Her past

1731 Words
Napapangiti si Ariana ang makitang maganang kumakain si Patrick na parang gutom na gutom ito pero panay din ang lagay nito sa kanyang plato. Magkatabi silang nakaupo sa sofa at inilapit nalang nila ang center table para patungan ng kanilang pagkain. Inabutan nya ito ng tubig. "Ito o. Hindi ko mauubos ito." Offer pa nya sa mga pagkaing nasa plato nya ng makitang ubos na nito ang pagkain sa plato nito. Hindi pa naman nya lagagalaw iyon. Nilunok muna nito ang nginunguya nito saka ito sumagot sa kanya. "Kainin mo lahat yan para bumalik ang lakas mo." Sabi naman nito sa kanya. Inirapan nya ito habang ang mga pisngi nya ay namula. "Para naman akong nagkasakit sa tuno mo." Sabi nya dito. "Honey. Im just stating the fact. Alam kong nanghina ka sa ginawa natin kanina." Sabi nito na parang wala lang dito ang sinabi. Samantalang sya ay para na syang nakablush on sa sobrang pula ng kanyang mukha kaya napakurot sya sa tagiliran nito. Natawa ito sa ginawa nya. Hinapit sya nito sa baywang para mas mailapit sya nito sa katawan nito. Napansin nya ang pagiging clingy nito. Gusto nito palaging nakahawak sa kanya palaging nakayakap. Kagaya nalang ngayon. Paano sya makakakain ng maayos kung halos kandungin na sya nito. Sumubo sya tapos ay kumutsara sya uli para ito naman ang subuan nya. Umiling naman ito. "Busog na ako honey." Tanggi nito. Napasimangot naman sya. "Please. Hindi ko mauubos to kaya tulungan mo na ako huh." Lambing naman nya dito. Wala itong magawa kaya tinulungan sya nitong ubusin ang pagkain nya pero susubuan nya ito dahil nakayakap ito sa baywang nya. Pagkatapos nilang kumain ay nanuod nalang sila ng TV. Nagsiksikan silang dalawa sa sofa. Malapad naman yon kaya kasya sila. Nakatagilid si Patrick habang nakaunan sa mga pillow ng sofa. Sya naman ay nakaunan sa bisig nito. Nakayakap sya dito kaya nakatalikod sya sa TV. Marahan nitong hinahaplos ang kanyang buhok na pang nilalarolaro ito ng mga daliri nya. "Honey." Tawag nito sa kanya. "Em." Sagot naman nya. "Kwentohan mo naman ako." Hiling nito. Napahagikhik naman sya. "Anong gusto mong kwento? Kwento ni langgam at tipaklong o yong babae sa balon." Natatawa nyang tanong dito. Napatawa din naman ito "honey iyong seryoso." Kulit pa nito sa kanya. "E ano ngang gusto mong malaman." Nakangiti parin nyang tanong dito. "Tell me about your self." malambing na hiling nito. Napabuntong hininga naman sya. "Magulo ang buhay ko e. Parang wala yatang happy moments." Sabi nya saka tumalikod dito para makaharap sya sa TV. Bumuntung hininga naman ito at inayos uli ang buhok nya. "Kahit na. Gusto kung malaman kung paano ka lumaki. Kung ano ang naging buhay mo dati. Kung ilan ang naging boyfriend mo. Kung sino sino ang manliligaw mo para ipapahunting ko." Sabi nito. Napatawa naman sya sa huling sinabi nito. "Emmm. Seloso kaba?" Tanong nya habang hinahaplos haplos nya ang braso nitong nakayakap sa kanyang baywang. "Oo e." Maiksi nitong sagot. "Pero wag mo ng ibahin ang usapan." Balik uli nito sa topic nila. "Una, wala pa akong naging boyfriend--" "Ako palang" putol nito sa sinasabi nya. "Bakit sinagot naba kita?" Nilingon nya ito. Kumunot ang noo nito sa kanyang tanong. "Oo. You said you love me too." Paalala naman nito sa kanya. "Nakalimutan mo ba. Gusto mo paalala ko?" Tukso nito sa kanya. Natawa naman sya. "Oo naalala ko na." Tumalikod uli sya dito. "Pangalawa. Wala akong manliligaw. Mayroon naman pala pero hindi ko na sila matandaan." "Sila. Meaning marami sila?" Seryosong tanong uli nito. "Oo. Lalo na noong nasa Clark Pampanga pa ako. Pero hindi ko sila pinapansin kasi hindi ko maramdaman ung spark sa kanila e. Ung parang titigil ang mundo mo pag nakita mo siya. Yong parang naramdaman ko sayo noong una kitang nakita. Pagkita ko sa mukha mo parang nakalimutan ko lahat. Ang gwapo mo kasi e." Napahagikhik sya. Hindi na nya inilihim iyon dahil totoo namang naramdaman nya iyon ng una nya itong makita at totoong maraming nanliligaw sa kanya noon. "Shit.. nakabawi ka doon honey. Kinikilig ako." Sabi nito na para talagang kinilig ang boses nito. "Kaya sumama na ako. Haha. Aba choosy pa ba ako. Hindi na ako lugi sayo." Tawa nyang biro dito. "Naka jackpot pa nga." Dagdag na nya. Tawa naman ito ng tawa sa mga pinagsasabi nya. "Talaga, Jackpot ka sa akin?" "Oo. Ang laki mo e." Sabi nya. Humagalpak naman ito sa tawa. "Mas maswerte ako dahil nakilala kita. Kagaya mo hulog na hulog din ako sayo. Salamat kasi sinalo mo ako." "Naks. Lakas makamakata ng loves ko." Biro nya. Nginisihan naman sya nito. "Talaga daw ganon pag inlove." "So ano na. Kwento ka pa." Kulit uli nito sa kanya. "Sabi ko nga walang happy moments na nangyari sa akin. Ngayon palang." Iwas naman nya. "Ok lang. gusto ko paring marinig." Pilit pa nito. Bumuntong hininga sya. "Mahirap lang kami." Sabi nya. Saka nya pinikit ang mga mata. Tahimik lang naman ito sa likod nya. "And?" Tanong nito ng hindi nya dinugtungan ang kanyang unang sinabi. "Bata pa ako nong namatay ang tatay ko. Hindi ko na nga sya matandaan kung ano itsura nya." Malungkot nyang simula. "Masyado kasing seloso ang napangasawa ng nanay ko na pinsan din ng tatay ko. Ayaw na ayaw nitong may nakikita syang picture ni tatay ko. Kaya si Nanay, sinunog nya lahat ng larawan ni tatay. Mula noong pumasok ako sa elementarya naglalako na ako ng sampaguita sa harap ng simbahan sa umaga bago pumasok hindi para may pambaon ako kundi para may pambili ng ulam ang tiyuhin ko. Wala itong alam gawin kundi magbisyo, magsugal. Uminom." Hindi nya maiwasang bumigat ang pakiramdam pag inaalala nya ang karanasan nya. Naramdaman nya ang paghalik nito sa kanyang ulo. "Noong grade four ako. Pumasok akong tagahugas ng pinggan sa canteen malapit sa school. Alas quatro palang ng umaga ginigising na ako ni nanay para pumasok sa canteen. 6:30. Kakain ako ng agahan at magbibihis ng uniform. Dapat 7:00 nasa loob na ako ng school dahil pag nalate ka hindi kana papasokin." Tumulo ang mga ula nya sa mata. "Pagtanghali magmamadali akong bumalik uli sa canteen para maghugas ng plato. Madadatnan ko ang isang tambak na hugasin doon. Ten minutes before one bago palang nila ako papakainin. Magmamadali akong kumain kasi dapat ala una. Nasa loob na ako ng school. Sa hapon paglabas sa school deretsu uli ako sa canteen maghuhugas hanggang alas nueve ng gabi. Doon palang ako makakapaghapunan. Araw araw na ganon ang buhay ko. Wala akong karapatang magreklamo dahil anak lang ako." Naipikit nya ng mariin ang mga mata at pinipigilang hindi mapahikbi. Naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. "Pagdating ng sahuran, nanay ko ang kumukuha kahit isang kuseng wala siyang ibibigay sa akin. Malapit lang naman ang school at libre naman daw ang pagkain ko sa canteen." Mapait syang tumawa. "Wala din naman kasi akong time para bumili. Paggamit lang yata ng CR ang pahinga ko. Kasi pag recess doon ko ginagawa yong mga assignments ko. Hanggang sa natapos ko ang elementarya." "Pagtungtung ko ng high school. Kinuha ako ng teacher ko para maging kasambahay nya. Masungit iyon. Palibhasa matandang dalaga. Maselan sa trabaho. Gusto nya wala syang alikabok na makikita. Palaging may sugat ang mga kamay ko dahil maselan sya sa paglalaba ayaw nyang gumamit ako ng washing." Humarap uli sya dito at yumakap. "Hanggang sa matapos ko ang high School. Hindi na ako nangarap na makakatungtong pa ng college. Hindi muna ako umalis doon sa teacher ko hanggang sa kinuha na sya ng pamilya nya sa ibang bansa. lingid sa pamilya ko na binigyan nya ako ng pera para may gamitin akong pang apply. Sabi nya may kakilala daw sya sa isang agency sa Clark Pampanga inirefer nya ako doon." Humikab siya dahil parang hinihila sya ng antok habang naamoy nya ang hubad nitong katawan at panay pa ang haplos nito sa kanyang likod. "Natanggap nga ako. Natuwa ako kasi malayo ako sa pamilya ko. Bago umalis ang teacher ko ay tinuruan nya ako kung papaano mag ipon dahil hindi naman lingid dito kung anong pamilyang mayroon ako. Dahil hindi ko sila matiis ay kalahati ng sahod ko ang pinapadala ko sa kanila kalahati ang natitira sa akin. Tapos yong kinikita ko sa mga sideline ko. Nagtitinda kasi ako ng mga silver at cosmetics na laway lang ang puhunan. Malaki naman ang natitira. Hanggang sa makaipon ako kaya ako nakapag apply dito sa Japan." "Di marami kanang pera ngayon." Sabi nito na parang pinapagaan ang loob nya. Pero parang gusto nyang humagulgul sa iyak dahil sa sinabi nito. Hindi nya ito sinagot. Tiningala nya ito. " pakiss naman ako." Malambing nyang hiling dito. Para gumaan ang kanyang dibdib. Napatawa naman ito sa kanya. Masuyo siya nitong hinalikan sa labi. Masuyong masuyo na parang tinatanggal nito ang pait sa kanyang puso. "Bat ka pala umiiyak noong nakita kita?" Pinutol nito ang halik ng maalala nito ang una nilang pagkikita. Malungkot siyang napatawa. "Humihingi ng pera si inay dahil halos isang taon na akong hindi nagpapadala sa kanila. Ayon nagalit. Sabi nya wag na daw akong umuwi sa kanila pag uwi ko." Napabuntong hininga naman ito. "Di sa akin ka nalang umuwi." Pilyong kinindatan sya nito. Napangiti naman sya pero hindi sya nagcomment pa. "Sabagay kung limang taon kana dito makakabili kana ng sarili mong bahay kahit maliit lang. pero mas gusto kung sa akin ka nalang umuwi." Malambing na sabi nito sa kanya. Tumawa sya ng mapakla. "Pakabahay mo naman. pangrenta lang ng boarding house ang kaya ng budget ko." Sabi nya. Parang nagulat naman ito sa sagot nya. "Pinadala ko sa kanila lahat ng ipon ko. Dahil ang alam ko pinapagawa na nila ang bahay namin. Nakabili na sila ng sarili naming jeep na ipapasada ng tiyuhin ko. May mini grocery na ang nanay ko. Di ko alam picture lang pala lahat ng iyon. Kaya back to zero ako ulit." Malungkot nyang kwento dito. Parang hindi makapaniwala naman ito sa kanyang mga sinabi. Nakita nya ang pagguhit ng awa sa mga mata nito na syang nagpangilid ng kanyang nga luha. Hinalikan sya nito sa noo at saka siya nito niyakap ng mahigpit. "Ssshhhh. Everything will gonna be alright." Pagpapatahan nito sa kanya dahil napaiyak na sya. "Nandito na ako." Bulong pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD