Makaraan ang halos isang oras na pagmamaneho ni Aica ay nakarating na ang mag-ina sa condo ng kaibigan nito. Bago bumababa si Aica ay pinagmasdan muna niya ang paligid ng parking lot. Wala naman siyang nakitang kahina-hinala. Naisip din nito na baka mangyari na naman ang tagpo nila Andrew noon. Pero imposible na gawin pa ulit iyon ni Andrew dahi nagkaayos na sila sa korte. Kaya nakaramdaman na ito ng kapanatagan. Naunanh bumama si Aica pagkatapos ay binuhat nito ang kaniyang anak mula sa sasakyan. At dahan-dahan na ibinababa ang bata. Hinawaka din niya agad ang kamay ni Hugo. At hawak kamay silang pumason sa condo ng kaibigan. Hanggang sa nakarating. Kumatok muna ang mga ito. Na agad namang pinagbuksan ni Paulo. "Bakla! Namiss kita sobra," saad nito at humalik sa pisngi ni Aica. "I mi

