Nang matapos maligo ni Hugo ay nagmadali itong magbihis at pagkatapos ay nagtungo ito sa kaniyang ina. "Mom, I'm done. Let's go," saad ng bata ng masaya at excited. "Okay, let's go," saad naman nito sa kaniyang anak at hawak kamay silang naglakad palabas ng bahay. "Mom, sasama rin po ba iyong bodyguard? puweding huwag na po. Kasama ko naman kayo, eh," pakiusap ng bata. "Okay, saka huwag kang mag-alala dahil sa susunod wala ng bodyguard na susunod-sunod sa iyo," saad ni Aica sa kanyang anak. "Talaga po?" hindi makapaniwalang saad ng bata at natutuwa ito. "Oo anak, wala ng body guard na susunod sa iyo at papasok ka na rin sa school. At malapit na kitang i-enrolled," wika nito sa bata. "Mom, ano pong meron? May nangyari po ba?" naguguluhan at takang tanong ng bata. "Ahm, wala naman, a

