The Autumn

1752 Words
"We will meet again" sure na sure na sabi nito sa kanya. "Anyway Im Partrick Arguelo and you are?" Pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kanyang palad. Hindi nya maiwasang matulala dahil bukod sa ang gwapo nito ay parang kinakabahan sya. "Tunog pinoy ang pangalan nya"naibulong nya. Napaigtad nalang sya ng tumikhim ito para kuhanin uli ang atensyo nya. "Just...Ara" nagmamadali niyang tinanggap ang kamay nito. "Grabe ang lambot ng kamay nakakahiya ang kamay ko" bulong uli nya. Nakakunot ito at salubong ang kilay na parang iniintindi ang kanyang mga sinasabi. "Just Ara?" Ulit nito sa pangalan nya. "Yeah.." tumango tango naman sya habang ramdam parin nya ang mainit nito palad. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "So, can I call you Just? But not sound good. It's not fit for you." Sabi uli nito na titig na titig naman sa kanya at patuloy paring pinipisil pisil ang kanyang palad. Napatawa naman sya. "My name is Ara not just. Just call me Ara." "Pinapatawa lang kita." Nakangiting sabi nito sa kanya. Napanganga sya. Nailakip nya pa ang isang palad sa bunganga. "You- you-" hindi nya maapuhap ang kanyang sasabihin dahil sa pagkabigla. Ang lakas ng tawa nito sa kanya. Wala sa loob na hinampas nya ito sa balikat. "Walang 'ya ka. Kala ko hindi ka pinoy. Yon pala yon pala-" panay naman ang iwas nito habang tawang tawa parin. "Hey.. hindi ka naman kasi nagtanong." Ang lawak parin ng ngiti nito kaya kitang kita nya ang mapuputi nitong ngipin. Hinila nya ang kanyang kamay dahil hawak hawak parin nito at wala yata itong balak na bitawan iyon. Pinapormal nya ang kanyang mukha. "Yong kamay ko." Mataray nyang sabi dito. "Galit ka?" Medyo nabahiran ng alanganin ang ngiti nito pero hindi parin nito binibitawan ang kanyang kamay. Napakamot sa batok ang binata gamit ang isang kamay. "Sorry na. Pero atlest diba. Nalaman ko na nagwagwapohan ka sa akin." Kita nya bumalik ang kislap ng mga mata nito. "Hee! Iwan ko sayo,." hinila nya uli ang kanyang kamay dito na nabitawan naman nito agad kaya mabilis na nya itong tinalikuran. "Hey Ara.. wait." Mabilis itong humabol sa kanya pero hindi nya ito pinapansin kaya hinarangan sya nito. "Please" napapatitig sya sa mukha nito sa mga mata nitong nangungusap. "A-anong please ka dyan." Ibinaling nya sa iba ang tingin. Kasabay naman non ang pag ihip ng malamig na hangin at nangalaglag na dahon. "Beautiful.." rinig nyang bulong ni Patrick kaya napatingin sya dito. Para itong nakatulalang nakatitig sa kanya habang patuloy ang paglaglag ng mga dahon sa paligid nila. Wala sa loob na natulala din sya dito. Ang gwapo nito. Para itong si Adonis sa kakisigan at ganda ng tindig. Parang palaging nangungusap ang buhay na buhay nitong mga mata. Ang tangos ng ilong at ang pula ng labi. Medyo manipis iyon pero parang busog at palaging basa. Ang buhok nitong parang suklay lang ay mga daliri nito. Parang nagslow motion ang paligid nila ang paglaglag ng dahon, ang ihip ng hangin. Parang pakiramdam nya ay sila lang ang natira sa park na iyon. At ramdam na ramdam nya ang t***k ng kanyang puso. "It's so strange that autumn is amazingly beautiful while everything is falling and dying." Usal nito na nagbalik sa kanya. "Mawawala man sya pero babalik din. It will raise and grow again" sagot naman nya dito. Sabay silang napangiti sa isa't isa. "Can I take you a photo?" Tanong nito sa kanya habang pinapakita nito ang dalang camera. "Hala sya. Baka masira yang camera mo." Biro naman nya dito. Natawa naman ito. "Im sure. My camera will gonna love you My Autumn Lady." Nagkaroon ng imosyon ang mga mata nito pero hindi nya matukoy. "Please.." pakiusap uli nito sa kanya. "Sige na nga. Pero hindi ako marunong magpose." Nag aalala nyang sabi dito. "It's ok. Just do what do you want to do. Yong parang kang walang kasamang iniisip. Pero wag ang umiyak ha." Biro pa nito sa kanya kaya napasimangot sya dahil pinaalala pa nito ang pag iyak nya. Kinurot naman nito ang pisngi nya dahil sa kanyang pagsimangot. "Aray" reklamo naman nya pero hindi naman masakit. "Ok. Start na tayo." Sabi nito at mabilis ng lumayo sa kanya. Marahan muna syang naglakad habang nakangiti marahan nyang pinikit ang kanyang mga mata para damhin ang malamig na hangin. Dahan dahan nyang dinipa ang mga braso at umikot habang nakatingala ang ulo. "Hay life.." nausal nya. Medyo nagtagal pa syang kunyare ay nagmamasid sa paligid. Ang ganda ng paligid. Iba iba ang kulay ng mga dahon. Ilang besis na din naman nyang nakita nang taglagas dito sa Japan pero hindi parin sya nagsasawang makita ito. "Ang ganda. Ang galing." Rinig nalang ni Ara ang boses ni Patrick na palapit sa kanya. "Ok ba?" Tanong nya? "Pwede ka nang maging model." Sabi naman nito na punong puno ng paghanga sa boses. "Bolero" Saktong mayroon naman japanese na padaan sa gawi nila na may dala ding camera. "Sumimasen. Shashin wo totte moraemasu ka." (Excuse me. Can you take us a photo?) tanong ni Patrick dito. Pumayag naman ang japanese kaya mabilis nitong inabot ang kanyang camera dito. Pero halos mabaliw sya dahil sa mga pose na pinaggagawa nito Una ay nakaakbay ito sa kanya. Pangalawa ay nakayakap ito sa likuran nya. Mayroong nakahawak sila ng kamay na parang naghihilahan at ang pinakamasaklap pa ay nakahalik pa ito sa pisngi nya. Hindi lang sya makapalag dahil nahihiya sya sa nihonjin na kumukuha ng picture sa kanila. Parang kilig na kilig naman ito. Wala sa loob na kinurot nya ito sa tagiliran ng matapos silang magpasalamat sa japanese at tuluyan na itong umalis. "Ouch.. bakit?" Daing nito na hinaplos haplos pa ang tagiliran. Pero nakangiti naman. Katakot takot na irap naman ang sinukli nya dito. "Ikaw ha. Panay ang tsansing mo sa akin habang kinukunan tayo." Ang lakas ng tawa naman nito. "Tsansing na ba yon. Ang akala ko normal lang iyon sa couple." Pilyong sabi naman nito sa kanya. Parang uminit naman ang pisngi nya sa sinabi nito. "Couple ka dyan." Irap nya uli dito. Inakbayan uli sya nito na parang normal lang dito ang mga ganong galawan. Ang bilis tuloy ng kabog ng puso nya. "You look more beautiful when you get blush." Bulong nito sa taynga nya na nagpatayo ng mga balahibo nya. Mahina nyang siniko ang tagiliran nito "tigilan mo ako." Kunyare ay reklamo nya pero kinilig naman sya. "Iyon kasi ang iniexpect nong nihonjin, na couple tayo. Parang wala naman akong lambing sa katawan non kung malayo tayo sa isa't isa. Baka isipin pa non na may LQ tayo." Mahabang paliwanag nito pero nakaakbay parin. Hindi na sya nito binitawan. kundi ito nakaakbay sa kanya e kahawak naman ito sa kanyang baywang. 