“Mag-ingat kayo sa byahe ah, paki sabi diyan sa asawa mo na huwag masyadong mabilis ang patakbo. Mukha pa namang bisugo 'yan. Bibisita na lamang kami doon kapag nakalipat na kami” wika ko.
“Talaga lilipat kayo doon?” tanong niya.
“Yes, together with her husband!” mariin sabi ng asungot na si harry.
“Kabute. Tse!”
“Basta tawagan mo ako kapag nandoon na kayo ah” sabi ko naman
“Oo naman, mag-ingat rin kayo dito ah. Aasahan ko yang sinabi mo. Sana makita mo na 'yang asawa mo para makalipat na kayo roon” turan niya naman
“Yasssz he still finding them!” singit muli ng isa.
“Sige, panget ng mga kabute ngayon” inis kong saad at tumingin kay harry na papasakay na sa kotse nila habang bitbit si hannah.
“Sige, babyee na kay tita ella, harvey” nag-wave naman si harvey gayun din si ella.
Nang makaalis na sila ay bumalik na kami ni harvey sa bahay dahil pupunta pa kaming mall. Mahirap pa naman kapag hindi tinupad ang pangako sa kaniya.
Nagbihis lang ako ng casual na damit. Hindi naman kailangan ng magarbong kasuotan. Ayos na 'tong dress na hanggang tuhod. Hindi rin naman kita ang balikat ko, balot na balot.
Pinasuot ko lamang ng plain na yello na damit si harvey at pinares ang yellow na short rito. Gwapo rin naman ang anak ko kahit anong suotin niya. Mag-ama nga talaga sila.
Harry's PoV
“How long you and marian knows each other?” I asked my wife. I need to confirm if that child really my brother's son.
Naawa na ako sa kapatid ko. Haime suffered already. Hindi ko na kayang tignan siya. Alam kong pagod na pagod na siya kakahanap kay marian. Maski ako ay napagdaanan din iyan kay ella kaya ayaw kong sumobra pa ang paghihirap ni haime. Kahit na tigasin siya, alam kong si marian ang kahian niya.
Kailangan niyang malaman ang tungkol sa batang kasama ni marian kanina. Alam kong lalo siyang mabubuhayan ng loob kapag nalaman niya ang tungkol rito.
Nang makarating kami sa bahay ay sineyasan ko na ang mga katulong na puntahan kami. Kinuha nila si ella at hannah at inalalayan papasok sa loob. Mahal na mahal ko si ella, hindi ko naman siya pipilitin na umamin. Ayoko no'n. Mas pipiliin kong puntahan na lamang si marian para tanungin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si haime.
To: Haime
We're here. Pumunta ka na dito para malaman mo kung nasaan si marian.
Gusto kong diretsuhin na agad siya dahil alam kong sabik na sabik na siya kay marian. Palaging si marian ang bukang bibig niya.
It's good that the issue between him and marian's cousin already ended. Kim knows that she failed from the start. She knows that my brother really love marian.
I'm still confuse why she have to do that things just to get haime. I mean, there's a lot of guy around her but she chooses haime. I hope that marian will immediately discover about haime's reason why he did that.
I sighed before entering our house. Hindi ko na muna siguro iisipin ang dalawang 'yun. Kailangan kong mag-focus sa mag-ina ko. Ulilang-ulina na ako sa kanilang dalawa.
Pumunta ako sa kwarto namin at naabutan si ella na naliligpit ng mga damit nila. Walang pasakalyeng niyakap ko ito. I really missed my wife, i really regretted for hurting her.
I smell her neck then kiss her in cheeks.
“Salamat dahil bumalik ka na sa akin” mas hinigpitan ko pa ang pagyakap rito.
“Salamat din dahil hindi mo kami sinukuan” she said
“Why would i? I will find you wherever you go!” mariin kong sabi na kinatawa niya
She faced me.
“Salamat!” saad niyang muli
Hindi na ako nagdalawang isip at hinalikan siya. Sweet soft lips!
“Let's create another one, honey” tinitigan ko siya at hinipo ang kaniyang bewang. I notice that her face turned red that made me chuckle. She really want that.
