KINABUKASAN ay agad na nagdagdag ang ama ni Aica ng bodyguard para sa apo nitong si Hugo at dagdag din ito ng tauhan. "Good morning po, Tito," masayang bati ni Leo sa ama ni Aica. "Ikaw pala, hijo. Magandang umaga rin sa iyo. Sakto ang dating mo katatapos lang naming mag-almusal at nagbibihis na si Aica," saad naman ng ginoo. "Tito, parang dumami po yata ang ang mga tauhan niyo," takang saad ng binata. "Oo at kailangan dahil noong nakaraan napansin ni Aica na may taong sinusundan siya," wika nito. "Po? Nakilalal niyo po ba o nahuli?" agad na tanong ni Leo at kinakabahan na baka iyon ay kaniyang tauhan. "Hindi lang nakita at nuhuli. Dahil hinarang pa si Aica. Lakas talaga ng loob ng lalaki na iyon masyadong makapal ang pagmumukha," galit na wika nito. "Baka po gusto niyong makaganti

