CHAPTER ELEVEN *BHL: Sincerity*

2039 Words
Mabigat ang loob ni Grecian habang nagmamaneho pabalik sa Makati. Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Hindi niya masisi si Paris. Alam ni Grecian na mali ang ginawa niya at naging dahilan iyon para maisip niya na sumusobra na siya sa ginagawa kay Paris. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Grecian bago tuluyang ituon ang atensyon sa pagmamaneho. Mga ilang oras na rin siyang nakaalis mula sa bahay ni Paris. Dahil sa nangyari, napagdesisyunan na niyang tigilan na ito. Naisip at naramdaman niyang hindi na tama ang ginagawa niyang pang-aasar dito. Lalo nang makita niya kung gaano ito kaapektado. Naagaw ang atensyon niya mula sa pagmamaneho nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaagad niya iyong kinuha. Napansin niyang hindi naka-rehistro ang numero sa kaniyang cellphone. Agad naman niyang sinagot ang tawag. "Hello? Sino 'to?" Tanong niya. "Hello kuya Grecian? number mo ba 'to? Si Henry po 'to, kasama ko rin po si Sarah." Nakaramdam siya ng kaba nang marinig ang boses ng bata. Naalala niyang nag-iwan siya ng kaniyang cellphone number sa dalawang bata kung sakaling may importante siyang sasabihin sa mga ito. Lalo na kung gusto niya bumili at manglibre kasama ang dalawa. Napalapit na ang mga ito sa kaniya magmula nang makilala niya ang mga bata dahil kay Paris. "Oo Henry ako nga 'to, bakit ka napatawag?" Para bang hindi mapalagay sa kinauupan si Grecian. "Kuya, si kuya Paris po..." Nabigla siya nang pagkatapos nitong sambitin ang pangalan ni Paris ay bigla itong umiyak. Kinabahan na siya. "Henry, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Nasaan si kuya Paris mo?" Hindi mapigilan ni Grecian ang mag-alala. Napahigpit ang kapit niya sa cellphone nang magsalita ulit ito. "Nasa kwarto po si kuya Paris, Inaapoy po siya ng lagnat. Wala po dito si tita Luming pumunta po siya sa kamag-anak niya. Tatlong araw pa po bago siya makabalik. Sinubukan po namin na puntahan si kuya Gilbert pero wala po siya sa bahay nila. Ang sabi ng katulong nila, may inaasikaso po..." Dama ni Grecian ang pag-aalala ng bata para kay Paris. Isang mabilis na pagliko ng sasakyan ang ginawa ni Grecian pabalik sa bahay ni Paris. "Diyan lang kayo Henry. Papunta na ako. Bantayan niyo ng mabuti ang kuya Paris niyo. Kumutan niyo siya." Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis niyang ibinaba ang cellphone. Nakatuon ang buong atensyon ni Grecian sa daan. Mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho. **** Malalaking hakbang ang ginagawa ni Grecian papunta sa kwarto ni Paris. Nang marating niya ang pinto ng kwarto nito, mabilis niya iyong binuksan. "Kuya Grecian?" Nakita kaagad ni Grecian ang dalawang bata. Hindi maitatago ang pag-aalala sa mukha ni Henry nang makita siya nito. Agad siyang lumapit sa mga ito. Habang palapit siya, napansin niyang makapal ang kumot na nakapatong kay Paris. Hindi niya mapigilan ang mag-alala para dito. "Anong nangyari dito?" tanong niya habang tinitingnan ang hitsura ni Paris. Hinawakan niya ang noo nito at masuyong hinaplos ang pisngi. Nabigla siya nang maramdamang inaapoy nga ito ng lagnat. Ilang ulit na nagpabalik-balik ang tingin ni Grecian sa matang nakapikit at labi nitong na bahagyang nakaawang. "Nang magkausap po kayo kanina, bigla siyang umalis. Tapos hindi nagtagal, umulan po ng malakas. Siguro po nabasa siya. Nang umuwi naman siya, basa po siya at dumeretso sa kwarto tapos hindi po namin napansin na nagbanlaw siya. Kuya, nag-aalala po kami para kay kuya Paris." Nakita ni Grecian ang pag-aalala ni Sarah habang nagsasalita ito. Muli niyang tiningnan si Paris. Nakahawak na ito sa kamay niya. Tila gustong-gusto nito iyon dahil sa init na nararamdaman nito mula sa kamay niya. Nakapikit ito at mahigpit ang hawak sa kamay niya malapit sa pisngi nito. Naramdaman ni Grecian ang hininga nito sa kamay niya. "Kuya dalhin na natin si kuya Paris sa ospital." Napansin niya rin ang sinabi ni Henry. Napaisip naman siya sa sinabi nito. Mas gusto niyang siya na muna ang mag-asikaso dito. Kaya niya itong alagaan pero pag hindi pa rin bumaba ang lagnat nito, hindi na siya magdadalawang isip na dalhin ito sa ospital. "Henry, Sarah, alam niyo naman siguro kung saan nakalagay ang mga gamot para sa lagnat diba?" tanong niya. "Opo nando'n sa kwarto ni tita Luming," biglang sagot naman ni Sarah. "Sige kunin niyo na dali. Kumuha na rin kayo ng face towel." Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis namang lumabas ang dalawa para kunin ang mga inutos niya sa mga ito. "Paris hintayin mo ako, kukuha lang ako ng maligamgam na tubig... Sandali lang." Hindi alam ni Grecian ang gagawin pero sa kabila ng pagiging isang sikat na modelo ay nagpapasalamat siya na alam niya kung paano mag-alaga ng may sakit. Nakita niyang nagdilat ito ng mata. Pinipilit nitong tingnan siya. Napansin naman niyang naningkit ang mga mata nito. Sakto lang para makita siya ni Paris. "Paris 'wag mo nang pilitin ang sarili mo.. Sige na.. Sandali lang.." Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at nagpunta sa kusina. Kinuha niya ang nakita niyang maliit na palanggana. Ilang minuto rin siyang naghintay para magpa-kulo ng tubig. Nang matapos ay inilagay niya iyon sa palanggana at nilagyan niya naman iyon ng katamtamang lamig ng tubig. Nang matapos ay kumuha naman siya ng isang basong tubig para makainom si Paris. Halos takbuhin ni Grecian ang hagdanan para mabilis na makabalik sa kwarto nito. Hindi niya mapigilan ang mag-alala para kay Paris. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pag-aalala sa ibang tao. "Kuya Grecian, nandito na po lahat ng inutos niyo sa 'min..." Nakita niyang nakabalik na pala ang dalawa sa kwarto. "Sige, Ilagay niyo nalang diyan sa gilid ng kama." Agad namang sinunod ni Henry ang sinabi niya habang hinahawakan naman ni Sarah ang kamay ni Paris. Nakita niyang puno ng pag-aalala sa mukha ng bata habang tinitingnan nito si Paris. Muli siyang nagsalita. "Henry, Sarah, ako na bahala dito... Sige na, Ako na mag-aasikaso sa kuya Paris niyo. Pangako, gagaling agad siya," Sabi niya sa dalawa habang inilalagay ang mga dala niya sa isang maliit na mesa malapit sa kama ni Paris. "Sige kuya Grecian, basta gagaling si kuya Paris ah?" napapaluhang sabi ni Sarah. Tumango naman siya. "Pangako ko 'yan." Ngumiti siya para mapanatag ang loob ng batang babae. Marahang isinara ni Henry ang pintuan kasama si Sarah nang makalabas na ng kwarto. Tiningnan naman ulit ni Grecian si Paris. Mahigpit ang hawak nito sa kumot. Kinuha niya ang maliit na tuwalya na inutos niya sa dalawang bata. Marahan niya iyong binasa sa palanggana at piniga. Nagsimula siyang punasan ang noo ni Paris. Bahagyang naramdaman nito ang ginawa niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Pinunasan niya ito sa pisngi pababa sa leeg nito. Hindi naman maiwasan ni Paris ang umungol dahil sa ginagawa ni Grecian. Tumigil si Grecian sa ginagawa at saka kinuha ang gamot. "Paris, inumin mo muna 'tong gamot," marahang sabi niya dito. Tumingin ito sa kaniya. Nakita ni Grecian ang pagod na mga mata nito at panghihina ng katawan nito. "A-ayoko..." Dahan-dahan itong napailing nang makita nito ang gamot sa kaniyang kamay. "Paris sige na, 'wag matigas ang ulo." Tiningnan siya nito na may pag-aalinlangan. Marahan niya itong hinawakan sa likod para maka-pwesto ng maayos. Kinuha naman nito ang gamot at maagap niyang inilapit ang baso malapit sa bibig nito at saka ininom. "Pakihinaan mo naman ang aircon please..." Agad na sambit nito. Mabilis niya namang sinunod ang sinabi nito. Hindi niya iyon napansin dahil sa pag-aalala niya kay Paris. "Paris kailangang sumingaw 'yang init sa katawan mo," sabi niya dito habang nanginginig ang katawan sa ilalim ng makapal na kumot. Tila hindi ito nag-abala na pansinin siya kaya nagsalita ulit siya. "Hindi ka pa nakakapagbanlaw mula sa ulan, hindi ka rin nagpalit ng suot mo." Hindi gusto ni Grecian ang iniisip niya pero mas importante pa rin ang kalagayan nito. Kailangan niyang alagaan si Paris. Hindi na naman siya nito pinansin kaya nagsalita ulit siya. "Maghubad ka na..." Dahil sa sinabi niya, kahit na alam niyang mataas ang lagnat nito, napilitan