Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mahanap siya ng Tiya niya at tumira ito sa kanya. Sa loob ng isang linggong iyon ay maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya pero sadyang lagi itong nanghihingi ng pera. Binibigyan naman niya ito pero hindi niya masyadong pinapasobrahan dahil baka isipin pa nitong pwedeng-pwede nitong waldasin ang pera niya. Gaya na lang ngayon na day-off niya tapos humihingi ito ng pangmeryenda. Isang libo ba naman ang hinihingi nito. Tssk. ang sahod nga niya ay nasa limangdaan lang kada araw. Aba, pinaghirapan niya yata lahat ng ipon niya ng isang taon! At kahit nagustuhan naman niya ang mga ginawa nila noon ng Sir Matthew niya ay para na ring ibinenta niya rito ang sarili niya. Para na rin siyang nagpabayad sa pagtatalik nilang dalawa. Kaya ayaw naman niyang

