Nagising ako na masakit ang aking ulo, bumangon ako na sapo ko ang aking nuo. Kinuha ko ang aking cellphone para tignan kung anong oras na 3:00 o'clock ng madaling araw. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kona ni Cole, nakita kung natutulong siya ng mahimbing. Naisipan kung bumaba ng kusina para maka inom ng gamot, ramdam ko kasi na nilalagnat ako. Habang nasa kusina at umiinom ng gamot ay bigla kung nasapo ang aking bibig ng maalala ko ang nangyari kagabi, sino ang nagbuhat sakin mula sa banyo papunta sa kama? At napa tingin ako sa aking damit, napalitan na ito. Ibinaba ko ang baso at tumingin sa pinto ng kusina, nakita kung nakatayo mula roon si Cobe. Bigla akong kinabahan, bakit nakatingin siya sa 'kin? Matalim ang tingin niya na pakiramdam ko ay pati kaluluwa ko ay nakikita niya.

