung kaya niyang panindigan ang mga naisip niya kung sakaling siya ang nasa sitwasyon ng kaibigan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyan paandarin ang sasakyan paalis. **** Kinabukasan, isang mainit na sinag ng araw ang gumising sa diwa ni Paris. Off niya ngayon kaya sinadya niyang gumising ng alas nuwebe ng umaga. He's ardently seeing himself in the mirror and he gently comb his hair using his fingers. Wearing his boxer is the most comfortable routine he could ever have every morning. His hardness is the manifestation for being an ideal guy. He is a man of heart and full of humor. But that's restricted. Mag-isa nalang sa buhay si Paris. kahit na meron siyang kamag-anak sa probinsiya sa batanes, kinokonsidera niya ang kanyang sarili bilang isang independent man. Maagang naulila sa mga magulang si Paris. Namatay ang mga ito sa isang aksidente. Bagay na nakapagpabago sa takbo ng buhay niya ngayon. Kung noon ay may isang ama at ina siyang daratnan sa bahay na tinitirhan nila dati, ngayon ay wala na. Iyon mismo ang dahilan kung bakit nagpagawa siya ng sarili niyang bahay. Sa tuwing umuuwi siya sa dati nilang bahay, naalala niya kung gaano kasakit ang mawalan ng mga magulang lalo pa at nag-iisa lamang siya at walang kapatid na karamay. Hindi sa gusto niyang makalimutan ang mga ito, gusto niyang makapag simulang muli at maipakita sa mga magulang niya na matibay siya at kaya niyang makipagsapalaran kahit nasa kabilang buhay na ang mga ito. Ilang minuto ang lumipas bago mapagdesisyunan na pukawin ang sarili sa malalim na pag-iisip. Lumabas na siya ng kuwarto at deretsong pumunta sa kusina para mag-agahan. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain si Paris bigla nalang tumunog ang aparato sa loob ng bahay. Senyales na may bisita siya. Doon lamang niya naalala na may lakad sila ng kaibigan niyang si Helen. Marahan niyang binitawan ang isang piraso ng tinapay para puntahan ang kaibigan sa labas ng bahay. "I'm expecting that you never forget what we talked about last night?" Bungad nito nang tuluyan na nga silang makapasok sa loob at makaupo. "Yes, buti nalang naalala ko agad pagkagising ko." Tugon niya at saka humikab. Nakangiting tumango ang kaibigan niya. Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa, kaagad naman siyang nagbihis. "I'm almost done Helen Sana lang this time may marealize 'yang boyfriend mo sa relasyon niyong dalawa. Naku! alam mo bang hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ko kung pa'no natin masosolusyunan 'yang problema niyong dalawa," Napatigil sa pagsasalita si Paris nang mapagtanto niyang wala siyang sagot na naririnig mula sa kaibigan. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng kanyang long sleeve sa harap ng salamin. Nang lingunin niya ang kanyang kaibigan, mula sa baba ng kuwarto niya, nakita niya itong nakatitig sa cellphone at may kung anong pinipindot. "Helen?" Nilakasan niya ang boses niya para mas marinig siya nito. Natigilan naman ito sa ginagawa at saka siya nilingon. "Oh? Tapos kana? Tara na?" Kita niya pa rin ang lungkot nito sa mga mata. Hindi na lamang niya iyon pinansin at saka bumaba. "Sige, tara." Tugon niya dito. Isang oras ang biyahe nila papunta sa boyfriend nito. Kasalukuyang nasa phoshoot ito. Hindi niya alam kung anong nagustuhan nito sa lalaking iyon gayung napaka playboy nito at kung saan saang bar makikita. Alam iyon ni Paris dahil madalas siyang kasama ni Helen kapag may lakad ito lalo na kung may away na naman ang dalawa. He used to get amaze of Helen's interests when it comes to parties and night life. Kasama siya lagi nito sa kung anong trip nitong gawin. Itinigil ni Paris ang kotse sa parking area. Nasa isang beach resort sila ngayon. Nagulat siya nang bigla nalang lumabas ng kotse ang kaibigan. Kaagad niya itong sinundan. Patakbo ito sa kung saan. Hindi manlang siya nito nilingon kaya hinabol niya ito. "Helen!" Tumigil ito malapit sa may