“Mom, Dad, do you really have to go back to the States this soon?” “Yes, son. Inaasahan na kami ron ng Lolo niyo. Alam mo naman na ayaw na ayaw non na pinaghihintay.” Sagot naman ng Daddy ni Matthew. Bukas raw kasi ay aalis na ang mag-asawa pabalik sa States. “But be sure to come back before our wedding next year.” “Of course! Kahit hindi mo sabihin ay uuwi kami ng Dad mo. Uuwi rin kami kapag manganganak na si Leslie. Aba, hindi yata pwedeng hindi namin agad masisilayan ang unang apo namin.” Siguradong sabi naman ng Mommy ni Matthew. Kinabukasan ay umalis na nga ang mag-asawa. Lalo tuloy naging tahimik ang mansiyon pero at least ay hindi na tulad noon dahil nadagdagan na ngayon ang mga katulong doon. Malapit na ring mag-limang buwan ang ipinagbubuntis niya kaya malapit na nilang

