"Hindi pa rin ba tayo matatapos? I'm getting bored direk!" Iritadong sabi ni Grecian.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Everything that he and Helen had shared were just only in the past. He will make sure that it will not happen anymore.
"Matatapos na Grey, Sandali nalang 'to. Double time guys! Another take!" Sigaw nito sa mga workers.
Kahit na naiirita at sa kung anong dahilan na parang malalim ang iniisip ni Grecian, patuloy pa rin siya sa pag pose.
Natapos ang photoshoot at nakapagpahinga naman siya.
Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi sa bahay niya kaya naisipan niyang magpahinga na muna sa resort na ginanapan ng photoshoot.
Naisip na naman niya ang mga nangyari kanina. Napaisip siya sa mga sinabi ng kaibigan ni Helen.
At the end of his side, he claimed that it wasn't his fault. Mas maigi pa na iwanan nalang ito kaysa ipagsiksikan nito ang sarili sa kanya at patulan niya ito kahit na alam niyang masasaktan lamang ito pag nagkataon.
Naiinis din siya sa kaibigan nito na palaging nakabuntot sa kanila sa tuwing may lakad sila ni Helen lalo na kung gusto niyang maikama ang babae.
But Grecian didn't get jealous with the guy. There is something that he doesn't consider to be his reason of getting jealous with the guy.
Napasinghap siya sa mga iniisip saka humiga sa may kama. Nasa isang hotel room siya ngayon matapos ang photoshoot.
He was mesmerize of those eyes that he saw. It was more than dark brown than he has. He probably envied him because of his endearing eyes. It wasn't a typical brown eyes that he always see in every fashion magazine aside from those models that are wearing contact lense.
Attractive.
Napaisip siya.
Muli siyang bumalik sa iniisip. Kailanman hinding hindi na magbabago ang desisyon niyang iwanan ang dating nobya. Inaamin niyang napamahal na rin ito sa kanya kahit na kung minsan ay naiisip niya na parang parausan niya lang ito.
Humikab siya at nagsimula nang matulog.
****
"Kuya! Kuya! Tara! Hahaha!" malalakas na tawa ang maririnig sa buong playground.
Kasalukuyang nasa isang bahay ampunan si Paris. Kanina ay magkasama sila ni Helen kaso nauna itong umuwi.
Hindi na nalaman pa ni Paris ang takbo ng buhay ng kanyang kaibigan matapos ang hiwalayan. Kahit na alam niyang imposibleng basta na lamang nitong malimutan ang mga nangyari sa kanya.
Hindi niya rin alam kung may komunikasyon pa ang dalawa pagkatapos ng mga nangyari.
Pagkalipas ng ilang buwan, napagdesisyunan na rin niyang mag leave muna sa trabaho. Kalahating taon ang gugulin niya para makapag bakasyon sa kung saan man niya gusto.
It's about time for him to take some break. He really wanted that much. He never knew that he could be more elated than he thought from the past few years.
"Kuya dito ka nalang ha?" Isang malambing na tinig ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran.
Nakaupo sila ngayon sa damuhan. Nilingon niya ito at masuyong hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Palagi naman akong dadalaw dito Henry at saka alam niyo bang madalas ko na kayong madadalaw dito kasi," Sinadya niyang bitinin ang sasabihin sa mga bata.
Natatawa naman siya sa mga reaksyon nito. Halatang excited sa sasabihin niya. Namimilog pa ang mga mata.
"Kasi???" Sabay sabay nilang sabi na halatang hindi na makapag hintay. Nakangiti lamang siya habang iniisa isa niyang tignan ang mga mukha nito.
Malapit ang loob niya sa mga bata lalo pa at halos lahat sa mga ito ay ulila na. May mga inabandona at may mga namatayan na ng mga magulang.
Ipuwinesto niya ang sarili sa maayos na pagkakaupo.
"Kasi anim na buwan akong wala sa trabaho!" Sigaw niya na tuwang tuwa pa habang parehong nakataas ang dalawang kamay.
Naghiyawan ang mga ito at saka nagpagulong gulong sa damuhan. Sunod sunod na malalakas na tawa ang pinakawalan niya sa mga naging reaksyon ng mga bata.
"Love kami ni kuya! Love kami ni kuya!" Bahagyang may tono pa ang pagkakabigkas ni Henry habang tumatalon talon. Nasa walong taong gulang na ito.
