Walang nagawa si Leo kung hindi ang pakiramdaman si Aica at pakinggan ang bawat sagot nito sa kaniyang tanong. "May problema ka ba kay Andrew? Kung meron man isang tabi mo na lang. At kung inaaalala mo magkakabalikan kami. Huwag kang mag-alala dahil kahit na ano'ng gawin niya. Hindi na mangyayari iyon," saad naman ni Aica tumingin na lamang ito sa labas ng bintana. "Wala akong problema kay Andrew. Kaso wala akong tiwala sa lalaki na iyon. Kaya kapag kasama mo siya babantayan ko rin ang mga kilos niya," saad naman ng binata at nanahimik na ito sa kakatanong. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na sila. Agad na bumababa si Leo ng sasakyan at pinagbuksan si Aica ng pintuan ng sasakyan. Inalalayan din niya itong bumababa at hinawakan pa ang isang kamay ni Aica. "Salamat

