“Mama, look there are families” turo ni harvey sa akin doon sa mga magpapamilya.
“Are we family?” inosenteng tanong niya pero hindi ako makasagot. Hindi ko kasi masabi kung pamilya kami.
“Yes we are” sagot naman ni haime na ikinataka ko
“Paano tayo magiging pamilya, e may kabit ka” inis na usal ko
“Like what my brother said, you have no idea about what happened” sagot niya na ikinataka ko
“Anong hindi ko alam?”
“Nevermind”
Ano ba tong lalaking ito nakakastress. Bakit pa kasi bumalik, hindi naman makikipagbalikan sa'kin. Tse.
“You look insane, is there something bugging you?” nagulat akp dahil sa tanong niya, sulpot ng sulpot parang kabute.
“Oo, yang mukha mo” sagot ko
“What's wrong with my face, you want to kiss me?”
Aba ang kapa—oo!
“Asa ka!” napaatras ako dahil inilapit niya ang mukha niya sa akin
“Hoy may bata!” inis na saad ko kaya pareho kaming napatingin kay harvey na nakangiti.
“Family” nakangiting aniya na ikinataka ko naman
“He means, we should kiss each other like what husband and a wife do” sagot naman ng lalaki
“Asan ang family don?”
“Us”
“Corny!”
Tumayo ako at pumunta sa bilihan ng ice cream, nag-crave ako bigla. Sarap dumilap ng ice cream.
“Hi miss” napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. May pila kasi kaya kailangan pang mag-antay.
Hindi ko nalang ito pinansin at itinutok ko na lamang ang atensyon sa tarpaulin.
Halos mapatalon ako sa gulat ng hawakan ng lalaki ang pwet ko. Aba bastos!!
Humarap ako at sinampal ito
“Ang bastos mo ah!” inis na sigaw ko at umusod ng kaunti sa kaniya. Ngumiti naman ito ng nakakaloko.
“Why? You have a nice butt, babe!” sinampal ko itong muli pero parang baliwala lang ito sa kaniya.
“Just one nigh—You jerk” naputol ang sasabihin niya ng may biglaang sumunok sa mukha nito na ikinatumba niya.
Halos mapatid ako ng may biglang humablot ng kamay ko pabalik sa pwesto nina harvey.
Tumingin ako sa nanghablot ng kamay ko. Haime?
“Kung ano-ano kasing pinagsusuot, pwede naman balutin nalang ang sarili” inis na usal niya at habang hila-hila pa rin ang kamay ko.
Malakas ako nitong pinaupo sa sementong bangko na kinauupuan ng anak ko.
“Aray naman, parang hindi ex ah” reklamo ko at hinimas-himas ang aking pang-upo
“You're not my ex, my wife yes” sagot niya at umupo sa tabi ko. May inilabas itong alcohol at inispreyan ang aking pang-upo.
“Next time don't wear some revealling clothes, hindi naman kailangan akitin pa ko, i'm already attracted to you” aba't napaka yabang talaga nitong bisugo na 'to. Kala mo kung sinong gwapo
“Ang kapal naman ng pagmumukha mo, hindi ako nagsuot nito para sa 'yo. Kundi sa ibang lalaki” nakita ko naman kumunot ang noo niya
“Ah, sa lalaki pala ah. Tignan lang natin kung hindi mo isigaw ang pangalan ng lalaking ito sa sarap” inis na turan ng habang tinuturo ang sarili.
Hinampas ko naman ang braso nito dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.
“Hoy, may bata rito. Kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo” pinitik ko ang bibig nito na ikinangisi niya.
“Just wait until we go back home, baby” naramdaman ko ang kamay niya na ipinulot sa kamay ko. Aalisin ko pa sana pero wala na, sobrang higpit.
Hinawakan ko ang kamay ni harvey at inilapit sa kaniya.
“Ikaw na magbuhat sa anak mo tutal iyo naman 'yan” nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko. Paano ba ito?