"Kuya excited na kami sa laro natin at sa mga gagawin natin dito sa loob ng bahay ampunan!" Isang maliit na bubwit naman ang nagpakawala ng isa pang excitement. Si Sarah. Nasa pitong taong gulang naman ito.
"Kuya namiss ka namin!" Si Johny naman ang nagsalita.
"Ikaw lang talaga ang kuya namin na pogi na, magaling pa sumayaw at kumanta!" Sigaw naman ni Lucy sabay halik sa pisngi niya.
Masuwerte siya sa mga bata. Ito ang malaking dahilan kung bakit meron siyang tapang para lumaban sa buhay. Sa kabila ng kalungkutan niya ay ang kasiyahang nararamdaman niya tuwing nakikita niya ang mga ito.
"Naku Lucy ah, Binobola mo naman si kuya Paris niyan. Hahaha!" natatawa niyang sabi dito sabay haplos sa malambot nitong buhok.
"Totoo po!" Angal naman nito.
He cannot help it but be glad to have these angels. Nagmistula siyang isang panganay na anghel sa mga batang nakapalibot sa kanya.
"Totoo ba 'yan? O sige paniniwalaan 'yan ni kuya pero sa isang kondisyon!" He suddenly raise his right arm for a signal that they must listen and be quiet. Nakinig naman ang mga ito.
"Lahat ng 'andito ngayon sa playground sasayaw! At syempre, kasama si kuya Paris! Okay ba 'yon?" Namangha ang mga mukha nito sa sinabi niya.
Kaagad naman na nagsi-tayo ang mga bata.
"Naku! 'yon lang pala kuya Paris! Kayang kaya ko 'yan!" Hiyaw naman ni Johny. Natawa siya sa inasal nito.
Nasa mahigit dalawampung mga bata ang nakapalibot sa kanya.
"Okay sige!" Excited din siyang tumayo at nakisabay sa mga batang handa na sumayaw.
Mabuti na lamang at may oras pa sila para gawin ang kanilang ginagawa sa tuwing dumadalaw siya sa mga ito. Inutos niya sa isa sa mga bata na kunin ang speaker mula sa kotse niya.
Palagi niya iyong dala sa tuwing dadalaw siya. Alam niya kasi na palagi silang magsasayaw.
Nagsimula na ngang gumalaw ang mga ito nang magsimulang tumugtog ang musika.
Giling agad ang ginawa ni Paris habang nasa bewang niya ang dalawang kamay. Naghiyawan ang mga bata at kaagad na ginaya ng mga ito ang ginagawa niya.
Habang tuwang tuwa sa pagsasayaw ay isinasabay naman nila ang bawat indak ng kanilang mga paa habang nasa bewang pa rin ang mga kamay. Giling at paulit- ulit na ikot ang ginagawa nila.
Tuwang tuwa ang mga ito sa ginagawa ni Paris na talaga namang kanilang namimiss kapag hindi siya makadalaw.
Pagkatapos ay inilagay naman niya ang kanyang dalawang palad sa may dibdib niya at ikinabog kabog niya iyon na siyang namang sinunod ng mga bata mula sa kanya.
Napatawa pa si Johny sa ginawa ng kuya Paris niya. Napapatawa na rin ang mga madre na nakakakita sa kanilang ginagawa. Pero tuloy pa rin siya sa pagsayaw.
Dahil sanay din si Paris na mag shorts, nasanay din siyang makipaglaro sa mga bata nang naka-paa lang. Habang isang puti at manipis na sando lang ang suot na pang itaas niya.
Tumatawa habang sumasayaw ang mga bata dahil sa ginagawa ng kanilang kuya Paris. Tila may invisible microphone siyang hawak habang sumasayaw at kunwari ay kumamanta.
His sweat is just like a crystal clear in the dawn. Namumula ang tainga, siko, at talampakan nito habang sumasayaw. Hindi alintana ang init ng araw. His round butt made his figure more strong and well defined. Iyon siguro ang ikinatutuwa ng mga bata habang sumasayaw siya.
Natapos ang tugtog at pagod na napahiga si Paris na ginaya naman ng mga bata. Napansin niya iyon kaya kunwari ay nagsu-suspetsa siyang tinitigan ang mga ito saka nagsalita.
"Ginagaya niyo pa rin ako ha! Hahaha halinga kayo dito!" Kasabay ng pag sundot niya sa mga tagiliran ng mga bata ay ang sabay sabay na hiyawan at takbuhan ang naganap.
Tumatawang hinabol niya ang mga ito.
****
Ilang dial na ang ginawa ni Helen ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya.
She's trying to reach out for Grecian. Hindi siya makakapayag na mawala nalang ito bigla sa buhay niya. Sa pang-ika labing limang dial niya ay matagal bago nito sagutin ang tawag.
"He-hello..? Gre--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla itong magsalita.
"What are you trying to do this time Helen?! I thought I made myself clear to you! Can't you understand? It's over! Ayoko na at wala na akong balak na bumalik pa sa 'yo!" Malakas ang boses nito dahilan para sumakit ang tainga niya sa ginawa nitong pagbulyaw sa kanya.
Tila hindi naman siya natinag sa ginawa nito at mariing nagsalita.
"Hindi ako papayag Grecian! 'Yong mga promises mo!? 'Yong pangako mong ako lang at wala nang iba?!" Nangingilid na naman ang mga luha niya.
"Damn it! Ilang buwan na ang lumipas Helen! Hindi mo pa rin ako tinitigilan?! Sa'n mo nakuha 'tong number ko?!"
"Naghanap ako ng paraan! Hinanap kita sa pinagtatrabahuan mo pero palagi ka namang busy sa modelling mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kinuha ko 'yong number mo sa Manager mo." Mangiyakngiyak na tugon niya dito.
"Wala na tayo! 'Wag mo na akong guguluhin ulit!" Walang alinlangang pinatay nito ang cellphone.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Helen habang umiiyak. Nasa kotse siya at kanina pa umiinom ng alak. Pinilit niyang iwasan ang nararamdaman na sakit kaya sumama siya sa kaibigan niyang si Paris. Ang akala niya ay gagaan ang loob niya sa pagsama dito ngunit palaging sumasagi sa isipan niya ang ginawang pang-iiwan ng kanyang nobyo.
Please Grecian Ikaw lang ang mahal ko.. Alam kong mahal mo rin ako...
****
"Wala na tayo! 'Wag mo na akong guguluhin ulit!" Hindi na alam ni Grecian kung ano pa ba ang dapat niyang gawin para lang maintindihan ni Helen na ayaw na niya dito.
Pagkatapos niya itong kausapin sa cellphone ay bigla namang huminto ang minamaneho niyang kotse. Palabas na sana siya ng makati para isang event na dadaluhan niya.
This is one of the gatherings wherein he's able to promote his latest attires in fashion industry. He's not just a famous model, he's also a multi millionaire, aside that he earns wealth and fame as a fashion model, his father owns two ranches. He's one of the most indemand male models. Women would go not just after his money. To have Grecian Grey, is one of the most great blessings that a woman could ever have. Lahat nakatingala sa kanya.
"F*ck! Kung kailan naman oh!" Hindi niya akalain na hihinto ang kotse niya. Binuhay niya ulit ang makina nito ngunit bigo siya. Ilang ulit pa niyang ginawa ngunit hindi na ito umaandar.
His frustration would always intensify him to the point that he couldn't able to control it and burst out like hell.
Dahil sa galit, bumaba siya ng sasakyan.
At some point, there's a part in his mind that's blaming Helen for calling and for causing a badluck. Although he does not believe in luckiness.
Pagkababa niya ay deretso agad siya tumingin sa paligid. Puro damo at mga puno ang nakapalibot sa buong daan. Mas lalo lang siyang nanlumo nang mapansin niyang flat ang isang gulong nito. Wala na siyang ibang choice kundi ang humingi ng tulong. Naglakad lakad siya hanggang sa makita niya ang isang malaking bahay. Nagtaka siya kaya sinunod niya ang daan patungo sa bahay na iyon.
Nakarating siya sa malaking bahay at doon napansin na isa iyong bahay ampunan.
A black car catches his attention.
Napangiti siya sa narinig na tugtog mula sa loob. Sinundan niya ang tunog hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay ampunan.
Nasa labas siya ng bakuran malapit sa playground na pinaglalaruan ng mga bata.
Kapansin pansin din ang sayaw ng mga bata.
Pero mas kapansin pansin iyong lalaking nagtuturo sa mga batang sumayaw.
He thought that it was just only a routine but he notice how the guy moves his body with the beat of the song.
Kahit nakatalikod ito sa kanya, punong puno ito ng sigla at kasiyahan.
Doon lang niya napansin na sobrang pamilyar ito sa kanya hanggang sa umikot na nga ito, doon niya lang napagtanto na si Paris pala ang sumasayaw.
Hindi niya alam na may ganoon pala itong side. Nakatitig lamang siya dito habang iniiksamin ang buong pigura nito.
From his head and his endearing dark brown eyes down to his strong and round butt. Plus like a porcelain skin that makes his elbows, and ears pink because of sunlight.
Doon lang niya nakita na may ibubuga ito. Alam ni Grecian ang mga tipong may potential sa modelling.
But in the case of Paris, an extraordinary and hidden personality he never knew about the guy, is something like a treasure for good.
****
"Kuya Paris!" Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong kabahayan nang sumigaw ang isa sa mga batang nakasayaw ni Paris kanina.
Kasalukuyan siyang nasa canteen ngayon at kumakain. Nilingon niya ang bata at napagtantong si Henry lang pala iyon.
"Kuya, may naghahanap sa 'yo." Humahangos na sabi nito nang makahinto na malapit sa kanya.
Nagtaka siya kung sino iyon. Ni isang taong kilala niya ay alam niyang di siya hahanapin nito kapag nasa bahay ampunan siya. Maliban nalang kung bumalik si Helen.
"Sino daw Henry?" Takang tanong niya dito.
"Lalaki po kuya eh 'di naman po pamilyar 'yong mukha niya at ngayon ko lang din po siya nakita," Halatang hindi nito alam kung sino ang lalaki.
Nakakapagtaka...
Minabuti niyang tapusin agad ang pagkain at saka nagsimulang maglakad palabas ng bahay.
"Nasaan ba siya Henry?"
"Nasa likod po ng bahay kuya," Tugon nito habang kasama niya ito at nakahawak ang kamay sa sando niya.
Tumingala ito sa kanya.
"Hahaha! kuya, hindi mo pa rin tinatanggal 'yang tali sa buhok mo?" Natatawang sabi nito.
Doon niya lang napansin na nakatali pa rin pala ang buhok niya. Napatawa siya sa sinabi nito
"Naku! oo nga noh? Hahaha! si Sarah talaga oh," Hinawakan niya ang buhok niya pero hindi na niya tinanggal ang tali. Ganoon naman lagi si Sarah pag dumadalaw siya. Buhok niya ang pinagtitripan ng bata.
"Hayaan mo na," Sabi niya kay Henry.
"Kuya alam mo bang pogi din ang naghahanap sa 'yo? Kaso mas matangkad siya sa 'yo pero syempre! ikaw pa rin ang pinaka pogi kong kuya!" The child try to sugarcoat.
Kunwari ay pinaningkitan niya ito ng paningin at tinaasan ng kilay. Natawa naman ang bata sa ginawa niya kaya nagsalita ulit ito.
"Totoo po!" nakangiting sabi nito. The child is a humorous and Paris knew about that. He actually see himself because of Henry's personality.
Nginitian niya nalang ito. Tumatawa ang dalawa habang papunta sa likod ng bahay ampunan.
Kung ikukumpara itong bahay ampunan sa iba ay mas tahimik, tago, at mabubuti ang mga taong makakasalamuha. Iyon ngalang dahil sa tago ito, mahirap din itong mapansin ng mga tao dahil may malalaking puno ng mangga ang nakaharang sa harapan ng bahay kung kaya, hindi rin ito mapapansin ng mga dumaraan na sasakyan.
Isang bulto ng lalaki ang kanyang nadatnan nang marating nila ang likod ng bahay.
Nakatalikod ito sa kanya. Nagtaka siya kung bakit napaka pormal ng suot nito.
Aattend ba 'to ng seminar?
Napaisip siya.
A dark blue long sleeve that suits to his broad shoulders and to his elbows that made him a gentleman. A classy gray pants that combines from his upper attire plus an attractive dark brown leather belt accentuated with his dark brown and manly leather shoes.
Kahit siguro anong suotin nito ay talagang babagay. Bahagyang nakatupi pa ang dulo ng pantalon nito. Para siyang sira habang iniiksamin ang suot ng lalaki.
Pero nang lumingon ito,
Para siyang nagulantang nang humarap ang lalaki. Doon niya napansin na sobrang pamilyar nito. Nang tuluyan na itong makaharap sa kanya, agad niyang tinanggal ang pink na tali na nasa buhok niya. Dali dali niya iyong binigay kay Henry. Mabilis naman nitong tinanggap ang tali.
Lumapit naman ang lalaki kay Paris at agad na nagsalita.
"Paris,"
"Anong ginagawa mo dito?" Kahit naging bato ang kanyang utak dahil sa presensya nito ay mabuti na lamang nagawa pa niyang magtanong. Hindi niya akalain na mapapadpad ito dito gayung di naman ito pamilyar sa lugar. Ni hindi niya matandaan na sumama ito dito kasama si Helen.
"Nasiraan kasi ako ng sasakyan 'tsaka baka umulan na rin, I have an important meeting to attend, And I badly need your help." Agad na sabi nito.
Napatingin naman siya kay Henry nang bigla nitong hilahin ng bahagya ang kanyang sando. At umakmang bubulong.
"Kuya, kaano ano mo siya?" Bulong nito. Napapangiti siya sa pagiging maosyoso nito sa mga taong malapit sa kanya.
"Isa siyang kaibigan Henry," Nakangiting tugon niya.
"Sige na, makipag laro kana muna kila sarah." Dagdag pa niya. Kaagad naman itong tumango.
Akmang tatakbo pero napahinto din agad.
"Pano 'tong tali mo kuya?" Takang tanong nito sa kanya. Lumingon siya kay Grecian na nakatingin lang sa kanila.
Kita niya ang pag-ngiti nito na siyang ikinahiya naman niya.
"Ibigay mo muna kay sarah Henry, Kukunin ko nalang mamaya."
Nilingon niya ulit ang lalaki sa harapan.
Hindi pa rin mawala wala ang tikas nito. Batid niya iyon.
Tumingila si Paris at doon niya nakita ang nagbabadyang malakas na buhos ng ulan.
"Pumasok ka muna baka abutin tayo ng ulan," Sabi niya dito.
"Thanks," Kahit pa yata ang pagpapasalamat nito sa kanya ay batid niyang may dating talaga.
"Doon nalang tayo sa may bench malapit sa playground, May masisilungan din doon. Teka, kumain kanaba?" Iyon ang isa sa mga kaugalian ni Paris na hindi maikakailang natural na isang maalalahanin.
Nilingon niya ito mula sa likod niya habang naglalakad sila.
"Sige, doon nalang tayo mag-usap. Pero hindi ko itatanggi na gutom na talaga ako," Bahagyang napatawa pa ito. Kumalam ang sikmura nito na narinig pa ni Paris.
"Mukha nga," Napatawa na rin siya.
Nakarating sila sa may bench at doon na muna ito iniwan para kumuha ng pagkain nito.
Nakabalik din naman kaagad si Paris makalipas ang ilang minuto.
Nakita niya itong nakatulala at parang may malalim na iniisip.
"Grecian? Eto oh, may sinigang na baboy at adobong baboy kinuhanan na rin kita ng itlog baka sakaling gusto mo." Nilingon siya nito at maagap na kinuha ang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Ilang ulit pa nitong tinitigan ang mga pagkain na binigay niya.
"May problema ba? Ayaw mo ba niyan?" Takang tanong niya dito nang mapansin na tinititigan nito ang mga pagkain.
Umiling naman ito.
"Hindi naman, ngayon lang ulit ako makakain nitong sinigang at adobong baboy. Matagal na bago ako makakain ulit ng ganitong pagkain, you know, Model." Doon niya napagtanto na hindi pala ito dapat kumakain ng ganoong pagkain lalo pa at mataas ang calories nito.
"Hala! oo nga pala, Pasensiya na, gusto mo kumuha ako ulit? May mga nilutong gulay naman sa canteen,"
"No no it's okay, I really want to eat something like this. Besides, it's better to have some food like these. Hindi lang ako makaligtas sa Manager ko," Napapatawa nitong tugon sa kanya at kaagad na sumubo ng pagkain.
"Oo nga pala, pasensiya na kung medyo natagalan ako pabalik. Kinausap ko muna si mang Kulas na ayusin 'yong kotse mo, sa 'yo naman siguro 'yong nasa labas diba?" Tanong niya dito. Tumango naman ito habang ngumunguya. Natawa siya sa ginagawa nito. Halatang gutom na gutom.
"Aayusin na 'yon ni mang Kulas, kaso baka matagalan daw kasi sira ang makina at butas pa ang gulong. Ipina-check ko kanina kay mang Kulas habang kumukuha ng pagkain,"
Dagdag pa niya. Tumatango tango lang ito habang kumakain.
