Sa pag-uwi ni Aica at ng ama nito sa kanilang bahay ay nakita nila si Hugo na nasa terrace at hinihintay ang kanilang pagdating habang nakatanaw ito sa malayo na para panf kay lalim ng iniisip nito. Agad naman na tinungo ni Aica ang kaniyang anak sa terrace. "Anak, ano'ng ginagawa mo rito? Gabi na ah. Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Aica sa kaniyang anak na nababahala. "Wala po, Mom. Hindi po kasi ako makatulog at hinihintay ko po kayo," saad na lamang ng bata ngunit may nais sana itong sabihin at itanong. Ngunit hindi na lamang niya sinabi. Agad na tiningnan ni Aica ang mukha ng kaniyang anak at pinagmasdan ang mga mata nito. "May problema ba? May gusto ko bang sabihin?" tanong nito sa kaniyang anak at hinipo ang pisngi ng kaniyang anak. "Wala po, Mom. Namis ko lang po kayo. At