Akmang hahalikan ko na siya ng may kumatok sa pinto. Tangina panira!. Lumapit ako rito at saka ito binuksan.
Haime!
“Sorry if i ruined your make love. Where is she kuya?” tanong niya
“In batangas” sagot ko.
Hindi na ito nagsalita at tumakbo na pababa. I know he's so excited.
“We can continue now” isinara ko ang pinto at lumapit sa kaniya
“P-pwede naman sa susunod na araw diba?” tanong niya pero umiling ako.
“I won't accept that” tinulak ko siya sa kama at pumaibabaw sa kaniya. Mabuti at wala na ang mga damit niya.
And with that, we continued what we started. Ughm.
Marian's PoV
“Ano bang gusto mo dito sa dalawa? This irom man or thor?” tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at itinuro ang isang car na may tatak na pororo.
“Gusto mo 'yun, baby boy ko?” tumango naman siya kaya ibinalik ko ang iron man at thor na laruan at nagtungo kami sa pororo na gusto niya.
Kelan pa nagkagusto sa pororo ang anak ko. Mana talaga sa tatay niya, mabilis magpalit. Kaya nga ako nagawang palitan agad.
Kinuha ko ang kotse na may nakatatak na pororo. Medyo cute siya kasi ngayon lang ako nakakita nito.
Kinuha namin ito at binayaran na sa cashier. Nagpunta lang naman kami rito para bumili ng mga laruan ni harvey. Umalis na kasi sina ella at hannah kaya wala na siyang kalaro.
Marami-rami rin itong nabili namin dahil sinabi ko na kung anong gusto niya ay bibilhin namin.
“Mama, gutom na po ako” nakangusong aniya kaya hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na kami sa shop. Lumingon-lingon ako para humanap ng restaurant na mapagkakainan naming dalawa. Napagod na rin kasi ako kanina pa.
Sa wakas at nakahanap na kami kaya agad ko siyang hinila papunta sa loob. Kanin at ulam lang naman ang inoder namin para makapawi sa kagutuman.
Sumalampak ako sa kama rito sa kwarto dahil gusto ko ng magpahinga. Tumabi ako kay harvey dahil nakatulog na ito. Alam kong napagod rin ang anak ko dahil napakalayo ng nilibot namin.
I was about to close my eyes when suddenly someone knocked at the door. Inis akong bumangon dahil gusto ko ng magpahinga.
Binuksan ko ang pinto para tignan ang kumakatok. Pero biglang tumigil ang sistema ko ng makita kung sino ito.
What is he doing here?
“Pwede po bang magtano—” napatigil siya ng makita ako. Isinarado ko kaagad ang pinto dahil sa gulat.
“Marian?” kumatok siya ng kumatok sa pinto pero hindi ko ito pinansin. Pero kumatok pa rin siya ng kumatok.
Nakaisip ako ng paraan para mapaalis siya. Binuksan ko ang pinto at tinignan siya.
“Sino pong hanap niyo?” tanong ko rito na parang hindi siya kilala. Kumunot ang noo niya
“I'm here for marian, pwede ba kitang makausap?” napalunok naman ako dahil nandito daw siya para kay marian pero ako gustong kausapin.
Well ako nga pala si marian.
“Wala pong marian rito” isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito.
“Talk to me please” malamlam ang mata nitong tumingin sa akin. Itinulak nito ang pinto kaya napaatras ako.
Hinawakan agad niya ang pulsuhan ko para hindi ako makawala.
“Pwede bitawan mo ako. Umalis ka na!” irita kong wika at tinulak siya pero walang epekto dahil sobrang lakas niya.
“I won't. Unless you'll let me talk to you first” sabi niya
“Wala tayong dapat pag-usapan, umalis kana!” nagbago naman ang reaksyon ng mukha niya at lumabas ng bahay.
“I will come back here, i'll make sure na babalik ka sa akin!” mariing sabi niya at nilisan ang bahay ko.
Doon na lamang ako napahagul-gol sa iyak. Bakit ba siya pumunta rito, tahimik na kami pero bakit umingay muli dahil sa kaniya.