itong tingnan siya. Kahit na may sakit ito, pansin pa rin ni Grecian ang pagka-dismaya nito sa sinabi niya. "G-grecian... Ano na naman 'to?" Nakakunot ang noo nito habang tinatanong siya. Napaiwas siya ng tingin mula dito. "Look, I have to care for you, wala rito ang tita mo. Wala rin dito si Gilbert." Parang naririndi ang tainga niya dahil sa huling sinabi niya. "Sige." Hindi siya makapaniwala sa isasagot nito. Ang akala niya ay magpupumilit itong tumanggi sa sinabi niya. Lumapit siya kay Paris. Akmang aalalayan niya ito maghubad pero agad itong nagsalita. "Ako na, kaya ko na." Kahit na nakikita niyang nahihirapan na ito sa kalagayan, mas pinipili pa rin nitong gawin ang mga bagay nang hindi humihingi ng tulong sa iba. Napansin din ni Grecian ang pamamaos ni Paris. Napansin ni Grecian na biglang napatigil si Paris sa paghuhubad. Tila pagod na pagod ito sa ginagawa kaya napahinto ito. "May problema ba?" Tanong niya dito. Huminga ito bago magsalita. "Hindi ko kaya, mabigat ang katawan ko." Dahil sa sinabi ni Paris, maagap niyang hinawakan ito sa braso at saka nagsalita. "Tulungan na kita," agad na sabi niya. Napansin ni Grecian ang pagtutol sa mga mata ni Paris kaya nagsalita ulit siya. "Don't worry, just trust me." Wala na itong nagawa kundi ang tumango na lang sa sinabi niya. Napansin ni Grecian na iba na ang suot nitong damit. "Paris 'wag kang malikot, hindi kita mahubaran," sabi niya nang mapansin niyang nag-aalangan ito sa ginagawa niya. "Sorry," mahinang tugon nito. "Relax..." Marahan niyang inangat ang suot nitong shirt. Pagkatapos ay ang suot nitong jersey shorts. Lumantad sa harapan ni Grecian ang buong katawan ni Paris. Naagaw ng katawan nito ang buong atensyon niya. Grecian started to satisfy his eyes, seeing the naked body. Napatingin naman sa kaniya si Paris. Napaiwas siya ng tingin nang makitang nailang ito sa ginagawa niyang pagtitig dito. Hindi alam ni Grecian ang sunod na gagawin. Tila nakalimutan na niya kung anong dapat na gawin. Napansin niyang bigla itong nahiga at agad na ipinikit ang mga mata. Nakahinga ng maluwag si Grecian sa ginawa ni Paris. Ngayon ay kitang-kita na niya kung gaano pinagpala at kung gaano kaganda ang katawan nito. "Paris?" tawag niya sa pangalan nito. Pero hindi ito tumugon. Naramdaman niya ang mahimbing na pagtulog ni Paris. Nagsimula siyang ipunas ang maliit na tuwalya sa katawan nito. He started on Paris neck. Everytime he moves his hand, he appreciate the kindness of Paris. Not only because of his personality but also he feels something more than scrumptious because of Paris. Pababa nang pababa ang ginagawa ni Grecian. At sa bawat galaw na ginagawa niya ay ang init na nararamdaman niya mula sa katawan ni Paris. Hanggang sa umabot na nga siya sa puson nito. Hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. He bolted to satiate his eyes blazing on fire and glazing to sense the temptation inside of his hardness, indulging every view. He didn't notice that he was already drenching his forehead because of sweat. He was just like a thirsty sopping man. It took long seconds before he realized to continue on what he is doing. Kailangan niyang mai-tuon ang atensyon sa ginagawa. Napatingin siya sa hita nito. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at minabuti na huwag iyong pansin kahit na alam niyang hindi niya magawa. Mas naisip niya ang kapakanan nito. Agad niyang hinawakan ang likod ng tuhod nito at marahang inangat dahilan para lumantad ang singit nito. Wala siyang masabi. Ang puti.. Agad na binura ni Grecian ang naisip. Hindi siya sigurado kung mabubura nga ba iyon. Marahan niyang pinunasan ang singit nito. Pinilit ni Grecian na magawa ang dapat na gawin para hindi lumala ang sakit nito. Isa iyon sa mga natutunan niya kapag matindi ang lagnat ng isang tao. Kailangan na sumingaw ang init sa katawan nito para mas mapadali ang pagbaba ng lagnat. At mas maigi na gawin niya iyon kung saan mas mataas ang init sa parte ng katawan nito. Kahit na may alinlangan si Grecian ay nagpatuloy pa rin siya. Kailangan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD