Kasalukuyang nasa guestroom si Nicole, umiiyak habang naka tingin sa bintana at karga ang anak na isinasayaw. Labis labis na ang kanyang pighati dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya naaalala ng binata. Napaka sakit, nakaka durog ng puso. Galit sa kanya ang binata ni ayaw siyang nakikita, kahit ang bagong silang na bata na si Cole ay hindi nito makuhang lapitan o tingnan. Ilang besis na siyang itinaboy ng binata, dahil ayaw nitong nakikita siya sa mansyon. Lahat ng pagkain na niluluto niya ay ipinapatapon ng binata minsan naman ay nauwi itong naka kain na sa labas. Si Niko ay kinakausap naman nito pero hindi narin maramdaman ng bata na may ama siya. Malaki ang kanyang pagsisisi dahil kung hindi dahil sa mali niyang desisyon ay hindi mangyayari ang mga bagay na ito. Pumasok ang kanya

