Araw ng kasal ni Charmaine. Nakahanda na ang lahat, nandito kaming dalawa ni Charmaine sa loob ng bridal car. Sa manila cathedral ginanap ang kasal, napaka ganda ni Charmaine bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na wedding dress, ako ang kanyang bridesmaid. Narinig kung nag tawag na ang nakabantay sa pinto ng simbahan hudyat na maguumpisa na ang kasal kaya naman ay bumaba na ako. Nag umpisa na mag lakad ang mga bata kasama si Niko napaka gwapo niya sa kanyang suot. Makalipas lang ang ilang minuto ay ako na ang naglalakad, si Cobe ay katabi ni George dahil ito naman ang bestman ng groom. Habang ako ay naglalakad ay nakatingin ako kung saan nakatayo si Cobe napaka gwapo niya, sino ba ang hindi maiinlove sa lalaking ito. Pansin kung nakatingin rin siya sakin nang bigla siya napahilot