dalampasigan kung saan nagaganap ang photoshoot ng nobyo nito. Nakatanaw lamang siya mula sa malayo at inoobserbahan ang gagawin ng kaibigan niya. Nakita niyang humingi ng break time ang nobyo nito at saka kinausap si Helen. Ilang minuto ang lumipas at nakatanaw pa rin siya sa dalawa. Nakita niyang umiiyak ang kaibigan. Patuloy naman sa pagsasalita ang kasintahan nito na parang naiirita at galit na galit dito. Isang malakas na sampal ang inabot ng lalaki mula kay Helen. Nabigla si Paris sa mga pangyayari kaya bigla siyang tumakbo para makalapit dito. "Helen that's enough! Tamana 'yan!" Humahangos na sabi niya. Bigla naman siyang tinitigan ng nobyo nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dito. Tila may kakaiba sa mga titig nito sa kanya. Those brown eyes of him and a wavy black hair made him more look like a leading man in a forbidden movie. His masculinity, broad shoulder that emphasizes his strength as a man made him look like adonis. And the most interesting part, his philtrum that made him attractive. It took long seconds before he realize that he's with the argument between the two. "No! Please babe! let me explain–" bago pa nito maituloy ang sasabihin bigla na lamang nagsalita ang nobyo nito. "I don't need your explanation, Helen! It's over. Ang mga katulad mo'y di na dapat pinagaaksayahan ng panahon, Ayoko na! Tapos na tayo!" Parang isang pelikula ang nangyayari sa pagitan ng dalawa at siya naman ang saksi sa bawat salitang ibinabato ng mga ito. Hinawakan niya nang mahigpit ang kaibigan. Umiiyak na naman ito. Napalitan ng galit ang malungkot na mukha ni Helen kasabay ang panlilisik ng mga mata nito. Sa ilang taong pagkakaibigan nila ni Helen, ngayon lang ulit ito nagpakita ng ganoong emosyon. Kilala niya si Helen kapag nagagalit ito. He doesn't want to give any disturbance when she's upset and mad. Mabilis na nakalapit ito sa kasintahan na si Grecian at malakas na sinampal. Sa puntong iyon ay alam na ni Paris na wala na talagang magagawa ang kaibigan kundi ang tanggapin ang katotohanang wala na talaga sila. "Minahal kita! Minahal ko kung anong meron at wala ka! Kahit p********e ko ibinigay ko sa 'yo! Pero ganito lang din naman ang mangyayari?! Sabihin mo, minahal mo ba talaga ako? O pinaglaruan mo lang ako?!" Nakakabingi ang mga salitang binibitawan nito. Walang imik si Paris habang binubulyawan ni Helen ang kasintahan. Binalak ni Paris na hawakan ang magkabilang balikat ni Helen pero kaagad naman nitong inalis ang kamay niya. Maging ang mga tao sa paligid ay nagulat sa mga nangyayari. Mabuti nalang at konti lang ang tao at walang staffs ang nakakakita sa kanila mula sa set ng photoshoot ng nobyo nito. "Helen," hindi ito ang nais na makita ni Paris pero alam niyang ang lahat ay may katapusan. "Okay sige! Wala na akong magagawa, sadyang pinipilit ko nalang 'tong sarili ko sa'yo!" The emotion suddenly vanish when she said those words. Blangko na naman ang mukha nito at hindi maintindihan kung ano nga ba ang iniisip. Nakita ni Paris ang reaksyon ng nobyo nito sa sinabi ni Helen. "It settled then. Wag ka nang magtatangkang tawagan ako at hanapin ako sa kung saan saan. Maawa ka sa sarili mo Helen," Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ni Paris para sa kaibigan niya. Masyado na itong nasasaktan. "Sige," Pagkatapos ng matinding iyak ni Helen ay bigla nalang itong tumakbo palayo. Naabutan niya ito sa pagtakbo at hinawakan pero mas pinili nitong mapag-isa. Kahit na wala siyang alam sa ganoong takbo ng pag-ibig, alam niya kung ano ang narararamdaman ng kaibigan. Nakita niyang nakatayo pa rin sa di kalayuan ang ex ni Helen. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Naglakas loob siyang lapitan ito pero bigla nalang may sumulpot na isang tauhan na nanggaling sa photoshoot kanina. "Grecian!" Tawag ng isang staff. Lumingon naman ito. At saka sumenyas na babalik na siya. Hindi alam ni Paris kung ano ang nasa isip niya nang bigla nalang niya itong tawagin. Ginamit niya ng buong tapang para agawin ang atensyon nito. "Grecian, sandali!" Bigla itong lumingon na para bang hindi inaasahan ang pagtawag niya dito. Isang malaking tanong ang makikita sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin pero kaagad niya itong nilapitan. Dahil sa mga nangyari kanina ay hindi na niya napansin ang suot nito. Bumaba ang paningin niya mula sa katawan nito at doon lang niya napagtanto na naka trunks lamang ito. "Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong nito. "Bakit ka nakikipaghiwalay kay Helen? Ano bang problema? Maganda at mabait naman 'yong kaibigan ko at nakita ko mismo kung pa'no ka niya minahal, Grecian. Bakit bigla mo siyang iiwan?" Sunod sunod ang mga tanong niya dito. Hindi na niya alam kung anong emosyon ang makikita sa mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Basta ang alam niya, kailangan niyang tulungan ang kaibigan niya. Pumorma ito at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib nito. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "What?" Takang tanong niya "You have brown eyes too," "Ano? Ang tanong ko sagutin mo Grecian!" Ngayon napasigaw na siya. Bigla nalang itong lumapit sa kanya. Doon niya napagtanto na hanggang ilong lang nito ang height niya. Walang panama ang height niya dito. Bahagya siyang napaatras sa ginawa nito pero agad din itong lumapit. "First, it's none of your business. Second, hindi ikaw ang nakipag relasyon. And third, 'wag kang mangingialam." Maririin na salita ang kanyang natanggap sa harapan nito. Hindi niya rin alam kung ano nga ba ang pinagkaiba ng mga salitang binitawan nito samantalang alam niyang pare-pareho lamang ang mga iyon. "Kaibigan ko si Helen!" Singhal niya nang makabawi na siya sa pagkaistatwa. Ngumisi lamang ito. "That's it! Friends! Magkaibigan kayo kaya dapat ang ginagawa mo, puntahan mo siya at damayan mo siya kasi 'yon ang dapat mong ginagawa." "Hindi ko alam kung anong nakita ng kaibigan ko sa 'yo! Hindi ko alam kung bakit ganito mo siya kung tratuhin! A certified womanizer and playboy!" Hindi na niya napigilan ang sarili at naisigaw na niya ang kanina pang gusto na sana niyang ibulyaw dito. Umigting naman ang paningin nito sa kanya. Kung susuntukin man siya nito, nakahanda siya. "Anong sabi mo?" Seryoso ang mukha nito. Hindi siya nakapagsalita dahil bigla din naman itong nagsalita. "Someone like Helen is not worth it! Someone like her is not deserving to have me!" Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang magalit ito kay Helen samantalang nakipag party lang naman ito sa mga kaibigan sa isang bar. And he see nothing wrong with that. Lumalaki pa ang ulo nito sa mga binitawang salita. "Grecian!" Mula sa set, napalingon silang dalawa. Tinatawag na ito ng photographer. "Just get out!" agad na sabi nito sa kanya bago tuluyang umalis papunta sa photoshoot nito. Naiwan siyang tulala at parang may mabigat na dinadala. Bilang isang kaibigan, nakakapagod din pala na maging kaibigan. Hindi sa ayaw niya ang ginagawa, hindi lang siya makapaniwala na ganoon ang mangyayari sa kaibigan na aabot sa puntong maghahabol na ito sa isang lalaking wala namang ginawa kundi ang saktan ito. I never expect for this. Hayst. Iritadong napaupo na lamang siya sa buhangin. He didn't notice that it was already sunset. Masarap sana 'tong titigan kaso hindi maganda ang araw na 'to ngayon. Nakita niya sa 'di kalayuan si Grecian. Patuloy pa rin ito sa ginagawa. He cannot deny the fact that this man is an ideal boyfriend that a woman could ever have for a lifetime. Ang kaso nga lang, sadyang nagkaroon lang ito ng hindi tamang pag-uugali. Aside from being a playboy and a womanizer he's also a big brute and vain. Napangiwi nalang siya sa inisip. Nagulat siya nang mapagtantong nakatingin pala ito sa kanya hanggang sa mapagdesisyunan na niyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD