bc

My Autumn lover

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.0K
READ
like
intro-logo
Blurb

It's so strange that autumn is amazingly beautiful while everything is falling and dying.

Si John Patrick Arguelo ay nainlove at first shot sa isang dalaga na si Ariana Caling. Isang OFW sa Japan. Hindi sinasadyang nahagip ito ng kanya kamera sa ilalim ng punong nangalaglag ang dahon. Pero hindi ito kagaya ng mga namamasyal sa park na iyon na masaya kundi bakas sa mukha nito ang pinaghalong lungkot at galit pero sa tingin ni John ay ito na ang pinakamagandang babae na nakita nya at nagpakabog sa puso nya.

*sorry po sa mga wrong spelling at wrong grammar. Enjoy reading po."

chap-preview
Free preview
First meeting
"'Nay sinabi ko na sa inyo. Hindi na ako magpapadala sa inyo." Matigas nya pahayag sa kanyang inang kasalukuyan nyang kausap sa kanya cellphone habang nasa ilalim sya ng puno sa park ng Kanazawa City sa Japan. "Ang damot mo naman. Manghihingi ba kami kung may pera kami. Wala kang utang na loob."pasigaw na sagot ng kayang ina. Alam nyang galit na galit na ito sa kanya. Hindi nya maiwasang manginig sa galit at pangilidan ng luha. "Ako pa ang madamot ngayon inay? Malapit na akong umuwi pero wala pa akong naiipon." Halos hindi nya maibigkas iyon sa kanyang ina dahil para syang sinasakal. "Kala ko pagdating ko dyan sa atin may maayos na tayong titirhan may negosyo na tayo." Pigil pigil nya ang boses para hindi sya magmukhang nakikipag away sa cellphone pero gusto nyang sumigaw gustong gusto nyang ibulalas dito ang sama ng kanyang loob. "At nanunumbat kana ngayon. Ano, gusto mo ng sumbatan? Baka hindi mo alam kung gaano ang hirap namin ng tiyo Dadong mo na palakihin ka." Sigaw ng kanyang ina sa kanya. Gusto nyang humagulgul sa iyak. "Nay. Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Punong puno ng pait ang kanyang tunong tanong sa ina. "Mula nagkaisip ako, kung sabihin kong ginamit nyo ako para mabuhay kayo ng batogan mong asawa ay pwede. Kung alam ko lang na ganito ang magiging buhay ko sana nag asawa na lang din ako at nag anak din ng marami atlest kahit mamatay ako sa kakakayod atlest mga anak ko ang nakikinabang. Hindi ang asawa nyo na wala yatang alam sa buhay kundi ang anakan kayo." Hindi nya mapigilang maibulalas sa ina. "Aba. Bastos ka ha. Porque may pera kana babastosin mo nalang kami!" Sigaw ng kanya ina. Sigurado nya kung kaharap lang nya ito ngayon siguradong kanina pa sya nito nginudngud sa lupa. "Nay. Napapagod din naman ako. Hindi naman sa ayaw ko kayong tulungan pero Nay, five years na ako dito. Nagtiwala ako sa inyo. Binigay ko lahat sa inyo pero anong ginawa nyo. Binigay nyo lahat sa asawa nyo para ipangsugal at ipang bisyo lang nya. Nay anak mo ako. Ituring mo naman akong anak hindi isang bigasan lang. napapagod din ako." Umiiyak nyang sumbat sa ina. Rinig nyang huminga ng malalim ang kanyang ina. "Pagod kana pala. Sorry ha kung nahihirapan ka." Rinig nyang tumawa ito ng mapakla. "Mula ngayon. Kalimutan mo ng may pamilya ka. Wag na wag kang uuwi dito." Halatang galit na galit syang pinatayan ng cellphone ng ina. Naisobsob nya ang mukha sa kanyang tuhod at doon pinakawalan ang hikbing kanina pa nya tinitimpi. Mula pagkabata ay kumakayod na sya. Noong elementarya sya nagtitinda sya ng sampaguita sa harap ng simbahan. Naghuhugas ng pinggang sa karenderya. Kahit pa nag-aaral sya na ang sumusuporta sa sarili. Tapos ang kinikita pa nya sa paglalako ng sampaguita ay kinukuha pa ng kanya ina para pambili ng ulam ng kanyang asawa. Uunahan sya nitong kumuha ng sahod nya sa karenderya. Maagang namatay ang kanyang ama. Dalawang taon palang yata siya noong nakuryente ito. Isa kasi itong electrician. Hindi narin naman nya ito maalala dahil bata pa sya noon. Kaya nakapag asawa uli ang kanyang ina. Kapatid din ng kanyang ama. May apat syang kapatid na anak ng mga ito. Kung gaano sana kasipag gumawa ng anak ang kanyang tiyo Dadong ay ganoon din sana ito kasipag maghanap buhay. Pero kabaliktaran naman. Noong naghigh school sya ay kinuha syang kasambahay ng kanya guro. Matanda itong dalaga. Kagaya ng dati nyang trabaho ay inuunahan din sya ng kanyang ina na kunin ang kanyang sahod at wala talagang natitira sa kanya. Dahil libre naman lahat sa kanya at malapit pa ang school nla kaya pinapabayaan nalang nya. Nasanay na din naman kasi sya. Hanggang sa nairaos nya ang high school. Dahil sa wala na din naman syang pag asang tumungtong pa ng kolehiyo ay nadecide syang magtrabaho nalang. Yong malayo sa kanyang pamilya para makaipon sya. Kaya napadpad sya sa Clark Pampanga. Nagtrabaho sya doon bilang isang factory worker at may mga sideline din sya. Gaya ng pagbebenta ng silver mga cosmetics na laway lang ang puhunan. Nag-papadala parin naman sya sa magulang pero kalahati na ang tinitira nya para sa sarili plus pa ang kita nya sa mga sideline nya para makaipon nadin. Dahil kung alam na ng mga ito na sasahod na sya ay panay na ang daing ng mga ito ng bayarin nila at gastos sa bahay. Tatlong taong din syang nagtrabaho doon hanggang sa may kasamahan syang nagyaya sa kanya para mag apply ng Japan. Dahil sapat naman na ang naipon nya at kasya namang ipangtostos nya sa kanyang pag aapply ay pinatos na nya para mas mabilis syang makaipon. Iyon ang akala nya. Mula ng malaman ng kanyang pamilya na nag-aabroad na sya ay saka naman na nag uumpisang magbago ang mga ito. Kisyo nagtratrabaho na ang kanyang amahin. Sumasideline din ito bilang driver ng jeep. Ang nanay naman sya nagtratrabaho na din sa patahian. Hehe.. jowk lang pala lahat. Ipinagkatiwala nya lahat ng kanyang ipon dahil ipapagawa na daw nila yong bahay nila. May picture pa silang pinakita. Bibili sila ng sarili nilang jeep para may hanap buhay ang kanyang tiyuhin. Magpapatayo ng mini grocery ang kanyang ina. Anak ng putik! May picture nga hindi naman pala sa kanila. Kundi sa kapitbahay nilang nakabili ng kalahati ng lupa nila na bininta pa. Na dapat ay pamana sa kanya ng kanyang ama dahil sa kanyang ama yong lupang kanilang tinitirhan ngayon. Kundi pa sya tumawag sa kanyang kababata ay hindi pa nya malalaman. Ilang buwan nalang matatapos na ang kanyang contract, pang five years na nya dahil nagextend sya ng another two years ng matapos nya ang three years contract nya at hindi na sya umuwi. Tapos ganon lang mababalitaan nya. Anong masisimulan nya sa isang taong sahod nya. Magkakasya ba yon sa kanila? For sure hindi na naman nya matitiis ang mga ito na hindi bigyan ng pera. Hindi nya napapansin na palakas na palakas na pala ang paghagulgul nya. Parang naipon ng naipon ang sama ng kanyang loob at gusto ng sumabog. Napakislot nalang sya ng may humawak sa kanyang balikat. "Hey! Are you ok?" Bakas ang pag-aalala sa boretono nitong boses. "H-huh?" Wala sa sariling napaangat ang kanyang ulo para tignan kung sino ang pangahas na kausapin sya sa ganoong kalagayan. "Are you ok? Daijyoubu?" Ulit uli nitong tanong sa kanya. Wala sa loob na naikurapkurap nya ang kanya mga mata at bahagyang naiawang nya ang kanyang labi. "Wow... ang pogi.." parang wala sa loob nyang nasambit. Alam naman nyang hindi sya naintindihan nito. Hindi ito mukhang japanese at hindi rin pinoy, mukha itong foreigner kaya alam nyang hindi sya nito naintindihan. Kunot ang noo ng lalaki na parang nawerdohan sa kanya. Pinatunog pa nito ang mga daliri sa harap ng kanyang mukha na parang sinasabing "GISING!" Kaya napaiktad sya. "A N-nani?" Natarantang tanong nya dito na ang ibig sabihin ay what. "Daijyoubu desu ka?"