Nakita niya sa di kalayuan sina Sarah, Lucy, at Henry na matiyagang nakatingin sa kanilang dalawa.
Sumenyas siya gamit ang kamay niya para tawagin ito. Mabilis ang ginawang pagtakbo ng mga bata palapit sa kinaroroonan nila.
"Kumain na ba kayo?" Tanong niya sa mga ito nang makalapit na ang mga ito sa kanya. Napansin niyang hindi kaagad nakatingin sa kanya ang mga bata nang tinanong niya ang mga ito. Nakatitig lamang ang mga ito sa katabi niya.
"Henry? Sarah? Lucy? Kumain na ba kayo?" Pukaw niya sa mga ito.
"Opo kuya!" Sabay sabay na tugon nito nang mapansin siya.
"Naku ah! Nagkaroon lang tayo ng bisita, hindi niyo na agad ako pinapansin." Kunwari ay nagatampo siya.
Tumawa naman ang mga ito.
"Siya nga pala si kuya Grecian niyo, 'yan ang tunay na nagmomodel," Pakilala niya dito.
Manghang nagsalita naman ang mga ito.
"Hi kuya Grecian! Ako nga po pala si Henry!"
"Hi kuya! Ako naman po si Sarah!"
"Hi kuya Grecian! Ako naman po si Lucy!" Masigla ang mga ito habang nagpapakilala.
Nginitian nito ang mga bata at saka isa isang ginulo ang mga buhok. Napansin niyang tapos na pala itong kumain.
Ang bilis naman niyang kumain.
Hindi niya alam na malapit din pala ito sa mga bata.
May nakita si Paris sa mga mata ni Grecian. Natural na nangungusap ang mga mata nito na para bang lagi iyong ngumingiti.
Ngayon ko lang napansin 'to...
"Kuya Paris, isa rin ba siya sa mga crushes mo?" Parang isang malaking pakwan ang hiniwa sa harap ni Paris nang biglang sabihin Iyon ni Sarah. Nakita niya si Grecian na parang mabibilaukan.
"Sarah!" Sabay na saway ni Lucy at Henry. Pero huli na ang lahat.
Malakas ang pagkakasabi nito at sigurado siyang narinig nito iyon.
Nagdesisyun siyang magpaalam na muna dito kasabay ng mga bata.
"Ihahatid ko na muna sila ha? May mga assignments pa kasi silang dapat gawin–"
"Wait, I want to talk to you." Natigilan si Paris sa pagkilos nang bigla itong magsalita.
Tinignan niya ang mga bata at saka sumenyas na mauna na muna ang mga ito.
"Ikaw naman kasi Sarah, hindi mo pinipigilan 'yang dila mo. Ayan tuloy mapapahamak pa si kuya Paris," Narinig niyang bulong ni Henry dito.
Lumingon si Sarah kay Paris.
Tila isang maamong mukha ang nakita niya dito. Hindi niya masisisi ang bata. Natural lamang iyon at naiintindihan niya iyon.
Nginitian na lamang niya ito para hindi na ito mag-alala sa kanya.
"Paris, what is your s****l preference? Alam ba 'to ni Helen?" Mula sa likod ay nagulat siya sa biglang pagtatanong nito.
Wala na siyang maitatago pa dito. Kung itago man niya malalaman at malalaman din naman nito ang buong pagkatao niya.
Humarap siya at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan bago magsalita.
Tiningnan niya ito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
Maybe he's cursing Paris to death if he ever knew.
Wala akong pakialam sa magiging reaksyon mo Mr. Grey.
Sigaw naman ng isip niya.
"I'm a bisexual, Hindi ito alam ni Helen. Tanging ang mga taga dito, at mga bata lang ang may alam na ganito ako at ngayon ikaw. Kahit na magkasama kami ni Helen kahit na matalik kaming magkaibigan, hindi ko sinabi. I'm afraid to lose another friend because of who I am, kahit na alam kong pandidirihan niya ako pag malaman niya ang katotohanan. I do not care for those people who underestimate me, for as long that I live and I dont harm them, I'm contented. 'Wag mo na sanang banggitin ito kay Helen, ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Para ko na siyang kapatid," Nakikinig lamang ito habang nagsasalita siya. Alam niyang malalim ang iniisip nito na halatang makikita sa mga mata nito.