“Charlie naman! Iniiwasan ko nga ‘yong tao, pinayagan mo namang bumalik-balik pa rito!” Reklamo niya agad kay Charlie nang makaalis na ang dati niyang amo na mukhang magiging stalker pa yata niya. “Aba malay ko bruha! Tsaka sa gwapo non, bakit iiwasan mo? Kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo na lang sa’kin.” Pagsusungit naman sa kaya ni Charlie. “Buti sana kung ganon kadali.” Napabuntong-hiningang sabi niya. “Eh bakit ba, sino ba ‘yon? Ex mo? Ang gwapo ha. Halatang mayaman at halatang malaki ang—" Tinakpan niya ang bibig ni Charlie. May dumaan kasing matandang babae at tumingin pa ito sa kanila na tila naeskandalo sa balak sabihin ng bakla. Pero agad ding inalis ni Charlie ang kamay niya mula sa bibig nito at tiningnan siya ng masama. “Malaki ang ibubuga! Ano ba kasi yang iniisip mo?” “