Ngumiti siya at binuhat si harvey. Nagkukwentuhan lamang itong dalawa, habang ako ay busy sa pagtingin-tingin sa mga tindahan.
Ang gaganda ng mga plato, parang gusto ko tuloy bumili. Wala naman akong pera.
Napalingon ako sa dalawa dahil narinig ko ang pagtawa nito.
“Yep, your mama is really a sexy goddess” rinig kong sabi ni haime na ikinalaka ng mata ko.
Mabuti na lamang at wala masyadong tao rito kaya wala namang nakakarinig sa amin.
“Hoy lalaki, kung ano-anong tinuturo mo diyan sa anak k—anak natin” pagputol niya sa sinabi ko.
Tumingin naman ako kay harvey na nakangiti ngayon.
“Anong pinaguusapan niyo baby boy ko?” tanong ko rito
“Sexy daw po kayo mama” sagot niya naman kaya agad kong kinurot ang hita ni haime.
“Aray, mamaya iba makurot mo. Payag ako” nakangising aniya na ikinatahimik ko.
Naglakad-lakad pa kami kaya inabot na kami ng hapon. Hindi na nga pala kami nag-kotse kasi malapit lang naman ito mula sa bahay. Mas maganda na rin iyong makapaglakad-lakad para ma-exercies ang katawan.
At ang anak ko, iyun tumba na. Nakatulog na da balikat ng tatay niya. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko kaya hindi ako makalayo kahit kaunti.
“Ang ganda mo” napalingon ako rito dahil nagsalita siya ng wala sa oras
“Alam ko” hinaplos-haplos ko ang buhok ko. Totoo naman maganda ako pero hindi marupok.
“Ba't moko iniwan?” natigilan ako dahil sa tanong niya.
“May balak ka bang hiramin muna si harvey sa akin? Payag naman ako, basta ibalik mo rin agad” pag-iiba ko ng usapan, masakita pa rin kasi.
“No, i don't. Unless you will explain why you leave me without saying anything” lumunok ako ng ilang beses. Ba't ba kasi tinanong niya 'yun.
“Bumili pala muna tayo ng pagka— Can you please stop changing the topic, answer me straightforwardly. Why did you leave me?” pagputol niya sa sasabihin ko. Nilingon ko naman siya habang nakatuon lang siya ng diretso sa daan.
“Wala lang trip ko lang, ang cool kasi” sagot ko. Napahinto naman siya at tinignan ako ng nakakunot ang noo.
Takte, mukang mahuhuli ako neto!
“Trip? Trip mo lang? Halos mabaliw na'ko noon, marian. Tapos trip mo lang” galit na aniya pero hindi ko pinansin at naglakad na lamang.
“s**t! Iuungol mo talaga ang pangalan ko mamaya” galit nanaman na saad niya at naglakad saka hinawakan ang kamay ko.
“May balak ba kayong lumipat?” tanong niya. Dami namang tanong nito!
“Oo” sagot ko
“Saan?
“Kung saan wala ka”
Pinisil nito ang kamay ko na ikinadaing ko ng mahina. Aray
“So why did you leave me?” sumeryoso ang boses niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Ang dami mo namang tanong” reklamo ko pero hindi siya nakinig at nagtanong pa.
“For the third time, marian. Why did you leave me?” bakas na sa boses niya ang galit.
Kinuyom ko ang kaliwa kong kamay dahil bumalik nanaman ang ala-ala mula sa nangyari sa amin. Bakit ba kasi ako nasasaktan.
“D-dahil sa p-pinsan ko” nauutal na sagot ko.
“What about your cousin?” tanong niya
Huminga ako ng malalim bago sumagot. “May relasyon kayo” sagot ko kaya tahimik ang namutawi sa aming dalawa.
Taka akong tumingin sa kaniya dahil bigla itong tumawa.
“Ba't ka tumatawa?” tanong ko
“Nothing, let's go. I'll explain to you later” binilisan niya ang lakad niya kaya binilisan ko na lang din ang akin.