CHAPTER 4

1333 Words
“Mama, i heard you're sobbing earlier. Are you crying mama?” inosenteng tanong ni harvey sa akin at hinawakan ang braso ko. “I'm not baby, sinipon lang po si mama” nakangiting aniko at hinawakan ang kamay niya. “Baby boy ko, if someone talk to you and he say that he is your father. Don't believe on him, ha?” tanong ko at kinarga ito. “Yes po, mama” sagot niya “Tara labas tayo, magluluto na muna si mama ng food natin” tumayo ako at lumabas ng kwarto habang siya ay nakakandong sa akin. Gabi na kaya sana hindi na pumunta muli rito si haime. Natatakot ako na baka kuhain niya ang anak ko. Wala siyang karapatan na lapitan ang anak. Because in the first place he never been a father to harvey. Buo na ang desisyon ko, aalis na kami rito. I promised, if one day haime found us, uuwi na kami sa magulang ko. Limang taon na nila kaming hindi nakita kaya oras na rin siguro para makasama ko silang muli. Hindi ko lang alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nagkasama kaming muli lalo na at kasama ko si harvey na sa unang pagkakataon ay makikita na nila. Agad na kaming natulog dahil wala naman na kaming gagawin pa at dahil maaga pa kaming dalawa bukas. Dapat hindi na kami maabutan pa ni haime rito. Mas gusto kong magkasalisihan pa kami kaysa ang maabutan niya mismo kami dito. Di ako papayag baka agawin niya anak ko. It's sunday morning. Another day to do something wonderful, but how it will be if my son's father is around us. I already packed our things. Clothes, short, pants, pillow case, bags, toys, picture frames, and other importants things. At yung mga magagamit rin namin dahil ayokong bumili pa ng kung ano-ano. “Mama, where are we going po?” tanong ng kakabihis lamang na si harvey. “Kay lolo at lola tayo pupunta, baby boy ko” i answered hin while putting some make-up in my face. Kinuha ko ang mga gamit namin at isinakay na sa kotse. Meron kami non dahil nakabili ako dahil sa pagtatrabaho. Malaki naman ang sahod kaya na-afford ko. “Tara na baby boy ko” hinawakan ko ang kamay niya at naglakad papasok ng kotse. “Do you think you can escape from me?” halos maistatwa ako dahil sa boses na narinig ko. He's here, the jerk! Isinakay ko muna si harvey sa loob ng kotse bago ito nilingon. “Anong ginagawa mo dito?” lumapit ito sa akin pero umatras agad ako “Saan ka pupunta?” seryosong tanong niya “Wala kang pake” tinulak ko siya at binuksan ang pinto Pero hinila ako nito at isinara ng malakas ang pinto ng kotse. Anyare? “Hindi ka pwedeng umalis, hindi ka pa nagpapaliwanag” turan niya at niyakap ako. Sasagot na sana ako ng may magsalita sa likod namin “Mama?” takte si harvey. Agad akong hinawakan sa balikat ni haime at inilayo sa kaniya saka tumingin kay harvey. Nilapitan niya ito at hinawakan sa mukha. “You look like me” nakangiting aniya habang nakahawak pa sa mukha ng anak ko. “Mama, who is he?” tanong ni harvey at tumingin sa akin. “Hindi ko siya kilala anak, baka bagong lipat dito” lumwpit ako at tinanggal ang kamay ni haime sa mukha niya. “Aray” daing niya at tumayo saka pinagpagan ang pamupo niya. “Tara na baby boy ko” hinawakan ko si harvey sa kamay at hinila papasok na sana ng kotse. Pero hinarangan agad kami ni haime. “Ano ba padaan nga kami” reklamo ko pero pinangdiktikan niya lang ako ng mata. “Walang aalis, hindi ka pa nagpapaliwanag” saad niya Wala akong choice kun'di pumasok sa bahay kaya hinila ko kaagad ang kamay ni harvey papasok. Isinara ko kaagad ito para hindi na makapasok ang damuho niyang ama. “Hoy papasok, mamaya umulan dito!” reklamo ng isa sa labas. “Walang ulan tanga. Ang init-init” sigaw ko naman “Maiinit pala, baka mangitim ako rito” sagot niya “Inisip mo pa talaga 'yang kulay mo kesa lambingin ako!” agad kong tinakpan ang bibig ko ng mapagtanto ang nasabi ko “Then let me in” sabi niya naman at tinulak ng malakas ang pinto kaya nasira ang lock nito at ayun nakapasok siya. “Mama!” naiiyak na sabi ni harvey habang nakayakap sa hita ka. Tinignan ko naman ng masaya si haime dahil sa takot ng anak ko. “Gago ka ba, tinatakot mo ang anak ko” sigaw ko “Anak natin” siya naman “Hindi mo anak ito” anong hindi anak eh mukha palang kitang-kita na “Say all you want, anak ko 'yan” ngumisi siya at lumapit sa amin saka binuhat si harvey. “Anak ng—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ang labi niya sa labi ko “Ang daming sinasabi hindi nalang diretsuhin na gusto ng halik” nakangising aniya at lumakad papuntang sofa habang buhat si harvey. Bwisit. Anong ginagawa niya dito? Hindi ka marupok marian, hinalikan ka lang niya pero hindi ka mahal. Inis akong lumapit dito at pinanintikan siya ng mata. “Wala ka namang gagawin dito kaya bukas ang pinto, alis” akmang hahawakan ko na ang anak ko ng ilayo niya ito. “Nandito ako para kuhain kayo lalo na ang anak ko. Kung ayaw mong sumama hindi pwede” seryosong niyang sabi. “What's your name little boy?” malambing niyang tanong sa anak ko “Harvey po, kayo po?” patanong na sagot ng anak ko. “I'm your daddy by the way” nakangiting ani ni haime. “Daddy po?” tumingin si harvey sa akin ng may pagtataka kaya napaiwas ako ng tingin. “Mama, told me na you're already in heaven po” tumingin naman ng masama sa akin si haime “Anong ibig sabihin ng bata, marian? Pinapatay mo na pala talaga ako ano?” galit na tanong niya. “Ano naman, saka hindi naman ikaw ang tatay niya. Wala kang alam” inirapan ko na lamang ito. “Say all you want, anak ko siya. Nabuntis kita” nagulat ako ng may itinaas siyang isang papel. Ultrasound ko? Paanong nakuha niya 'yun? “Is this enough proof, honey?” nakangising aniya. “Ilang taon na pala ang baby ko?” ibinaling niya ulit ang tingin sa anak ko “Five po” nakangiti namang sagot ni harvey. “You want to go somewhere?” tanong muli ni haime “Sa park po” sagot naman ni harvey. Ibinaba naman siya ni haime “Go, bihisan mo na siya, honey!” diniinan niya pa ang pagkakasabi sa honey. Hinawakan ko sa kamay si harvey saka tinahak ang daan papunta sa aming kwarto. “Huwag masyadong malikot ah, mainitin ang ulo ng tatay mong panget” sabi ko sa kalagitnaan ng pagbihis ko kay harvey “Panget po?“ takang tanong niya “Oo panget ang tatay mo. Mukang unggoy 'yan” natatawang sagot ko “Ganun po?” tumango na lamang ako bilang sagot. Lumabas na kami sa kwarto at inihatid ko na siya kay haime “Bakit hindi ka nakabihis?” tanong niya “Hindi naman ako sasam—No, sasama paano kung may lumapit na babae sa akin edi walang magseselos” aniya at binuhat si harvey. “Sige na nga” inirapan ko siya at bumalik ako sa kwarto para magbihis. Ayos na itong make-up ko, saka isang palit na lang ng damit okay na. Lumabas ako sa loob ng kwarto at nagtungo sa labas para puntahan ang mag-ama. “So ayaw mo talaga namay dumikit na ibang babae sa akin?” tanong niya “Kapal mo naman, tara na ang dami ko pang bibilhin ikaw na magbayad” sagot ko at naglakad palabas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD