“Hindi mo pa rin ba aaminin sa akin kung sino ang nakabuntis sa iyo?” malumanay na tanong sa kaya ng Tiya niya. Medyo nagtataka siya dahil ilang araw na siyang nakakulong doon pero hindi na muli pang inungkat sa kanya ng Tiya Minerva niya na maging prostitute siya. Natutuwa siya sa bagay na iyon pero hindi rin niya maiwasang kabahan dahil baka may iba na itong pinaplano para sa kanya… o sa baby niya. Hindi man niya inaamin dito na buntis nga siya pero sa bawat pananalita nito sa kanya sa tuwing nag-uusap sila ay tila siguradung-sigurado na nga itong buntis siya. Pero ano ba ang balak nito sa kanya? Ano ang mapapala nito kung mapatunayang buntis nga siya? Akala niya dati ay ipapalaglag nito ang ipinagbubuntis niya oras na malaman nito na nagdadalantao siya. Pero iba na ang tinatakbo nga

