CHAPTER TWENTY TWO *BHL: Jealous*

1190 Words
Sobrang liwanag sa paligid pero hindi maramdan ni Paris ang init. Presko ang hangin na tumatama sa buhok at balat niya. Tinatanaw niya ang malawak na lupain ng rancho sa Alegria. Kasabay din niyon ay maririnig ang tawanan mula kay Henry at Sarah. Kasalukuyang naglalaro ang mga ito sa tabi niya kung saan nakasilong sila sa dalawang malaking puno ng mangga. "Kuya Paris, hindi ba natin pupuntahan si kuya Grecian doon?" Blangko ang mukha nang tingnan niya si Henry. Napatingin naman siya nang mapansing ngumunguso ito sa bandang likuran niya. Nakita niya si Grecian na kasama ang babae. Hindi alam ni Paris kung ano ang unang mararamdaman nang mapansing nakalingkis ang mga kamay ng babae sa braso ni Grecian. Nag-iwas siya ng tingin. "Kuya Paris, ano? Pupunta ba tayo?" Napatingin siya nang si Sarag naman ang nagtanong sa kanya. "'Wag na. Hayaan na lang muna natin siya. Mukhang busy pa si kuya Grecian niyo." Dahan-dahan siyang napatingin ulit sa kinaroroonan ng mga ito. Medyo malayo ang mga ito sa kanila pero nakita niyang nakatingin ito sa kinauupuan nila. Napaiwas ulit siya ng tingin. "Kuya, may tanong lang ako sa 'yo," nakangiting sabi ni Henry pero pansin niya ang pag-aalinlangan nito. "Sige lang Henry." Ngumiti siya dito. "Kuya kasi, alam naman namin ni Sarah kung ano ka 'di ba? At nasabi mo na rin sa 'min dati na isa si kuya Grecian sa mga hinahangaan mo. Bago pa namin siya makilala... Hanggang ngayon po ba, hinahangaan mo pa rin siya?" Nakatitig si Paris kay Henry. Alam ni Paris na likas kay Henry ang pagiging prangka. Para kay Paris ay para na itong isang matanda kung makipag-usap. Kaya minsan natatawa siya sa inaasal nito pero hanga siya sa pagiging maunawain nito. Sinusubukan ni Paris na intindihin ang tanong ni Henry sa kaniya. Isang ngiti ang ginawa ni Paris at saka napa-buntonghininga. "Ang hirap naman niyan Henry..." Hindi alam ni Paris kung ano ang isasagot sa tanong nito sa kaniya samantalang nakikinig lamang si Sarah. Bahagya siyang napatawa. "Sasagutin mo lang po naman kung oo o hindi eh..." Napatawa ito sa sinabi. Naningkit ang mga mata niya dito. Kahit na alam niyang binibiro lang siya ng bata, hindi niya maiaalis na gusto pa rin nitong sagutin niya ang tanong nito. "Sige sasagutin–" bago pa maipagpatuloy ni Paris ang sasabihin ay bigla siyang natigilan nang biglang may umakbay sa kaniya. "Mukhang seryuso ang usapan niyo ah?" Hindi lubos maisip ni Paris na ganoon kalapit ang mukha nito sa kaniya. He can't get away from those deep and sharp eyes. Tila hindi niya mahagilap sa isipan kung ano ngaba ang dapat na sabihin. "G-grecian? Nandiyan ka na pala anong ginagawa mo dito?" Hindi niya alam ang gagawin. Bigla siyang napaiwas ng tingin mula dito. Napangiti naman ito sa naging reaksyon ng mukha niya. Nang tingnan niya ang dalawang bata ay ganoon na lamang ang lapad ng mga ngiti. Sinamaan niya ito ng tingin. "Henry, Sarah, may sasabihin ako sa inyo pero sana sa atin na lang muna 'to ah?" Napabaling ang atensyon niya kay Grecian nang magsalita ito. Nakita naman niyang nakangiting tumango ang dalawa dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya sa susunod na sasabihin nito. Parang may kakaibang napapansin si Paris. Bahagyang napahinga ito ng malalim bago muling magsalita. Nakaabang pa rin si Paris. "Gusto ko si kuya Paris niyo..." Namilog ang mata ni Paris dahil sa sinabi ni Grecian. Tila nawalan at umurong ang buong hininga niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Natataranta siya sa magiging reaksyon ng mga bata. Pero mas ikinabigla niya ang itinugon ni Henry. "Napansin ko nga po eh..." "Ako din po, lalo na si kuya Paris..." Si Sarah naman ang nagsalita. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng dalawa. At mas lalong hindi niya akalain na ganoon na lamang din ang sasabihin ni Grecian. Ano bang trip nito? Ano bang pumasok sa isipan nito at bigla bigla itong nagsasalita??! Parang sasabog na si Paris dahil sa inis at kaba. "'wag niyong papakinggan ang sasabihin ni kuya Grecian niyo ha? Hindi lang 'yan nakakakain ng maayos kaya kung anu-anong sinasabi. Tara na lumipat tayo." Natatarantang tumayo si Paris at saka hinawakan ang dalawang bata palapit sa kaniya. Akmang aalis na sila nang bigla namang hawakan ni Grecian ang kamay niya. "Paris, please... Gusto kita..." Napalitan ng lungkot ang masasayang mata nito nang sabihin nito iyon. "Grecian,bPlease naman, nasa tabi natin ang mga bata. Hindi pwede na sinasabihan mo ako ng ganiyan sa harap nila." Dali-dali niyang tinanggal ang kamay nito at saka nagmamadaling umalis. Sa isipan ni Paris ay baka hindi lang nito alam kung anong nararamdaman para sa kaniya pero para sa kaniya ay mas mabuting manatili na lamang sila sa pagiging magkaibigan. Kung anuman ang namagitan sa kanila ay hindi na dapat malaman ng iba. Nakakapag taka na bigla na lamang itong magsasalita ng gano'n. Ano bang nakain no'n? O baka naman masyado lang siya nakipag mabutihan doon sa babaeng 'yon?? Naiinis din si Paris sa sarili niya dahil kakaiba ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya alam kung magsisisi siya sa mga sinabi niya kay Grecian o paninindigan niya ang kaniyang mga sinabi. **** Ang akala ni Grecian ay mapipigil pa niya ang sarili. Habang tumatagal na magkasama sila ni Paris ay mas lalo lang siyang nahuhulog para dito. Mas lalo siyang nagkakaroon ng pakiramdam na lalalim ang kaniyang pagtingin kay Paris. Nakatanaw na lamang siya kung saan naroroon sila Paris kasama ang mga bata. Lalaki siya pero bakit ganoon ang pakiramdam niyang parang unti-unti na siyang nahuhumaling kay Paris? Naiinis siya sa sarili dahil hindi mawala-wala iyong unang pagkakataon na may nangyari sa kanila. Naaalala niya ang katawan nito, ang mga nagungusap na mata. Sh*t! Mariin na pagpikit ang ginawa ni Grecian. "Señorito, si sir Paris ho ba ang tinatanaw niyo?" Bigla siyang napalingon nang may nagsalita. Hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya ang isa sa mga trabahador nila. Muli niyang ibinalik ang atensyon kay Paris at saka nagsalitang muli. "Oo, Toni. Si Paris nga..." Nakakatuwang isipin na kahit na malayo ito sa kaniyang kinaroroonan ay kitang-kita pa rin dito ang sigla at kasiyahan kasama ang mga bata. "Sige ho Señorito, mauuna na ho ako, meron pa po kasing inuutos si Señor." Isang ngiti ang itinugon niya bago ito tuluyang umalis. Nalalapit na ang kaarawan ni Grecian ngunit para sa kaniya ay mas mabuting huwag na niyang ipaalam kay Paris at sa mga bata iyon. Hindi niya maiwasan na magtaka sa ikinikilos ng kaniyang Ama. Alam niyang masyado itong strikto sa trabaho at lalo na sa kaniya. Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin nang dumating siyang muli sa Alegria kasama si Paris. Noon paman ay tutol na ito sa kaniyang pagmomodelo. Hindi niya maiwasan na mainis at magtaka kung bakit pa nito aabalahin na magkasama sila sa hapagkainan mamaya. Iyon ang dapat na sabihin niya kay Paris kanina pero dahil sa nararamdaman niya para dito ay nag-iba ang direksyon ng kaniyang sadya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD