Pasakay na sila sa escalator habang nakasunod siya sa Sir Matthew niya nang biglang may pumigil sa braso nito. “Matthew, it’s you!” Napatingin siya sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon at bahagya siyang natulala nang makita ang isang maganda, maputi at napakasexy na babae. “What are you doing here, Chelsea?” lukot ang mukhang tanong ng Sir Matthew niya. Hindi niya alam kung nainis ito na naabala sila o dahil hindi nito gusto ang babaeng lumapit sa kanila. Napansin niya rin kasing pasimpleng tinabig ng Sir Matthew niya ang kamay ng babaeng humawak sa braso ng Sir niya. “I’m shopping, what else?” natatawang sagot naman ng babae na tinawag ng Sir niya na Chelsea. Ang ganda naman ng pangalan ng babae, hindi kagaya sa pangalan niya na kahit katunog niyon ay napaka-common na. Tapo

