Day-off ni Leslie. Ilang araw nang wala ang Sir Matthew nila dahil kasalukuyan pa itong nasa business trip nito. Matapos ang pananghalian ay napagpasyahan niyang lalabas siya at mamimili ng ilang personal na gamit niya at para na rin makapamasyal siya. Kahit naman kasi nagtitipid siya para mabilis na makapag-ipon ay hindi niya naman puwedeng sobrang tipirin ang sarili niya lalo at ngayon lang siya kumikita ng malaki. Hindi na nga lang niya sinasabi kay Manang Elna na lampas pa sa doble ang sinasahod niya kumpara dati dahil malamang na magtataka ito at mag-uusisa. Tinanggihan na rin naman niya dati ang sobra sa sahod niya ngunit ipinilit lang iyon ng Sir Matthew niya dahil allowance daw niya ang iba. Papalabas na siya sa kabahayan nang bigla niyang masalubong ang amo niya. “Sir.” Nanlak

