“H-ha?” sinubukan ni Leslie na magtunog walang pakialam pero hindi niya yata kayang itago ang lungkot na naramdaman niya sa isiping nagpapaalam na talaga sa kanya ng tuluyan ang Sir Matthew niya. Noong siya ang umalis, parang mas kaya pa niyang kalimutan ito at lahat ng namagitan sa kanila. Pero ngayong ito ang nagpapaalam sa kanya, bakit parang hindi niya kaya? “Uhm. Saan ka pupunta?” tanong niya pa sabay iwas ng tingin niya. Ok lang naman sigurong magtanong siya kasi kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila. Gusto niya rin kasing magkaroon ng ideya kung may pag-asa pa bang muli silang magkikita.. Wala lang, curious lang siya… “In a far away place… This might be the last time that we will see each other.” Sagot naman ng Sir Matthew niya at ramdam niyang nakatitig ito sa kanya. Di b

