Cobe's POV "Bitawan mo ako Cobe, hayaan mo muna ako. Ayaw muna kitang makita at makausap." Sambit niya sakin habang nakatalikod at hawak ang maleta. "No baby, kung ano man ang kasalanan ko sayo, please patawarin muna ako. I promise baby please patawarin muna ako." Sambit ko sa kanya, sa garalgal na boses dahil kanina pa ako umiiyak. Ngunit imbis na makinig siya sakin ay kumawala siya sa pagkakayakap ko mula sa likod at bitbit ang maleta na lumabas ng kwarto. Inihilamos ko ang aking palad sa mukha habang umiiyak, naninikip na ang aking dibdib na halos hindi na ako makahinga. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ng aking anak, ngunit wala si Niko. Tumakbo ako palabas ng mansyon para habulin si Nicole. Mabilis akong nakasakay sa kotse at pinaandar, pilit kong sinundan ang sasakyan niya. Medyo

