Habang pinagmamasdan ni Andrew ang larawan ng kaniyang anak sa cellphone nito ay hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. Si Aica naman ay kararating lang galing sa trabaho nito. Pinagbuksan ni Leo ng pintuan ng sasakyan nito si Aica. "Alam ko napagod ka. Kaya kailangan mo ng magpahinga. Hindi na ako papasok sa loob, baka kasi kapag makita ako ng Daddy mo makapagkuwentuhan pa kami mas maistorbo pa kita at may kailangan akong kausapin, makapagpahinga ka na. Sige mauna na ako, good night," paalam ni Leo. Pero bago ito umalis ay hindi inaasahan ni Aica ang ginawa ng binata na dinampian siya ng halik nito sa kaniyang kamay. Kaya nagulat siya lalo na noong makarinig nito ang boses ng kaniyang anak mula sa kaniyang likuran. Kaya agad niyang binitiwan at inilayo ang kaniyang kamay na

