"Talaga bang ayaw mong barilin ko ang ulo ng asawa mo? Dahil inisip mo si Hugo? O dahil magpahanggang ngayon mahal mo pa ang ama ng anak mo?" tanong ng ama ni Aica noong nakapasok na sila sa loob ng bahay. "Dad, wala na akong kahit na katiting na pagtingin o pagmamahal kay Andrèw. Dahil matagal na niyang pinatay ang puso ko. At kung tatanungin n'yo man ako ngayon. Wala akong gustong gawin kung hindi ang ipamukha sa kaniya na hindi siya karapat dapat na maging ama ng anak ko, dahil ang nais ko lang ay gumanti. Iyon lang ang gusto kong mangyari," pahayag naman ni Aica sa ama nito. "Mabuti kung gano'n. At nauntog na 'yang ulo mo sa walang kuwenta mong asawa," saad ng ama nito na nakahinga ng maluwag. "Siya nga pala ako na ang bahalang kumuha ng pinakamagaling na abogado mo para sa devorce