'Marupok din e' buska nya sa sarili. "Ilang taon kana dito?" Tanong ni Patrick sa kanya habang nilalagyan nito ng gulay ang plato nya. Kasalukuyan silang kumakain sa isang shabu shabu restaurant. "Almost five years." Maiksi naman nyang sagot. Tumango tango naman ito. "Matagal na pala. Kaylan ang bakasyon mo nyan sa atin?" "Tatlong buwan pa."maiksi nyang sagot uli dito. "Malapit na pala. So, hindi ako maghihintay ng matagal." Sabi nito sa kanya. "Huh?" Naguguluhan nyang tanong dito pero panay ang kabog ng kanyang dibdib. "Wala. Eat your food." Nakangiting sagot nito na parang iniwasan ang tanong nya. Nilagyan uli nito ng karne ang kanyang pagkain. "Oy tama na to. Lagay ka ng lagay sa plate ko e." Reklamo ng makita kung ano ano ang mga pinaglalagay nito doon. "Ayos lang yan. Puro gulay nga lang yan." Pambabaliwala naman nito kaya napasimangot sya. "Ikaw, nagtratrabaho ka din dito?" Tanong naman nya dito. "No. May inasikaso lang tapos nagliwaliw ng kaunti." Nakangiting kinindatan pa sya. "Wow.. patravel travel ka lang pala." Biro naman nya dito. "Hindi. Trabaho din naman kaya lang ay tapos na kaya pasyal pasyal muna bago bumalik sa pinas." Nakangiting tanggi naman nito sa sinabi nya. "Buti na nga lang namasyal pa ako sa park bago pumunta ng hokaido di sana hindi kita nakita at nakilala." Biglang naging malambing ang boses nito. 's**t! Kinikilig ako!' Sigaw ng isip nya. "As if naman maaalala mo pa ako after nito." Buska nya dito. Sumeryoso ang mukha nito sa sinabi nya. "Makakalimotan pa ba kita after nito?" Malungkot namang tanong nito. "Kung pwede nga lang kitang isama at iuwi na ngayon ay gagawin ko para hindi kana malayo sa akin." Madamdamin pang dagdag nito. "Hala sya.. di nagalit sa akin ang girlfriend or asawa mo." Biro nya ulit. Pilyo naman ngumiti ito. "Gusto mo bang malaman kung single ako or taken na?" Tukso nito sa kanya. Napanguso naman sya sa tanong nito. "So ang iniisip mo pala ay baka may girlfriend na ako or asawa." Tanong uli nito na parang inaarok pa nito kung ano ang magiging reaction nya. Inirapan nya ito. "Imposible namang wala ka ng isa sa mga iyon." Hindi sya basta basta maniniwala dito. Itsura palang nito nagsusumigaw ng maraming nagkandarapang babae dito. 'At isa ka doon' tukso pa ng kanyang isip. "Kung ganon ang tingin mo sa akin. Then bakit tayo nandito. Bakit hinahayaan mo lang akong maging malapit sayo?" Seryoso na ang tuno nito. Bakit nga ba? Tanong din nya sa sarili. "Bakit Ara?" Matiim itong nakatingin sa kanya. "Tsk! Diba nga ganon naman. Pag nag iisa lalo na malayo nagiging isang single ang tao kahit taken naman na ito. Hindi ko naman sinasabing lahat pero karamihan kasi ganon." Unti unting humina ang boses nya. "Then bakit tayo nandito. Bakit ka sumama?" Salubong ang kilay nito sa kanya. "Una pa lang pinaramdam ko na sayong intresado ako sayo." Titig na titig ito sa mukha nya na parang binabantayan nito ang magiging reaction nya. Iniwas nya ang mga mata dito dahil hindi nya kaya salubungin ang mga matiim nitong titig. "Hindi ko rin alam." Mahina nyang sagot. Narinig nya huminga ito ng malalim. "Kung hindi ba ako iyong lumapit sayo sasama kaba?" Malumanay nitong tanong sa kanya. Nasa boses nito ang lungkot. Parang nababasa nya ang kinikilos nito pero ayaw lang nyang mag assume. "Hindi ko din alam. Ito ang unang nagtiwala akong sumama sa isang lalaki." Nahihiya nyang sagot dito. Parang nakahinga naman ito ng maayos sa sagot nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD