Pagkatapos makasalubong si Azon ay nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho si Leslie. Buong hapon ay ginugol niya sa pag-aapply ng trabaho sa mga kalapit na establishimento sa inuupahan niya at gabi na siya nakauwi. Ilang araw lang ang lumipas at sa awa ng Diyos ay natanggap siya na isang crew sa isang fast food chain. Masaya siyang nagtrabaho at sa lampas dalawang linggong pagtatrabaho niya roon ay agad niyang nagamay ang trabaho niya at nakasundo na rin ang mga katrabaho niya. Mabuti na lang at likas siyang masipag, marunong din siyang makisama at talagang nakatulong na iba’t-ibang klaseng trabaho na ang napasukan niya. Isang gabi habang pauwi na siya sa maliit na boarding house na inuupahan niya ay natigilan siya nang biglang bumulaga sa harap niya ang Tiya Minerva niya. “T-Tiya….” Gula