(are you ok)tanong uli nito sa kanya. "H-hai" (yes)nasabay pa sa pagsinok nya ang pagsagot nya dito. Napangiti naman ito sa kanya na parang hindi ito naniwala sa sagot nya dahil sinisinok pa sya sa subrang iyak nya kanina. "Hontou?"(really) tumaas pa ang mga kilay nito habang nakangiti. Mabilis nyang pinunas sa kanyang palad ang kanyang basang mukha at saka sya suminghot singhot. Mabilis naman nitong nilahad ang panyo sa kanya. "Kore tsukatte kudasai"(use this) "Iie daijyoubu. Arigatou" (no it's ok thank you) iniling iling nya ang ulo tanda ng pagtanggi dito pero kinuha nito ang kanyang kamay at nilagay ang panyo doon. Kaya wala syang magawa kundi tanggapin nalang iyon. Natawa pa ito ng suminga sya sa panyong inabot nito. "Gomenne."(sorry) hingi nya ng paumanhin dito. "Uun,daijyoubu"(no it's ok)sagot naman nitong parang aliw na aliw sa kanya habang pinapanood sya dahil ngiting ngiti ito. Dinala nya uli sa ilong nya ang panyo hindi para pamunas kundi para maamoy nya uli ito dahil parang naiwan ang ibang amoy nito sa ilong nya at parang gusto nyang samuyin uli ang amoy. Kunyare nalang pinamumunas nya uli sa ilong nya. "Ang bango naman. Nakakaaddict." Mahina nyang bulong. "So, you are not a japanese?" Tanong nito sa kanya kaya napatingin uli sya rito. "Anyway do you speak english?" "H-huh?" Wala sa loob uli nyang tanong dito. "s**t bakit ba kinakabahan ka pag nakatingin ka sa kanya?" Inis nyang bulong sa sarili. Napatampal pa sya sa kanyang noo. "Miss.." pukaw uli nito sa kanya. "eigo wo hanasemasu ka?"tanong ulit nito kung marunong ba daw syang mag english. "A a yes yes. Dekemasu.." s**t natataranta sya. Nakangiwi syang ngumiti dito ng alanganin. "A little bit" sinenyas pa nya sa daliri na maliit lang talaga. "Ok that's great. You know Im not really good in nihongo." Natutuwang sabi nito sa kanya. "Sayang. Pogi pa naman sya. Kaya lang parang dudugo yata ang ilong ko pag ito ang kausap ko." Bulong nya. "You're saying something?"tanong nito ng marinig nitong bumulong sya. "No. I didn't say anything." Tanggi naman nya. "Are you not feeling comfortable with me?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya. Mabilis syang umiling. "No no. It's not that. It's just that... pano ko ba to sasabihin.. it's just that Im not good in english, and nihongo as well." Nahihiya nyang sabi dito. Napangiti naman ito. "It's ok. if you don't know the words you can use sign language." Napatawa naman sya sa sinabi nito dahil may naalala syang kalokohan sa sign language. Pati ito ay nakitawa din kahit hindi nito alam kung ano ang kanyang tinatawanan. "Are you ok now?" Nakangiting tanong uli nito sa kanya. "Huh?" Nagtataka nyang tanong dito. "A.. yes. Thank you." Bawi nya agad ng maalala kung bakit ganon ang tanong nito. Kanina lang pala ay humahagulgul sya. "Can I have this?" Sabay taas nya sa panyo na pinahiram nito. Ngumiti naman ito. "Sure. You can keep it." "Im not going to say that I will return it to you because this will be the first and maybe the last--" "Opppss. Don't say that." Putol nito sa kanyang sasabihin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook